"But there's a story behind everything. How a picture got on a wall. How a scar got on your face. Sometimes the stories are simple, and sometimes they are hard and heartbreaking. But behind all your stories is always your mother's story, because hers is where yours begin." ― Mitch Albom
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------X
SEVEN
"Good Morning, Engineer!" Napatigil ako sa pache-check ng mga plates nang makarinig ako ng taong pumasok sa opisina ko. Nakangiti si Seve sa harap ko habang may hawak na kape at take out ng pagkain sa isang kamay.
"Porke't magaling ka na, hindi mo na alam kumatok?" I joked.
"Hindi pa magaling yung braso ko eh, gawa ng baril ng brother-in-law mo."
"Ulul. Divorced na sila. Ano ba yang binili mo, fastfood nanaman?" Tumayo ako tsaka tinignan ang binili niya at tama nga ang hinala ko.
"Busy ang cook ko eh." Ngumisi ako sa sinabi niya. Saaming dalawa, ako lang ang marunong at mahilig magluto. Siya lang 'tong pala-lamon.
Umupo nalang kami sa table kung saan talaga kami madalas kumain, basta nagkakaroon kami ng oras ay hindi pwedeng hindi kami kumain ng sabay at nakasanayan na namin 'yon.
"I'm receiving death threats for the past few days." Ani niya habang ngumunguya.
"Ano pa bang bago? Eh yan ang pinasok mo." Hindi naman na dapat siya magulat don kasi simula noong tumaas ang rank niya at isa pa ay bago lang ang grupo niya, marami ang nag init at gusto siyang mawala.
"Iba na 'to. Malakas ang kutob ko na galing to sa mga Flegenhiemer." Tumango ako sa tugon niya, inaasahan ko na tong mangyari simula noong ginawa niya sa kasal, alam kong lalo na nilang pagiimbestigahan kung sino ang may pakana ng mga nangyari.
"Halaka.. Matakot ka na.. Hindi ka nila titigilan.." Pang-aasar ko at tinawanan siya.
"Ugok! Damay damay tayo dito!" Binato niya ako ng plastic tsaka humigop ng kape. Napatawa nalang ulit ako dahil ramdam ko ang kaba nitong lalaking to.
"Okay lang yan. Paglalamayan ka nalang namin mga isang buwan, tsaka sponsor ko na ang kape mong Starbucks." Sumama lang ang tingin neto sakin tsaka at pinagpatuloy ang pagkain, pinagiisipan kung ano ang susunod na plano.
"Birthday ni Mama mo bukas ah? Bisitahin ba natin?" Kakatapos lang naming magligpit ng pinagkainan namin at napagusapan kung kelan ang susunod na meeting ng grupo.
"Kahit ako na, malapit mo din naman na siyang makita." Pang-aasar ko ulit.
"Gagong to!" Nakaramdam ako ng mahinang suntok sa balikat ko, tumawa lang ako dahil alam kong pikon na pikon na ang kumag na 'to.
"Oo na. Bisitahin natin bukas." Sabi ko tsaka umupo. "Oh siya! Umalis ka na at marami pa akong gagawin kung ayaw mong magpatawag ako ng guard." Pagtataboy ko sakanya.
"Ge. Matapunan sana ng kape yang plates mo." Kumaway naman si Seve tsaka umalis ng opisina ko. Umiling nalang ako saka ipinagpatuloy ang ginagawa.
6 PM na nang matapos ko lahat ng ginagawa ko, kasama na ang bagong project para sa kompanya ni Aqua. In a few days, magkakaroon ulit kami ng meeting.
"Hello, Engineer! Napaaga po ata kayo ng alis ngayon?" Sabi ng guard na nakasalubong ko sa parking lot.
"Opo manong, may importanteng lakad lang." Nginitian ko siya tsaka sumakay sa kotse.
"Bye, Engineer! Ingat po kayo!" Sigaw niya habang kumakaway. Bumusina naman ako bago umalis ng building.
![](https://img.wattpad.com/cover/25749249-288-k991046.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)
General FictionIn just one swift move...I'm already married to a Mafia boss