Chapter 32

3.8K 106 18
                                        

LAMI POV

"Sis. Okay ka lang?" napatingin ako sa nagsalita, si Chris. Tumango lang ako at ngumiti ng mapait.

Habang pinagmamasdan ko sila Austin at ang kasama niyang malapit ng matapos sa pagbabayad.

5 years ago..

Isang buwan na noong umalis si Reene. Maraming nagbago, wala na yong dating pagsasama namin.

Nandito kami sa mansion ngayon, si Min, Zed at ang kapatid ko, hinihintay naming dumating ang tatlo, sina Annika, Maxine at Kris. Anim na buwan din silang wala dahil sa misyon na naibigay sakanila sa France at ngayon ang pagbabalik nila.

"Hi guys!" sabay kaming napatingin sa nagsalit, Si annika. Bukod sakin, isa rin siya sa pinakamadaldal. Si maxine, tahimik lang, at napansin kong may hinahanap si Kris.

"Si reene?" tanong nito saamin, ni isa, walang nagsalita. Nagtinginan lang kaming tatlo.

"Umalis." sabi ni zed. Nagtaka naman ang tatlo, "Anong misyon niya?" Nagtatakang tanong ni Annika.

"Umalis na siya sa grupo. She quited." sabi ni Min, na para bang wala lang sakanya ngayon na wala si reene? Dalawang linggo na rin at napapansin ko ang kakaibang kilos ni Min.

Naguguluhan parin ang mukha ng tatlo, mukhang kailangan ng mahaba habang storya dito, lalo na si annika na napaka slow.

"Mamaya na muna natin pag-usapan. Magreport muna kayo sa matandang hukluban diyan sa taas." sabi ko at sumunod naman sila. 


"So bakit nga siya umalis?" Pagkababa nilang tatlo, iyon ang bungad ni Kris. 

"Walang nakakaalam. Basta basta nalang siyang nagpaalam na aalis." Sumbat lang ni Zed para matapos ang usapan. 

"Nakakatampo naman. Wala ba tayong pinagsamahan as friends para ganon niya lang tayo iwan?" Sabi ni Annika at bakas sakanya ang lungkot. Si Reene ang tinuturing niyang ate at napakaclingy niya dito kahit na minsan ay itaboy ni Reene si Annika dahil sa diri. 

Tahimik lang kaming lahat. Walang sumagot ni isa saamin.

I am sad too. Reene was my closest friend among the group but I felt guilty about what happened. Isa ako sa dapat sisihin sa pagkawala ng anak niya.


Nasa mall ako ngayon, naghahanap ng magandang damit para sa magandang tulad ko, pumunta muna ako sa starbucks at nag-order dahil sa maganda ako.

Nang makaupo ako, nakita ko ang isang pamilyar na mukha na kakapasok lang ng starbucks. Min? Pamilyar na pamilyar din ang kasama netong babae, Scarlett?

Magkasama sila? Hindi ba alam ni Min na muntik na tong mapatay ni Reene? Tinignan ko silang mabuti, at masaya silang nagtatawanan at sobrang makalingkis tong scarlett na to. Pinicturan ko sila, lagot ka sa fiance mong balbon ka!

Hindi na natuloy ang pagshoshopping ko dahil sinundan ko sila. Nag-take out lang sila tsaka lumabas na, sinundan ko sila sa parking and good thing kakabili ko lang ng kotse ko kahapon kaya hindi alam ni Min na kotse ko 'to. Dumaan ako sa kabilang way para hindi nila ako makita dahil magkatabi lang ang kotse namin.

Pumasok ako sa kotse ko at nagpalit, nagsuot ako ng wig at contact lens. Kinapalan ko rin ang lipstick ko, para hindi nila ako masyadong mahalata.

Tumingin ako sa kabilang sasakyan at nasilip ko silang naghahalikan.

Gross.

Ang laswa nilang tignan kasi hubad na hubad na si Scarlett sa pang itaas. Hindi manlang nakasara ng husto ang bintana. Seriously?

Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon