Walang lingon likod na kumaripas ako ng takbo papunta ng sakayan. Sumakay na ako at umuwi. Nakahinga ako ng maluwag at wala na rin ang sakit ng ulo ko. Yeey!
Bakit parang pakiramdam ko magkakilala kami dati? Parang nahawakan ko na siya. Yung ganun. Weird.
Bumaba na ako ng jeep at dumiretso sa aming home sweet home. Weee. Kumpleto kami ngayon. Kaya naman ako nagmadali umuwi. Si nanay, tatay, kuya at ako. Gabi na ako nakauwi dahil sa pesteng traffic na hindi na mawawala sa kasaysayan ng Pilipinas eh nagbihis lang ako at kumain na kami.
Tinatanung lang ako ni kuya ng mga nangyayari sa school, si tatay din kung may umaaway pa din sa akin. Sasagot lang ako at ngingiti. No wonder overprotective si kuya. Namana niya siguro kay tatay. Pati kagwapuhan. Weeee.
At namana ko ang mala Diyosang pigura ni nanay. I was just joking guys. Sinamaan niyo agad ako ng tingin. Grabe kayo. Huhu. Bago ko makalimutan wala si Aldrich ngayon. Umuwi eh. May aasikasuhin daw na family matter. Aww. Hindi ko siya namimiss wag kayong epal diyan!
Matapos kumain, pinakita ko agad ang waiver kina nanay para pirmahan nila pinayagan naman agad ako kaya hooraay!! Excited na ko noh. Team Building yun. Like ever!!
Jilly's POV
Yesssss!! Meron na ulit ako. Ang tamad kasi ng author na gumawa ng mga POV's eh. Kesyo nakakabaliw daw. Hmpf!!
Parang si the flash sa bilis na kumaripas pauwi si sissy ewan ko ba dun parang baliw. May iniutos daw sa kanya si Tita. Pero ramdam ko gumawa ng white lie lang yan eh. Feeling niya naman hindi ko siya kabisado. Para saan pa yung pagiging magBFF namin.
Ako man ay umalis na rin ng classroom. At tumungo na sa gate. Bago ako makaalis ng tuluyan may kumalabit pa sa akin. Nak ng tokwaaaa!! Ayoko ng may kumakalabit sa akin eh!! Harapin ko nga muna!! Ugh!
Shet!!
*O*
Ang gwapo mga ate!! Ok, Maria Clara mode on!
"Miss.."
"Why?" ako.
"May kilala ka bang Akira.. Akira John Villamayor?"
"Oo, bestfriend ko siya bakit mo naitanung?" pagtataka ko.
"Ah, wala naman sige miss ha. Pasensya sa abala. Thank you!" sabay flash ng isang killer smile. Hala teh!! Papulot ng panty ko!! Yayks! Haha.
Grabe naman si sissy naubos na yata lahat ng gwapo sa mundo dahil sa kanya eh. Pero ang weird ni kuyang pogi ah.
Lakad lakad ako patungo ng sakayan ng may mahagip ang aking paningin. Lumingon din siya at napatingin sa gawi ko. At the moment na nagtagpo yung paningin namin my heart skips a beat and pounds like a drum. Millions of drum.
Marami namang gwapo sa mundo pero iba yung epekto niya sakin eh. Can this be love? Aiish. Kay Krung Krung Sandara pa yun eh. Ah basta. Wala lang itey. Tulad lang ng paghanga ko to sa iba kong boylet. Boylet talaga?! Haha.
Nag-iwas na ako ng tingin at agad ng sumakay sa jeep. Pero pakiramdam ko may mga matang nakamasid sakin. Nilibot ko ang paningin ko. Doon sa kinaroroonan niya nakita ko siyang ngumiti at kumaway. Haays, wag ka namang ganyan, Francis.
Malapit lang naman ang bahay namin kay Akira. Hindi nama sobra, basta pwede kang sumakay ng tricycle. So what? Hahaha. Wala lang may balak akong pumunta sa kanila eh. Hihihi. Surprised visit.
Bumaba na ako ng jeep at pumasok ng bahay. Nadatnan ko pa ang yaya ko.
"Yaya, dumating na ba sila mom?" tanung ko.
BINABASA MO ANG
I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!
De TodoWill you still believe in forever even the world says don't?