Chapter 32

3K 86 0
                                    

Kevin's POV

Tatlong buwan na ang lumipas mula ng maging kami ni Akira. Nandyan ang panaka-nakang sweet moments. May tampuhan na agad namang nasusulusyonan at kung anu pa mang bagay na usually ginagawa ng mag-irog (lalim!)

Sa loob ng tatlong buwan, palagay ko, marami na rin akong nalaman sa taong mahal ko.

Masipag mag-aral. Tipong kahit kumakain kayo nagbubuklat siya ng libro niya. Minsan nga muntik pang malipasan ng gutom eh. Pero bilang boyfriend niya, well (yabang!), hindi ko hinahayaang mangyari yun. I'll make sure na kahit sobrang busy niya na, nagagawa pa rin niyang kumain ng ayos at nasa tamang oras.

Sobrang sweet at maalaga. Isa yan sa mga mamimiss ko sa mahal ko. Bawat sandali ng pag-iibigan namin lalo akong napapamahal sa kanya. Dahil sa mga actions na pinapakita niya minsan iniisip ko kung deserving pa rin ba ako sa mga bagay na yun? Lalo na kapag nalaman niya na ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya at naming apat.

Mamaw sa kantahan. Number one fan ako niyan! Lahat na lang ng bagong kanta kayang kaya niyang sabayan. Lalo na yung kay Sia na Chandelier. Hinding-hindi ko pagsasawaan ang boses niya. Yung lambing sa pagitan ng pagsasalita niya ng 'mahal kita' talaga naman ay! Nababakla ako mga pre! Haha!

Yan palang naman yung iba, malalaman niyo rin naman paunti unti. Ang kailangan kong gawin ngayon ay pasayahin ang minamahal ko. Bah! Valentine's Day kaya! Kailangan makapuntos tayo. De, biro lang! Haha! Kung ano ano iniisip niyo diyan ah! Hehe.

Papunta ako ngayon sa bahay nila. Hindi na ako nagtext sa kanya kasi surprise nga diba? Sana magustuhan niya 'tong dala-dala kong bulaklak. Tatlo lang 'to, kumbaga I LOVE YOU. Hehe!

Papalapit na ko ng mamataan ko siyang may kausap na iba hindi ko maaninag pero visible ang mga ngiti ng mahal ko.

Bukod saken may iba pang nagpapangiti sa kanya? Ako yata ang nasurprise.

Ouch.

B-bakit may halik pa?

Double ouch.

Ngumiti sila sa isa't isa na parang natural lang sa kanila?

Triple ouch.

Ang sakit sa mata t*ngina! Sh*t!

Kinakarma na yata ako? :(

Yvane's POV

Ang tagal na naming magkasama ni Akira pero wala pa ring improvements. Minsan naiisip ko na totally nawala na yung memory niya.

Pero sabi naman ng doctor babalik din daw ang mga iyon kailangan lang ng panahon.

Kaya heto ang inyong lingkod, ginagawa ang makakaya para lang tulungan si Akira. Hindi ko man maibabalik yung dating kami, alam ko namang kayang kaya kong palitan yon ng panibago.

May pumipigil lang talaga kay Akira.

Si Kevin.

Napakaloyal talaga niya sa mahal niya. Nakakainggit naman si Vin! Parang dati lang inis na inis siya sa mga bakla. Kita mo nga naman. People do change. Hayaan na nga hindi naman ito drama eh.

Hindi kaya nakakahalata si Vin? Ayaw rin kasing lumayo saken ni Akira eh. Minsan siya pa nag-aaya na maglaboy kami. Sino ba naman ako para tumanggi sa alok niya. Hehe.

"Hoy lalaki, ang dami dami mong iniisip ha. Nakatulala ka na naman. May kasama ka kaya. Hmp." at dinadaan na naman po niya ko sa tampo effect niya.

"Sorry na po. Hindi na mauulit." niyakap ko siya patalikod.

"Yvane..."

"Hmm.. Sorry Aki. Nacarried away lang. Hehe!" ang kulit ko po ano?

I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon