Chapter 24

3.9K 107 5
                                        

VERY SHORT UPDATE

3rd Person's POV

Pagkalabas ng isang lalaking tauhan ay agad niyang nakita ang kaniyang boss, "Gising na po ang bata Ma'am" 

"Good." pumasok na ang babae sa silid kung saan naroon si Austin.

"Sino po kayo?" naguguluhan na tanong ng bata. Ngumiti naman muna ang babaae saka nagsalita "A friend."

Nagtaka naman ang bata, "Kilala niyo rin po ang Titamommy ko? Pati rin po si Titaganda at titounggoy? Kasi po kung kaibigan mo po ako, dapat po kaibigan mo rin po sila, kasi sabi po ni Titaganda na lahat daw po dapat ng kaibigan ko ay kilala nila"

"Oo naman kilala ko sila. Kilalang kilala ko" ngumiti naman ang babae

"Talaga po? Eh ano pong pangalan niyo? Ba't po ako nandito?" sunod sunod na tanong ni Austin

"Ako? Ako ang Tita Scarlett mo." sabi ng babae saka tinakpan ang ilong ni Austin ng panyo na dahilan ng pagkahimatay neto. "...ang taong papatay sa nanay mo" dugtong na sinabi ng babae saka lumabas ng silid.

Lami's POV

Nakatanggap ako ng text mula kay Reene na huwag ko na raw sunduin si Austin, pero ang sabi niya sabihin ko daw sa unggoy kong kambal na i-hack ang cctv ng mall at i-review ang mga kaganapan dito dahil nawawala si Austin. Myghad sino nanaman kayang kumuha sa bata?

Napamahal na nga si Reene sa bata.

"Hoy panget. May iniutos si Reene na gawin mo" nakita ko ang kambal kong may inaasikaso sa PC niya. Di ko alam kung ano yun. 

"Busy ako. Si zed tawagan mo. Dibale malakas ka dun." pwede manapak kahit isa lang? Bastos tong kambal kong to! Panget na nga, unggoy pa! Tsaka bakit si zed pa?! Magaling din kasi si Zed sa pag hahack pero ayoko sakanya. Kamukha niya tong kakambal ko. Tinatangay pa ko ng hangin.

"Ikaw na! tsaka pinapautos ni reene! Sige lagot ka" pagbabanta ko sakanya. Pag kasi si reene takot diyan. Pati naman yung iba eh. Oh well, ganda ko

"Pinapagawa din 'to ni Reene sakin. Eto yung misyon natin next week. Dun ka nga. Nangangamoy tae ka. Huwag mo kong distorbohin" nakakalokong sagot ng kambal ko. Argh! Ano nanaman ba to?!

"Eh madali lang naman to eh! Mamaya na muna yan!" sinabi ko with matching paawa effect. Maganda naman ako so tatalab 'to 

Tinignan lang ako ng kambal ko tsaka ngumisi, aba! "Iniiwasan mo ba si Zed? Hindi ba't past is past kambal? O baka naman hindi ka pa nakamove on. Kawawa ka naman" Ano bang pinaglalaban netong pangit na to?! Malamang nakamove on na ko dun no! Sa kangandahan ko ba naman. Bakit hindi pa ko makakamove on?! Oo ex ko si Zed. As in ex ko siya, Expired na. Nakakapanis na pagmumukha niya, kaya tiis tiis lang pag sama sama kaming lahat

"Naka-move on na ko! Edi okay! Eto na tatawagan na!" Sabi ko at padabog na lumabas at tinawagan si Zed.

dialling ZedPANGET....

Matapos ng dalawang ring ay sinagot na niya eto. bilis naman. Gaya ng kung pano niya kabilis palitan mga babae niya.

[Hello? Zelle baby? Malapit na--- a-aah! owshit. Sorry. Lami. Ikaw pala yan]

Zelle?! Kailan pa naging zelle ang pangalan ko!? Baby? Iw. Ano yang zelle na yan bata batuta?! at bine-baby niya?! Eh nung last week na wrong send pa siya sakin non! Tinawag niya kong Babe Elise! In-end ko nalang yung tawag. Argh! Punyeta kang Zed ka! Ang bilis mo palitan mga babae mo!

3rd Person's POV

"Gross" nagulat sina Aqua at Dylan ng makarinig sila ng boses at sabay rin silang humiwalay sa isa't isa.

"Oh sorry." nakakalokong ngiti ang ibinigay ni Arisa sa dalawa. 

Walang nagawa si Aqua kundi manahimik nalang at si Dylan naman ay masama ang ibinigay na tingin kay arisa. "Tss" 

Ngumisi lang si Arisa tsaka nagsalita, "By the way, I'm going on a date with--"

"The fuck! NO!" rinig na rinig sa buong mansyon ang malakas na sigaw ni Dylan sa hindi niya pagpayag sa sinabi ni Arisa.

Tumaas ang kilay ni Arisa atsaka nagsalita, "What the hell? As if ku-ya? I'm not like you. Duh. Bye" 

Pagkatapos non ay umalis na siya sa at natira nalang si Aqua at Dylan.

"What's wrong with that kid? Tsk" ngumisi lang si aqua sa sinabi ni Dylan at hindi nagsalita.

"Speaking of date wife. Let's have a date tomorrow. 10 AM sharp. The answer is yes, and it's final" nakangiting sabi ni Dylan at binigyan ng halik si Aqua sa noo.

Naka-tanga lang si Aqua sa kanya. Like seriously?

------------

-Stickynote~

A/N - Sorry guys! ang tagal niyo naghintay. Huhuhuhu. So btw, may mga readers ba dito na nagjoin sa group ng AMTMB?[naka post sa wall ko yung link] Join na kayo! Paramihin muna natin! Tsaka baka hanggang Chapter 35 lang po ito :) Or kung magdadagdag pa ko ng twist baka abutin ng forty. So ayun po! Sorry at salamat sa paghihintay! Mahal ko kayo! 

Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon