Hi guys! Huhuhu. TT____TT sorry na oh? Hehe. Sensya na talaga kung halos isang buwan akong di nakapag-update (weeh? Actually isang buwan na hihi. ^____^V). Sana matapos ko agad tong story. Chos. Sa pagkakatanda ko ng naisip ko di pa siya agad agad magtatapos eh. Haha! Ang dami ko kasing arte! xD
So ayun, I hope gabayan ako ng mga nilalang ng mga diwata at lamang lupa para hindi ako lumihis sa plot.
Nagpapasalamat din pala ako sa mga SILENT READERS ko hahaha. Kita niyo na, kahit di kayo nagcocomment eh. Thanks pa rin. Hihi. Oh siya, ang dami kong dada. Simulan na ang istorya!
Istorya! Istorya! xD
____________________________
Mark's POV
"Nay, kamusta na po pakiramdam niyo?" Tanong ko kay Nanay Ana habang inaayos siya sa pagkakahiga. Matagal ng nadiagnose ng cancer of the breast ang nanay. Ayoko lang talagang indahin kahit na masakit para sa akin na makita siyang ganito.
Ayokong makita niyang mahina ako. Hindi ko gusto na malungkot siya sa bawat araw na dadaan. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya dahil pinalaki niya akong maayos at responsable. Naging huwaran siya ina. Mapagmahal na asawa at maalaga sa pamilya.
Isa pang dahilan para dagdagan ang kadramahang ito ay dahil siya na lamang ang mayroon ako. Si nanay na lang at ako ang natitira. Wala naman akong kilala ni isa sa mga kamag-anakan namin. Ewan. Wala akong natatandaan.
"Ikaw talga anak. Malakas pa ang nanay. Makakaraos din tayo sa tulong ng Diyos." ngumiti siya at lumapit sa akin para halikan ako sa noo.
"Si Nanay naman, ako na dapat gumagawa sayo nun. Tignan mo po. Big boy na ko. I love you nanay." Lumapit ako kay nanay para halikan siya sa noo at yakapin. Siya naman ay hinahagod lang ang aking likuran. Naramdaman kong may tumulong basa sa akin marahil ay luha niya iyon.
"Ayan na naman ang nanay ko. Wala namang iyakan nanay. Ngiti ka lang. Smile nanay. Yiie, isasali na kita sa gandang babae. Hehe." pagpapagaan ko sa mood. Nanay naman ih. Madrama rin kaya ako.
"Ikaw talagang bata ka. Malaki ka na nga." sabay ngiti niya.
"Nay, aalis lang po ako ah? May pupuntahan lang po akong kaibigan. Ayos lang po ba?"
"Sino naman yang kaibigan mo na yan anak?" pag-uusisa niya.
"Akira po ang pangalan niya. Akira John Villamayor po." parang bigla namang natigilan si Nanay. Hala! Nagspace out siya bigla.
"Nay... Nay?? Yuhoooo. Nay?" pakaway-kaway pa ko.
"Ahh. Ehh. Hehe. anak, dalhin mo naman siya dito minsan para makilala ko."
"Opo naman nay. Malakas ka sakin eh.." nagthumbs up ako sa kanya. Siya naman ay nginitian ako. "..sige po nay ah? Puntahan ko lang siya."
"Ingat anak."
Ana's POV
Natutuwa ako at the same time nalulungkot. Masaya ako dahil napalaki kong responsable ang anak ko. Alam kong anuman ang pagsubok na dumating sa buhay niya kayang kaya niyang lampasan yun.
Nalulungkot ako dahil alam ko na pinapagaan niya ang loob ko sa abot ng makakaya niya. Masyado pang maaga para mawala ako. Ayoko pang umalis ng hindi nakikitang maayos ang kalagayan niya.
Kanina lang nagpaalam siya na pupuntahan niya ang kaibigan niyang nagngangalang Akira. Hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng kibo ng marinig ko ang pangalang iyon. Natakot ako bigla na baka hindi ko na siya masilayan. Baka dumating ang tamang panahon at ako naman ang hindi handa.
BINABASA MO ANG
I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!
RandomWill you still believe in forever even the world says don't?