Chapter 29

3.7K 100 8
                                    

Mike's POV

Nasaan kaya si Akira? Kanina ko pa siya hinahanap pero bakit hindi ko man lang makita?

Nagtataka ba kayo kung bakit ko laging hinahanap? Gusto ko kasi siyang protektahan. Alam kong sa mga darating na panahon sobrang masasaktan siya. Gusto kong malaman niya na anuman ang mangyari nandito ako for him. Alam ko namang malakas at matatag siyang tao pero nasasaktan din ako whenever I saw him in great pain. I just want him happy, jolly.

Kanina pa ako dito sa gym pero hindi ko talaga siya mahagilap! Di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Akira!

Sa di kalayuan may natanaw akong lalaking lumabas ng shower room at agad nanakbo.. Hindi ako pwede magkamali! Si Akira yun! Agad kong tinakbo ang direksyon niya at nandoon na naman siya sa kanyang comfort zone.

Anong meron sa garden at laging diyan nagpupunta si Akira? Hmmm.

Ahhh! Naalala ko na nagpupunta siya diyan kapag nalulungkot siya o gusto niya umiyak. Does that mean na may nangyari nga sa kanya?

"Haha.." a bitter laugh. Ayan na nga ba sinasabi ko! He's in pain right now! Sana lang may karapatan akong yakapin siya at hagkan no? Miss na miss ko na yan. Sobra! Mga bata pa lang kami magkakakilala na kami eh.

"Hoy Vin! May bata doon sa may garden! Umiiyak yata eh! Tara puntahan natin!" Sabi ko sa tropa kong si Kevin. 8 years old pa lang kami pero tropa na! Umiling lang 'to at halatang wala siyang pakialam.

"Hoy Vin, umayos ka naman! Lagi kang ganyan sa iba wala ka man lang concern! Sarili mo lang iniisip mo!" pangaral sa kanya ni Tonying.

Mark Anthony sa tunay niyang pangalan. Kuya namin yan sa barkada. Masyado kasing malawak ang pang-unawa. Astig nga yan eh!

Sa mura niyang edad, naintindihan niya na step mother niya lang ang kinikilala niyang nanay.

Si Drichio naman natigilan sa paglalaro ng PSP niya at napatitig doon sa batang umiiyak. Nakakaawa nga siyang tignan eh. Pero natatawa ako kasi inuuhog na siya hahaha!

Hinanap ko si Yvane pero nakalapit na pala siya doon sa bata. Ang bilis talaga ng kumag kahit kailan! Dahil tropa nga kami, nilapitan na rin namin sila.

"Huhuhuhu.." sabi nung bata. Inaalo naman siya ni Yvane. Inabutan niya pa ng panyo. At kung ano-anong sinabi.

Magpakatatag daw siya at wag basta basta iiyak. Napalapit ang loob niya samin. Akira ang pangalan niya pero Aki na lang ang tinawag namin sa kanya.

Magmula noong araw na yun naging parte na siya ng tropa. Umabot sa puntong umamin sa amin si Yvane na may gusto siya dito. Parang baliw nga si Vin eh, sobrang nandiri. Bakla naman daw kasi yun. Ending pinagalitan siya ni Tonying.

"Ano ka ba Vin! Ang pag-ibig hindi yan natuturuan! Hindi rin napag-aaralan. Kusa yang dumarating sa tao. Ang pag-ibig walang kinikilalang mukha. Walang edad ang kayang humadlang. Sa panahon natin, hindi na rin kayang tibagin ng kasarian ang pagmamahal. Dahil ito ay makapangyarihan. Once na dinapuan ka wala ka ng kawala!!" pangaral ni Tonying. Ang galing talaga ng tropa ko.

Aaminin ko kahit ako man ay nakaramdam ng paghanga kay Aki. Pero kinimkim ko na lang iyon. Alam kong nagkakamabutihan na sila ni Yvane. Ayoko namang umeksena.

Mabilis lumipas ang panahon at 9 years old na kami. Sa mga panahong 'to sinagot na ni Aki si Yvane.

"Tol, grabe. Sobrang saya ko! Yahoo! Sa wakas sinagot na ko ni Aki!! Sigurado ako dito sa nararamdaman ko! Mahal ko nga talaga siya. Haaay! Kahit ano gagawin ko wag lang siya mawala sakin."

I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon