Chapter 10

5.9K 158 9
                                    

Days had easily passed.

Tenen! Foundation week na!

Hindi ko na nga nakakausap si - sigh - Mike, although nakikita ko siya sa school grounds but I never had the chance to talk to him. Puspusan din ang practice ko.

Nakapasok kasi ako sa Top 10 ng singing contest dito sa school. Lalo pa akong nagpakita ng interes dahil sa cash prize. Hoy, FYI hindi ako mukhang pera, kailangan ko lang talaga ng pambili para sa regalo ko kay nanay. Lapit na birthday niya. Yiiiiie. Haha

Balita ba kay Aldrich?

Ayun! Bangag lagi. Gabi na kasi kung umuwi, tapos ang aga pumasok. Oh diba? Sino bang hindi mababangag ng ganun?

Nakakatulog pa siya sa room kaya nasesermonan. Kiluhin ko kaya eyebags niya? Mahal din yun ah!

Kung kaya ko lang siya tanungin eh. Matagal ko ng nagawa.

Ngayon ang singing contest. Mamayang hapon naman ang sa Basketball. Sinabihan nga ako ni Mark na pumunta eh, siyempre I'll support him!

Ako daw ang lakas niya. Nuuks!

Nagpunta kami ni sissy sa library  after classes. May kailangan kasi kaming hanapin para sa group work sa Economics. Lintek na libro yan, kulang kulang ang explanation! 

Luckily, I found the right book. Naghanap na kami ng mauupuan at nagsimula ng magbasa.

Ako lang pala ang nagbabasa.

Aba'y busy si sissy sa pag-update ng story niya! Adik lang teh? Ano? Ako na naman kikilos? Nakakaluka!

Reyna talaga ng kalandian eh noh? HAHAHA!

"So, ano sissy? Wala kang balak na tulungan ako? Peste ka!" sighal ko dito sabay sabunot. Favorite kong gawin sa kanya yan. Kaya hindi na ako magtataka na one of these days naglalagas na hair niya HAHA!

"Areku, keye me ne yen. Gew sissy!!" Pagcheer niya saken.

"Hoy hoy at hoy! Aba naman Mayor, paglalaki ang usapan Game na game ka! Hala sige! Hanapin mo yung mga theories na yan! Kilos!" nagulantang naman siya kaya hinawakan niya na ang libro.

"Sissy, ang ganda ng Starting over Again! Yun nga lang realistic talaga yung ending. Sayang. Pero maganda pa rin." pag-iiba niya sa usapan nagpadala naman ako. -_-

"Hindi ko pa nga napapanood yun eh. Wala akong time." sabi ko.

"Sissy, pwede pa ngayon. Showing paaaaaa!!"

"Hay nako, mag-aantay na lang ako sa mga bangketa. Ang mahal ng sine ngayon noh!" medyo napasigaw pa ako kaya naman nagring bigla yung bell sa counter. Nagpeace sign na lang kami ni Jilly at nagpatuloy sa pagbabasa.

Busy mode.

"Hi, Akira! Long time no see." tinignan ko naman at nakita kong nakangiti ng abot hanggang tenga si Mark.

"Hi din sayo! Long time no see too. Mukhang masayang masaya ka ah?" pagtatanong ko naman.

"Siyempre nakita ko yung taong gustong gusto ko"

"Yiiiiiie, tell me who's the lucky girl?"

"Nakuu, baka lucky boy!" Nakita kong tiningnan ng makahulugan ni sissy si Mark. Ganun din si Mark kay sissy.

Ok, hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip ng dalawa.

"Uhm, Akira, gala tayo sa mall. My treat." pag anyaya ni Mark.

I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon