"I like to reinvent myself — it's part of my job."
― Karl Lagerfeld
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------X
(AMTAMB) Chapter 3: Alliance
LAMI
"Ang ganda ko talaga." Sabi ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Kaso ang problema nagkaroon ako ng kapatid na pangit, Gosh!
"Hoy panget! Mababasag yang salamin. Mahal pa naman yan Pftt." Alam niyo yung feel na feel mo yung sinasabi mo tapos bigla-bigla nalang may susulput na panget na asungot sa tabi ko? Bangasan ko kayo to?!
"Hoy Panget! Wag mo ako gawin na repleksyon mo dahil magandang-maganda ako! Hmp!" Sinamaan ko siya ng tingin at mas lalong sumama iyon ng nagpasabog ulit siya ng kahanginan dito sa sala.
"Sa dami ng nagkakandarapang babae sakin dyan sa labas tatawagin mo akong panget? Wag kang bitter kaya ka hindi binabalikan o kaya walang nanliigaw sayo eh!" Tumawa siya nang malakas at nakahawak pa sa tiyan. Ang kapal ng mukha netong mukhang unggoy na to!
"Hoy! Ang kapa ng mukha mong magsalita-" Agad na naputol ang nais ko sanang sabihin ng may maramdaman kaming matatalim na titig na halos balatan na kami sa kinatatayuan namin.
"Ang ingay niyo." Sabi niya sabay diretso sa kusina at ano pa nga ba? Malamang susundan namin siya baka mahilo ulit yan eh.
"Anong ginagawa niyo doon?" Tanong niya sabay lapag sa baso na pinag inuman niya. Kami naman ni Kuya nagkatinginan lang sa isa't isa ang gumawa ng inosenteng muka peste! Kapatid ko nga! Hindi lang kapatid dahil magkakambal kami!
"Anong ibig mong sabihin?" Sabay naming tanong at mas itinodo pa namin ang pag a-acting malamang ayaw naming mahuli.
"Mag maang maangan pa kayo at iuuntog ko ang mga pagmumukha niyo dito sa lababo." malamig netong sabi tsaka tinignan kami ng matalim. Ay piste!
"Tsk, gaya mo inutusan lang din kami ng hukluban na yun, ang sabi niya may nag tra-transact din ng droga dun mismo sa tabi lang ng abandonadong bulding kung nasasaan ka, at doon ka namin naabutan na pabagsak na sa sahig habang.." Hindi na matuloy ni Kuya ang susunod dahil nablangko ata siya dahil wala naman talaga siyang utak.
"Napatay mo yung isang babae habang yung isa, patay na rin. Pinatay namin." Sabi ko habang kumuha nang apple sa gilid at sinalampak sa bunganga ng kapatid ko
"Good." Sabi niya habang nakangiti ng nakakakilabot, alam ko yung batang iyon. Nabanggit na sa akin ni Reene na plastic daw yung batang yun. May sakit kasi ito sa utak kaya may pagka loka-loka na rin, at isama mo na rin ang kapatid niya. Matindi rin eh, kaso ba't alam lahat yun ni Reene?
Tulad din ni Reene, ay kasama niya kami. Nabibigyan kami ng mga kahit na anong misyon kapalit ng pera at mabigyan ng proteksyon ang aming mga pamilya. Saamin ng kapatid ko ay wala na kaming pinoprotektahan dahil dalawa nalang kaming natitira, nabaon sa utang ang mga magulang namin kaya nila ito pinapatay at matapos nang ilang taon nang makapasok kami sa grupo ay pinatay namin ng kapatid ko ang pumatay sa mga magulang namin. Hindi kailanman kapalit ng pera ay buhay.
"Alis na ako." Nag mamadaling kinuha ni Reene ang kanyang leather jacket at saka nag suot ng shades dahil mainit sa labas at upang walang makaalam kung sino siya. Tinitignan lang namin siya ng asungot kong kapatid na umalis. Napailang nalang kami, hmp! Hindi manlang nagpasalamat pero sanay na kami sa malamig na pagtrato niya saamin
"Hoy. Ex mo oh!" nagulat ako sa sinabi ng kapatid ko at biglang napasuklay sa buhok ko gamit ang mga kamay at napatingin sa pintuan kung may parating ngunit wala akong nakita! Naloko nanaman ako!
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)
General FictionIn just one swift move...I'm already married to a Mafia boss
