Chapter 13

5.8K 166 18
                                    

Children, today is Saturday. HAHAHA!

Ano ba 'tong mga sinasabi ko? Baliw na kong tunay! So what? Eh talaga namang nakakabaliw ang mga contestants ng Mr. and Ms. Arevalo Dimagiba University.

Isama mo pa yung realidad na ngayon ang awarding ng singing contests namin. With matching kaba kaba ako ngayon. Cold hands and cold sweating ebliwer.

Alas-diyes pa naman ang punta namin ngayon sa school ni sissy kaya lumalafang muna kami ngayon dito sa bahay namin. Ang aga ba naman mang-raid ng bahay! Akala mo walang pagkain sa kanila! Kawawang bata talaga oo!

"Sissy! I have this feeling talaga na ikaw ang mananalo!" sabi niya habang nakain. Oh manners! Nasaan ka! Dapuan mo ang kaibigan ko!

"Nakita mo naman ang reactions ng mga lola at lolo mo diba? Nalaglag ang mga panga sa lupa! Nilangaw ang mg bibig ateng! Tapos bumurit kemerut ka pa! Eh di ang mga tao nag standing ovation. Eh mas lalo na nung nagpassed out ka. Hahaha!" kailangan may pagtawang nagaganap?

"Basta sissy ayoko mag-assume nakakastress yun noh. Alam mo naman bawal ako nun. Baka mahimatay na naman ang beauty ko, sleeping beauty." sabi ko naman.

"Sige lang sissy. Taasan mo pa yang pangarap mo. I told you, libre lang yan kaya lubusin mo na."

"Heh! Kontrabida ever ka talaga. Wala bang support? Kaloka."

"Just stating the obvious here." nagroll eyes na lang ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga itong kuto na to. Hahaha sarap tirisin.

"Teka sissy, nasaan ba ang kuya mo?" pagtatanong niya out of nowhere.

"Si Kuya Francis? Uhhm, wala eh. Paiba-iba ang shift niya sa work kaya hindi talaga kayo magkakakitaan."

"Ah ganun ba.." hindi pa kasi sila nagkikita ni kuya. Lagi kasing busy yun sa work. Tapos kapag nandito naman si Jilly, wala naman si kuya.

Tuma-timing nga si Jilly ngayon eh, mabuti at wala si Aldrich. Kung hindi lagot na. Ewan ko ba kung saan nagsuot yun. Hindi man lang nagsasabi. Uyy, concern lang ako. Period. Kaya naman panatag ang loob ko. Kami lang naiwan dito sa bahay. Wala kasi si nanay, namalengke. Para daw sa ulam namin mamayang gabi.

*O*

Pagkain, pagkain, PAGKAIN. Naglalaway na naman ako bigla hahaha. Ang sarap kasi magluto ni nanay. Favorite nga ni Jilly yung shanghai ni niya eh. Laging ubos.

"Tara na sissy malapit na mag alas-diyes biyahe pa tayo." sabi ko.

"Sige, LRT  na lang tayo girl!"

"Ok, tara na." umalis na kami ng bahay at siniguradong patay lahat ng kuryente at nakakandado lahat. Mahirap na baka mawala ang kayamanan keme namin. Pumunta na kami sa sakayan ng tricycle at sumakay. Pagkababa ay naglakad na kami at tinungo ang bilihan ng ticket sa LRT. Medyo nagmadali na rin kami. May pupuntahan muna kasi kami bago sa school.

BUGSH! 

Shets! May nabunggo ako!

"Ay naku, sorry po talaga pasensya na. Hindi ko po napansin." hinging paumanhin ko sa nabunggo ko. Naku, baka magbayad ako ng damages. Ang  laki ko pa naman!

Tumingin siya sa akin at nakita ko naman yung inis sa mga mata niya. Ngunit sandali lang iyon bigla naman siyang ngumisi sa akin. Hala?!

"There's nothing to worry about. I'm fine, really fine. But next time make sure na titingin ka sa dinadaanan mo." with full smile pa.

"Nakuu, pasensya na po talaga." nahihiya ko pang sabi.

"It's okay, by the way, I'm Joshua. Joshua Dela Merced." inilahad niya ang kamay niya at nakipagkamay ako. Parang narinig ko na yang Dela Merced chuchu na yan? Haha! Hmmm..

I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon