"Hoooooooon!! Manganganak na ko!!" sigaw ni Madelle sa asawa niyang si Ariel habang tinatakbo siya ng mga nurse sa delivery room.
Hindi naman malaman ni Ariel ang kanyang mararamdaman dahil natataranta siya at the same time umaapaw ang kasiyahan niya dahil sa ikalawang pagkakataon ay magkakaroon muli sila ng anghel.
"Ugggghh!!! Hoooo hooo hooo!!" napapitlag naman si Ariel ng may marinig din siyang nanganganak sa tabi nila.
Hinwakan niya ang kamay ni Madelle na ngayon ay hirap na hirap na. Abala naman ang mga doctor at nurses sa pag-aasikaso sa Delivery room ng mga pasyenteng magsisilang na ng kanilang supling.
"Isang matinding ire na lang misis!" pakiwari ng doctor kay Madelle.
"UHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" ire ni Madelle na halos kasabay ng babae sa kanilang tabi.
"uwaaaaaaa.. uwaaa.."
Umalingawngaw ang iyak ng mga bata sa loob ng DR. Kasabay ng anak nila Ariel ang sanggol sa gilid nila.
Bago mawalan ng malay si Madelle ay nagkatinginan muna sila ni Ariel at ngumiti sa isa't isa. Tanda ng walang pagsidlan na kasiyahan nilang mag-asawa.
Dinala na ng isang nurse ang sanggol nila Ariel at Madelle sa nursery.
* * *
"Ito na po ang anak ninyo Mr and Mrs. Villamayor.." agad na bati ng nurse na may hawak sa sanggol ng mag-asawa.
Iniayos naman ni Ariel nang pagkakaupo ang kanyang misis para mahawakan nito ang kanilang anghel.
Matapos ibigay ng nurse ang sanggol ay tuluyan na nitong nilisan ang mag-asawa.
"Mana sakin ang anak natin mahal!" sabi ni Ariel.
"Ang kapal mo rin noh? Sakin siya nagmana!"
"Haaay, wag na tayo magtalo pareho naman niyang nakuha ang mukha natin.. Anong ipapangalan natin sa kanya?" tanung ni Ariel sa asawa.
"Uhmm, Niel Justin ang ipapangalan ko sa kanya."
"Hi Niel Justin ako ang papa Ariel mo, siya naman ang mama Madelle mo." paglalambing ni Ariel sa anak.
"Hon, iabot mo nga yung kwintas doon sa bag. Isusuot ko sa kanya."
Agad naman sinunod ni Ariel ang asawa at kinuha nito sa bag ang isang kwintas na may pendant na sinsing kung saan naka-engraved ang pangalan ng kanilang ikalawang supling.
Agad namang isinuot ni Madelle sa anak ang kwintas.
Matapos nun ay muli na siyang nagpahinga at dinala muli sa nursery ang bata. Ayaw pa sana ni Ariel ngunit kinuha na ito ng nurse.
Ngiting tagumpay naman ang inaakala nilang 'nurse' dahil maisasakatuparan na nito ang plano niya.
Hindi niya sa nursery dinala ang bata bagkus dinala ito sa dalawang mag-asawa at tuluyan na nitong ipinagbili si Neil Justin kapalit ng Isang Milyon.
* * *
Litong-lito si Ana sa kanyang gagawin sa batang hawak niya. Sa anak niya.
Hindi alam ng mga magulang niya ang kanyang pagbubuntis kaya natatakot siya na sa oras na mailuwal niya ito ay palayasin siya at tanggalan ng mana.
Binabaybay niya ang kahabaan ng isang kalsada na hindi niya alam kung saan tutungo. Alam niyang kasalanan ang kanyang gagawin pero para mabuhay ang kanyang anak gagawin niya ito.
BINABASA MO ANG
I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!
RandomWill you still believe in forever even the world says don't?