"Ehem" pagtikhim ko sa harap nilang dalawa. Jusko. Natatakot talaga ko sa paraan ng titig nila. Feeling ko anytime may laser na lalabas eh.
"Bakit mo kasama 'to?!" sabay na naman sila!
"ahh.. ehh.. nakita ko siya sa CR kanina Kevin. Aldrich diba may bibilhin ka pa? Sige na baka hindi mo pa makita." tinulak ko na siya ng bahagya ayoko namang magkaroon ng eskandalo dito sa mall may gawd! Hinarap ko muna si Aldrich.
"Aldrich, wag ka ng makulit. Ayokong gumawa kayo ng eksena dito kaya sige na. Mamaya na lang tayo mag-usap." parang biglang lumungkot yung itsura niya. Haaays, wag ka namang ganyan Aldrich. Tumakbo na ko sa direksyon ni Kevin.
"Kevin, nauna na siya tara na!" I said cheerfully para mawaksi yung malungkot na bumabalot sa isipan ko. Takteng Aldrich yan.
Habang naglalakad kami sa mall hinila ni Kevin ang kamay ko at pinagsalikop. Ang init ng mga palad niya. OMG. May ibang napapatingin sa gawi namin most of them are girls na napapataas ang kilay kapag nakikita ako. Oh well, tanggapin na lang nila na maganda ako. Hohoho ~
Nung medyo napagod kami naupo kami dun sa isang bench.
"Uhm, Aki, kapag niligawan ba kita my chance ba ako?"
This is it PANSIT!!
"a-ah.. e-eh.. o-oo n-naman." nauutal kong tugon sa kanya. Ligaw lang naman daw diba? Ugh!!
"Thanks.." tapos niyakap niya ako bigla and somehow I felt secured. Nawala lahat ng worries and doubts ko.
Mga ilang minuto rin kaming magkayakap ng mapagpasiyahan kong umuwi na. Nagpupumilit naman si Kevin na kumain muna kami pero sabi ko magtakeout na lang siya ng Yum burger! *O* *gulp* may naalala ako bigla!
So ayun sumakay na kami ng car niya at umuwi na.
Nung malapit na kami sa bahay agad naman siyang lumabas at pinagbuksan ako. Enebe! Stop it. Hahaha.
"Kevin!! Thanks ulit ha!!"
"No problem basta ikaw." lumapit pa siya at hinagkan ako sa noo. Sweet.
"Ehem" OMG. Sino naman yung tumikhim bigla akong kinabahan. Kaya nung hinarap na namin..
Uwaaaaaaaaaaaaaa!!!!!
What to do?!
OMG!!
"T-tatay.." mautal-utal kong sambit.
"Nandito ka na pala anak, tara na sa loob at kumain. Ayain mo na rin yang kasama mo." narinig ko yung pagbibigay nag diin ni itay sa 'kasama mo' kaya naman lalong dumoble yung kaba ko. Lord, tuloooooooong!!
Pumasok na kami at tumungo sa hapag. Huhuhu. Kasabay namin ang buong family with Aldrich. Nang makita niya kami nasulyapan ko pa yung pagsalubong ng kilay ni Aldrich nagsmirked naman sa gilid ko si Kevin. Dumulog na rin kami sa hapag..
"Anak hindi mo man lang ba kami ipapakilala diyan sa kasama mo?" inangat ko ang tigin ko at bumungad sakin ang seryosong itsura ni tatay.
"a-ah.. s-siya po si K-Kevin tay, Kevin Salgado po."
"Ahh ganun ba. Hijo, matagal na ba kayong magkaibigan nitong anak ko?" si tatay.
"Opo, matagal na rin po." simpleng tugon niya kay tatay kaya tumango na lamang siya. Si nanay naman NR (No Reaction =_=)
Si Aldrich naman nagrerelease ng laserlight sa tabi. Kanina pa siguro nakatay si Kevin sa isip niyan. Psh. Seloso. HA?! ANO YUNG SINABI KO?!! AH WALA KAYONG NABASA!! O///
BINABASA MO ANG
I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!
De TodoWill you still believe in forever even the world says don't?