Chapter 4: Leaving

10.6K 238 2
                                        

"Missing someone enlightens how the person means to you and broadens the feelings shared."
― Unarine Ramaru

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------X

(AMTAMB) Chapter 4: Leaving

AQUA

I started to pack my things and not to forget the most important to wear in my little sister's debut.

Uuwi ako ngayon sa Pilipinas dahil dalawang araw nalang ay kaarawan na ng kapatid ko, mga sampung taon na din akong hindi nakakauwi simula ng ipa-check up nila ako. Sa bagay wala ring kwenta kung babalikan mo pa ang nakaraan mo.

Napatingin agad ako sa relo ko at isang oras nalang ay flight ko na kaya binilisan ko na ang pag-iimpake at saka umalis na ng bahay, kaso habang nasa byahe ay tumunog ang phone ko.

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.

[ATE!! Good day! Hihi, kamusta ka na diyan? Kailan ka babalik dito ate? Malapit na birthday ni ate Emily! May regalo ka rin kaya sa akin? Ate bili ka ng favorite foods ko diyan ha? Yung candies na lagi ko pinapalibre sayo! Ate--]

"Gusto mo bang lagyan ko ng mansanas yang bibig mo ng tumigil ka na ha?" Minsan talaga hindi na tumitigil sa kakaputak nitong kapatid ko, kailangan mo pa atang subuan yan ng sili upang magtigil.

[Ate wag, Ice cream nalang para mas masarap hehe] Napairap nalang ako dahil alam kong iniinis lang ako ng bubwit na 'to, kaya kapag hindi ako nakapagpigil susubuan ko talaga yan ng sandamakmak na siling labuyo.

"Gusto mo bang totohanin ko?" Pananakot ko sa kanya na nakapag patigil sa kanina pa niyang pagtawa, alam kong napintig ang tenga niya dahil alam niyang pwede ko iyong gawin kahit malayo kami sa isa't isa.

[Ate joki-joki ko lang iyon! Uwaa!] Sa salita pa lamang niya ay alam ko na kung anong itsura niya ngayon, at paniguradong kinakagat niya ulit ang kanyang mga kuko, mannerism niya talaga.

"Bye." Ibinababa ko na agad ang  tawag dahil mahuhuli lang ako kapag nakipag chikahan pa ako sa kapatid ko, madaldal pa naman ang isang 'yun at walang pakealam kung mahal na ang binabayad sa international calls.

Walang layover ang kinuha kong flight kaya naman pagkatapos ng 17 na oras ay ramdam ko ang pagod ng buong katawan ko ng makababa ako ng eroplano. Nakakamiss din pala ang Pilipinas? Mukhang naulila ako sa bansa kung saan ako ipinanganak.

Alam kong walang susundo sa akin dito sa airport dahil walang nakakaalam na umuwi na ako, kaya nagpa reserve ako nang masasakyan.

Pagkalabas ko na ng airport ay natanaw ko na ang kotseng pina-reserve ko, isang itim na sedan pagkalapit ko palang doon ay bumababa ang isang taong naka formal attire, ibinigay niya saakin ang susi kaya naman ipinasok ko na ang dalawang maletang dala ko at umalis na.

Habang nag mamaneho di ko maiwasang mapaisip, ano kayang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang umuwi ako? Marami akong posibleng naisip na kinalabasan kaso napatigil 'yun ng may maramdaman akong sumusunod sa akin.

Pati ba naman dito sa Pilipinas? Wala talagang pahinga? Sanay na ako sa mga ganitong laro kaya naman napailang nalang ako at umiba nang daan bago makapunta ng bahay. 

Nang natanaw ko ang bahay namin ay napangiti ako, it really changed a lot. Pwede mo na siyang matawag na mansyon sa kanyang laki. 

Tumigil ako sa napakalaking gate papasok, at lumapit saakin ang armadong lalaki.

"Ano pong sadya nila?" magalang na tanong neto sakin nang ibaba ko ang bintana

"Kaibigan po ako ni Emily" sabi ko saka tinawagan si Emily.

Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon