Chapter 44

3.9K 91 9
                                    

"Marlo, ito si Mr. Dela Cruz, isa siya sa mga benefactor ng event para bukas. Gusto niya lang makita ang ampunan." panimula ni Sister Fatima. Ako naman titig na titig lang sa kapogian niya. Grabe, hunk na siya. The biceps! Pumuputok sa suot niyang suit. Mukha na siyang hunk. . . daddy.

"And Mr. Dela Cruz, ito naman po si Marlo. Isa sa mga katiwala namin." ngumiti ako tapos nag-tuck ng hair. Ene be. He was the boy I loved before.

"You've got to be kidding me." Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Siya, isang magandang binibini? Marlo ang pangalan? You were joking Sister Fatima, right?" tapos nagflash siya ng isang pang-toothpaste smile. And I was like, woooh! Ang init. Where's the aircon, Sister?

"Totoo Mr. Dela Cruz," lumapit sakin si Sister.

"Isa pong magandang lalaki itong si Marlo. Mabait 'yan at magalang. Ibang klase kung mag-alaga sa mga bata." pagmamalaki ni Sister. Isang malupit na pagtuck ulit ng hair sa kanan, then sa kaliwa. Kinikilig lang ako sa way nang pagtitig niya.

"I know, Sister. I can sense it on the way ng pananamit niya. Very feminine at maalaga." iihi na yata ako!

"Sister! Sister Fatima. Nagkakagulo po ang mga bata sa loob. Kailangan ko po ng tulong ninyo." humahangos na dating ni Helen. Ano naman nangyayari sa mga bata. Mga bata talaga, oh.

"Sige Helen, susunod ako." tugon ni Sister.

"Okay po. Pasensya na sa abala." tapos sumilip muna ang bruha tapos nagningning ang mga mata bago tuluyang umalis. Bruha talaga!

"Oh, paano. Maiwan ko muna kayong dalawa ha. Marlo, ikaw na muna bahala sa bisita natin."

"Sige po Sister Fatima."

"Pasensiya na Mr. Dela Cruz sa abala. Titignan ko muna ang mga bata."

"No problem, Sister."

Once nakaalis na si Sister naging awkward ang paligid.

"So," simula niya. He got my attention there. "How long have you been here sa Little Angels?"

"A-ahh, Mr. Dela Cruz,"

"No, call me Yvane. I believe we're of the same age." tumayo siya at lumapit sa akin.

"Y-Yvane, bale mga five years na akong nandito. T-tumutulong sa mga bata at kay Sister." shems. Kinakabahan ako sa titig niya. Ang gwapo pa ng paghawak niya sa ilalim ng baba niya. Hunky!

"I see. You know, you really are beautiful. In fact, you remind me someone of my past." napangiti siya sa kawalan.

"Uhm, t-thank y-you, po." kinabahan ako kasi baka makilala niya na ako. Pero, tiwala lang!

"No need to thank me. Its evident."

"Hehe" seriously? Yun lang nasabi ko? Nakakapang-urong nemen kese sye ng dele eh.

*phone ringing*

agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa.

"Hello?" sabay kami ni Yvane. Napangiti ako upon realizing na hindi akin ang tumunog, kanya. Napa-hehe na lang ako.

"What?! Ano?! Paano?! What happened to my wife? Fvck! Okay! I'm on my way." tumingin siya sa akin at tumango ako sa kanya kahit nagulat ako sa aking nalaman.

May asawa na siya?

Okay, Marlo. Wala lang yun.

I moved on!

I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon