Chapter 31

3.3K 91 4
                                    

Kevin's POV

Ang dami dami kong gustong sabihin kay Akira. Kaso alam kong makakasakit ang mga yon sa kanya. Natatandaan ko lahat ng nangyari samin simula pa noong bata pa kami. Ngayon, mukhang alam na rin ni Mike ang nakaraan. Nagkaroon kasi siya ng amnesia after the accident.

Pero kanina, matapos namin magtuos,  I must say na nakarecover na siya.  Nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi pa ako nabubuko sa mga ginagawa ko. Kahit na parang hinihiling ko na rin na huwag ng bumalik ang memorya ni Akira. Sana nga bumalik na lang! Para kahit alam kong masasaktan ako sa maaaring maging reaksyon at desisyon niya, alam ko namang wala akong kahit anong inililihim. Hindi ko kasi masikmura na magsinungaling sa taong mahal ko.

Bigla akong napangiti. May mga alaala sa nakaraan na kahit kailan hinding hindi ko pinagsisisihan na dumaan sa buhay ko.

At meron ding alaala na hiniling ko na sana hindi ko na lang naranasan.

"Hon, don't leave me! Please wag mo kaming iwan ng anak mo." I heard mom and dad fighting. They always did that. Sa tulad kong 7 years old, hindi ko pa lubos maunawaan ang sinasabi nila. Pero one thing is for sure..

"I'm leaving you because I don't want to hurt your feelings Linda. Nagmamahal ako ng same sex at hindi ko maaatim na saktan at idamay ko kayo ng anak ko. Patawarin mo ako Linda, time will heal, mauunawaan mo rin ako." narinig kong sabi ni Dad.

"Dad, where are you going?" Lumapit ako sa kanya. Hahawakan na niya sana ako pero pinigil siya ni Mom.

"Aalis na ang Dad mo at ipagpapalit tayo sa bakla. Wag kang lumapit sa kanya at baka mahawa ka anak!" mom screamed at the top of her lungs. Nanlaki bigla ang mga mata ni Dad. I can't even understand what "bakla" means. Is it an animal? o_O Oh, maybe a thing usually used by humans.

"Linda! Hayaan mo akong kausapin ang anak ko! May karapatan pa rin ako sa kanya bilang ama niya!" punong puno ng awtoridad ang boses ni Dad. Nagpacute ako kay Mom para payagan niya akong lumapit kay Dad.

"Anak, Daddy loves you so much. I'm sorry if I have to leave you this early. Ayaw lang kitang madamay. I know magiging mabait kang bata and in time malalaman mo rin ang ibig sabihin ng lahat." After that, Dad turned his back and walk towards the gate.

Yun na yung huling araw na nakita kong buhay ang mom, I mean yung pagiging masayahin niya. Maganda siya pero parang halos mawala ito ng dahil sa sakit ng pagkawala ni Dad. I guess, she really loves Daddy so much.

Napabayaan na rin ako ni Mom kaya minsan pinapaalaga niya lang ako kina Yaya. Buti na lang may mga kapitbahay kami. Doon ko nakilala ang mga kaibigan ko. Sina Tonying, Yvane at Drichio. May dumagdag pa sa tropahan namin. Si Aki. Sa edad na siyam, nalaman ko rin ang ibig sabihin ng "bakla." Ginagamit pala yun sa lalaking nagmamahal ng kapwa niya lalaki. Inis na inis ako nun, dahil si Aki at Yvane ay magpartner. I still remember kung bakit kami iniwan ng Daddy. Halos kamuhian ko ang mga bakla. Kahit alam kong may paghanga akong nadarama noon kay Akira. Hindi ko pa rin iyon ipanakita. Mas nanaig ang galit ko. Napabayaan ko nun ang pag-aaral ko. Naging rebelde rin ako pagmula ng ipagkasundo ako ni Mom sa isang bisexual.

Ang tanging paraan upang maisalba ang kompanyang iniwan kay Mom ay pagkakaroon ng partnership sa mga Dela Merced. Isa sa mga kasunduan ay ang ipagkasundo ako sa kaisa-isa nilang anak na si Joshua Dela Merced. Kaya ngayon engaged na kami. Pero hindi ko siya mahal.

Hindi rin naman talaga plano ni Joshua na ikasal kami. Ginagamit niya lang din ako para maisakatuparan ang mga plano niya. Kaya upang hindi sila umatras ay pumayag na rin ako. No choice ako, pero habang nagpaplano kami, hindi ko rin inaasahan na ganito ang mangyayari.

I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon