Chapter 3

10.1K 230 13
                                    

"Akira may gusto sana akong sabihin sayo. Please, wag ka sana magagalit. Wag mo ako lalayuan please. Promise me."

Pakiusap ni Mark sa akin, simula noong  araw na magkabungguan kami at naisauli ko ang ID niya naging matalik kaming magkaibigan. Hanggang ngayon na nandito kami sa seaside ng MOA,  magkatabing nakaupo at pinapanood ang paglubog ng araw. Wala kasi si sissy eh. Busy daw siya kaya kami muna ni Mark.

"S-sige ba. Promise!" magiliw at buong dangal kong sambit kahit nakakapanibago ang kanyang pagiging seryoso.

"Akira ano kasi eh.. ahmm"

"Hmmm?"

"May gusto ako sai..."

"Sissy! Wake up! Argh! Ang hirap talaga gisingin ng balyena na 'to. HOY GISING NA!"

Natigil ang panaginip ko dahil sa sigaw ng isang mabait na babae.

"JILLIAN!" bulyaw ko sa kanya. Binigyan ko siya nung tingin na nakakatunay. Grrrr.

"A-ah.. Ahehehe.. Babush sissy!" nasa climax na eh! Magiging jowa ko na si Papa Mark eh! Hoho.

Napatingin naman ako sa alarm clock ko, shems! Late na nga kami! Oh my!

Kinuha ko na ang tuwalya at naging si flash na ako. Pagdating ko sa kusina. Prenteng nakaupo ang bestfriend ko habang nilalantakan ang almusal namin. Anak lang?

"Ano bakla? Aga aga PG much ah." sigaw ko sa kanya.

"Ayos na yun kaysa kalandian sa umaga. Alam ko naman nasa panaginip mo si Mark eh. Nako, ang kati kati naman dito Tita!" at umakto pa na parang kating kati sa kagat ng mga lamok. Napatawa na lamang si Nanay.

"Heh! PG ka!" nag-iinit mukha ko sa sinabi niya. Hay, totoo naman kasi. Nagbanyo na ako at kaagad naligo.

Bago kami umalis, tinignan ko muna kung may messages sa phone ko.

Halos puro group message lang ng 'Good Morning' pero may nakaagaw ng  pansin ko.

KYAAAAAH!

"AY PEKPEK MONG MALAKI NA NAHULOG! anu ba yan sissy! Wagas ka masyado. Eh ano ba kasi yang binabasa mo? Akin na nga.." sabay hablot niya. Yung totoo? Snatcher lang?

Bigla namang namilog ang mga mata niya sa nabasa. Habang ako napangisi na lang.

From: Mark

Rise & Shine cutie Akira! ;D Sa gate na lang tayo magkita. Hindi nga pala ako papapasukin kapag walang ID. Salamat ulit! See you later!! :)

From: Bae Kevin

Good Morning :*

Yan lang naman po yung laman ng mga text. Yan LANG!

"Tara na let's do the rejoice dance move!" We giggled.

"HABA NG HAIR! NAGREJOICE KA BA GIRL. HABA NG HAIR, MAGREJOICE SALON POWER STRAIGHT. HABA NG HAIR SAYO NA ANG KORONA. HABA NG HAIR!!! HAHA!" not minding the stares we got from people around haha. Grabe lang. Lakas maka-hyper.

"Hep! Alam ko kating kati na yang dila mo magtanung. Later na chika bakla, malelate na talaga tayo." good thing isang sakayan lang kami papunta ng university. Mga 5 minutes kapag nagtricycle.

Nagbayad na kami at bumaba tsaka tinungo ang gate at naghintay saglit. May mga 2 minutes pa naman bago magbell.

"Uhmm, bakla ano na itsura ko? Haggard ba? Oh, di ka makapagsalita? Ang ganda ko ba?" pagpapacute ko sa kanya.

I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon