Mark's POV
Haay.
Tsk.
"Haay.." kanina pa ako dito sa may garden ng school na napapabuntong hininga. Wala lang. Buti mahaba pa ang oras dahil break time naman namin.
Bakit nga ba ganito ang inaakto ko?
"Wala, wala.." mahinang sambit ko sa sarili.
Pero kasi.. kasi..
Haaay.
"Nakakainis naman kasi yung mga yon eh!! Tsk." sabay hagis ng bato na nakita ko. Tumama lang ito sa puno at nawala na sa paningin ko.
Wala naman ng bago sa tinutukoy ko diba? Yung tatlo kasi. Masyado ng malapit kay Akira. Hindi ako makasingit eh.
Alam mo ba yung ganung feeling?
Gusto ko yung mga ngiting ubod ng tamis ni Akira. Bakit? Ewan.
Masaya ako kapag nakikita ko siya. Para akong aatakihin sa pagkarera ng puso ko. Bakit? Hindi ko alam.
Gusto ko ako lang nakakapagpatawa sa kanya. Bakit?
"Ah, basta!! Gusto ko malapit ako sa kanya!" wala sa sariling usal ko.
GRUUUU ~
Oops! Haha. Nagugutom ako. Tiningnan ko muna yung relo ko at buti may 15 minutes pa.
Agad akong nanakbo patungo sa canteen. Napatigil ako at napangiti sa nabungaran ko.
Si Akira. Walang kasama, siya lang.
Lalong lumawak yung pagkakangiti ko. This is it!!
Pumunta na ako sa counter at umorder tsaka mabilis na pumunta sa kinaroroonan niya.
"Hi Akira!!" masiglang bati ko. Napatigil naman siya sa pagbabasa at napatingin sakin. Kahit kailan talaga ang sipag niya. Tipong kumakain nagbabasa pa? Nice. Kaya idol ko yan eh.
"Ohh!! Hi Mark!! Kamusta na? Tara upo ka dito sa tabi ko. Gumagwapo ah?" pang-aasar niya.
Ramdam ko yung pag-init ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Naupo ako sa may tabi niya. Sabi niya eh!
"Uyyy, namumula! Hahaha Cute mo talaga!" lalo akong namula panigurado!! Lakas din pala mangtrip nito.
"Pag di ka tumigil sa pang-aasar hahalikan kita!!" sigaw ko sa kanya. Nanlaki naman yung mata niya sabay iwas ng tingin.
AWKWARD.
Taena, ano ba kasi yung sinabi ko. Panira eh.
KATAHIMIKAN!
Nakakabingi pala to?!!!! -_-
"Ahm, Akira?"
"Hmm?" siya.
"Anung sabi ng isang kilay sa kabilang kilay?" tanung ko.
"Huh? Anu naman?" this time tumingin na siya.
"Edi Hi - Brow (eyebrow)" ako.
"Pfft." siya.
T^T gumana ka.
"AHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! TAHAHAHAHAHA!!!" seriously? Napahawak pa siya sa tiyan niya eh. Buti natawa siya kahit corny -_-
"Huuy, tumigil ka na nga. Ang cute mo talagaaa." sabay pisil ko sa pisngi niya. Napatigil naman siya.
"Araaaay naman Mark eh." nakapout pa yan.
"Tss. Wag ka nga magpout tukain ko yan eh.."
BINABASA MO ANG
I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!
RandomWill you still believe in forever even the world says don't?