"The value of an idea lies in the using of it." — Thomas Edison
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------X
(AMTMB) Chapter 18: Back to Business
AQUA
"Obey our master." Kanina pa ako naririndi dahil paulit ulit nilang sinasabi yan.
"Will you shut the fck up and lift your asses kung gusto niyong mailigtas?!" They all looked at me at sabay sabay na tumayo at humakbang papalapit sa akin.
"Obey our master."
They really look like robots. I mentally rolled my eyes. Master my ass.
Bigla nalang nag sara ang pintuan ng kwarto na kinabibilangan namin at umalingawngaw ang malakas at matinis na sigaw. Napaluhod kaming lahat at kanya-kanyang nagsitakip ng tenga. Sigurado ako na sa speaker galing yon.
"AAAAAAAH!" Napuno ng sigawan ang loob ng kwarto at di ko mapigilang mapamura.
Ba't ba nakikisigaw sila?! May sumisigaw na nga dun sa speaker eh.
Pagkaraan ng ilang minuto ay tumigil rin ito at tinanggal ko na ang mahigpit na pagkaka takip ko sa aking tenga.
"Aqua." May nagsalita sa earpiece na suot ko. Akala ko hindi na magpaparamdam ang bwisit na 'to.
"Hello to you too, Lami." Nahaluan ng pagiging sarcastic ang boses ko.
"Sorry na! Si Austin kasi nagtampo kaya kailangan kong suyuin ng buong araw. Jusme!" Napatigil ako, oo nga pala pinabantay ko sakanya yung batang yun.
"Anong ginagawa niya ngayon?"
"He's sleeping---teka turn on your gps."
"Tanga. Kanina pa." Napairap na naman ako.
"Ouch! Sabi ko nga, eto na."
"Bilisan mo."
Tinignan ko naman ang apat na babaeng hanggang ngayon ay nakadapa at nakatakip ang tenga. What the hell are they doing? Kanina pa natapos ang sigaw at para bang hanggang ngayon ay naglo-loading parin ang mga utak nila.
Napasapo nalang ako sa noo ko at tinulungan silang umupo sa gilid isa isa habang hinihintay si Lami.
LAMI
Got you baby! Inunat unat ko ang magaganda kong daliri.
"Buset! Pinahirapan pa ako." Yung kaninang sigaw na narinig ni Reene ay nirecord ko at gumamit ng maraming devices para mahanap ang salarin.
"Tita what's that?" Halos mapamura at mapatalon ako sa gulat. Bigla bigla naman kasi sumusulpot si Austin sa tabi ko. Naman eh! Akala ko ba natutulong tong bubwit na to?
"You go downstairs Austin, tita beautiful is busy right now kasi." Inexit ko ang ibang applications. Mahirap na at baka may makita pa siya.
"Wait! She's the girl!" Agad niyang dinutdot ang screen kung asasaan si Reene. Hinack ko kasi ang maliit na spycam sa loob ng building para mamonitor ko lahat.
"Asaan?" Tanong ko saka niya tinuro niya si Reene.
"What are they doing inside that house?" Kunot noong tanong niya kaya napakunot din magaganda kong kilay. "What do you mean?"
"That's where papa collect his living dolls. He said that dolls without clothes are more attractive." Napamura ako sa isipan ko. Yung papa na tinutukoy niya ay yung bumubugbog din sa kanya kasama ng mama niyang adik na nakita namin sa mall noon.
"---but I know, he sells that through online which costs a lot of money." Inosente pa niyang dagdag. "I know how they are made, papa showed me." I looked at Austin's eyes, sumilay doon ang takot at lungkot.
Pakingshet! Kung ako nga iniisip ko palang kung paano sila nagawa bumabaliktad na sikmura ko, eh siya? Ang bata pa niya para makatuklas ng mga ganito!
"Austin, go back to your room. Please." Paki usap ko sa kanya, I know he's been emotionally tortured.
He just nodded and went off the couch, "Tell her to be safe."
Kinuha ko na ang tracking device at dalawang baril bago ako bumaba.
"Tagal, kanina pa ako nag-aantay dito." Sabi ni Zed saktong pagkasakay ko ng kotse.
"Hindi ko na problema yon. Dalian mo nalang!" Inirapan ko nalang siya saka tinutok ang atensyon ko sa device. Kaylangan kong makasigurado na walang ibang building na nakapaligid don na pwedeng mabahala kung sakali ay papasabugin namin ang building kung nasaan sila Reene ngayon.
AQUA
Kanina pa ako nababagot at naiinitan, tinanggal ko ang palda ko. Naka black shorts nalang ako at nakikita ang suot kong tactical leg rigs, may naka suksok doon na baril. Halos mabaliw na ang mga kasama ko ngayon at wala akong balak na maging katulad nila.
Hinarap ko ang bakal na pinto at saka ito pinaputukan ng marami, nang masigurado kong okay na ay buong pwersa kong itinulak ang katawan ko para bumigay ito ng tuluyan.
Tinawagan ko rin si Cris para mailigtas ng tuluyan ang mga babaeng kasama ko.
Paglabas ko palang ng pinto ay bumungad sa akin ang nakakabinging katahimikan. Ang dilim din ng paligid, pinakiramdaman ko muna ang paligid ko at mabilis na sinangga ang kutsilyo na muntikan ng lumapat sa noo ko.
"Weak." Pang iinis ko sa taong nagtapon sa akin ng kutsilyo at walang kurap kurap na tinama ito kung saan 'to nanggaling. Bull shot.
Mukang may apat pa na tao sa paligid at nag aabang sa mga susunod na kilos ko. Kahit na gugustuhin ko pa silang paglaruan ay di pwede. Kailangan kong magmadali, lalo na hindi ko kabisado ang lugar na 'to.
"So long...assholes."
Nagtapon ako ng gas bomb na nakita ko kanina sa loob at mabilis na tumalon at kumapit sa pinagtagpi tagping kadena.
Kitang kita kung paano sila nagpaputok sa kung saan saan na lamang sa pagbabakasakaling matatamaan nila ako.
"Let them enter, may kailangan pa akong gawin. I-rescue niyo nalang muna 'tong apat na baliw dito sa loob." Sabi ko kay Lami, I'm sure kanina pa siya nanonood, nakita ko ang isa sa mga sasakyan namin na kararating lang at nakapark sa malayo. Nagtaka nga ako kanina kung ba't parang may kabulungan siya sa kabilang linya.
"Alright! Leave it to the beautiful me." I rolled my eyes.
Pinuntahan ko ang basement at pinuntahan ang maliit na factory ng mga sex dolls. May nakita akong langis na naka imbak sa garage kaya kinuha ko 'yon at isinaboy sa mga naka kahon na manika at pati na rin sa pagawaan.
"Nasa van na silang lahat kasama si Cris. How about you?" Tanong ni Lami. "Paunahin mo na sila sa Ospital." Kinuha ko ang lighter na nasa short na suot ko. Sinindian ko yon at itinapon sa kung saan may langis. Bigla itong lumiyab. Aalis na sana ako ng biglang magsara ang pinto. Mas matibay 'to kaysa sa pinto kanina.
"Damn it! Akala ko ba kontrolado mo lahat Lami?!" Nagsisimula ng kumalat ang mga apoy at kailangan kong makalabas dito.
"Pakshet naman oh! Kanina pa kita sinasabihan na may sumusunod sayo pero di mo pinapansin. Ni-lock ka niya mula sa labas." Fuck! Ba't di ko yun naramdaman?! Walang bintana ni ano dito kaya mabilis lang napuno ng usok ang paligid.
"Reene!" Yan ang huli kong narinig mula kay Lami bago ako mawalan ng malay.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-Creamy
REVISED
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)
General FictionIn just one swift move...I'm already married to a Mafia boss
