Chapter 42

2.7K 92 10
                                    

After 5 years...

Akira's POV

"Ano na pong nangyari sa prinsesa Kuya Marlo?" tanung sakin ng napaka-cute at bibong si Kokoy. Ikinukwento ko kasi sa mga bata ang istorya ng isang prinsesa na niloko lang ng kanyang prinsipe. Hindi ko tuloy maiwasan magbalik-tanaw sa nangyari sa akin. Napangiti na lamang ako nang tipid.

"Siyempre sobrang nalungkot ang prinsesa sa ginawa ng prinsipe. Love na love niya kasi ito pero hindi naman pala talaga siya love ng prinsipe. May love na iba ang prinsipe bukod pa sa prinsesa." napansin kong nakakunot na ang noo ni Chichay, pihadong magrereact na yan.

"Ano ba yan Kuya Marlo! Hindi ko naman po na-gets eh! Parang sabi ni Ate Sophia - ang deep!" napatawa ang lahat sa reaksyon niya. Tinawag ko siya at pinalapit sa akin. Kinandong ko siya at hinaplos ang buhok niyang may kanipisan.

"Oh siya sige, ganito na lang. Dapat pag-love niyo ang isang tao hindi joke, okay? Dapat totoo. Ayos ba yun?" sabay-sabay naman silang sumigaw ng 'opo' at napahagikgik ako. Ang cucute talaga ng mga batang ito.

"Eh si Kuya Marlo ba love niyo?" page-emote ko.

"Oo naman po Kuya!" sigaw nila.

How I love these kids. Sila na ang nakasama ko sa loob nang limang taon. Sila lagi ang nagpapasaya sa malungkot kong mundo.

"Oh sige na pasok na tayo at baka hinahanap na tayo nila Sister Fatima."

Agad na nag-unahan ang mga bata papasok ng bahay-ampunan. Kahit kailan talaga ang mga bata, punong-puno ng excitement at adrenaline sa katawan. Bilib nga ako sa kanila eh.

Sila yung tipo ng mga bata na kahit ulila na at inabandona ng magulang ay nagagawa pa rin ngumiti at tumawa.

Sana ganun din ako kalakas para harapin ang nakaraan.

Hindi muna ako sumunod sa mga bata at napagpasiyahan kong tumungo sa playground.

Madalas akong magtungo rito para mapag-isa lalo na kapag nasa loob ang mga bata. Aba! Kung nandito naman kasi sila hindi ka makakaramdam ng katahimikan. Siyempre, mga bata, laro-laro.

At kapag napapag-isa ako mas lalo kong naiisip ang mga nangyari sa buhay ko. Maybe this is God's will. Ang maglingkod ako sa mga bata. Maybe God loves me so much that He gave me a second chance to live.

Nagising ako mula sa napakahabang pagkakahimbing. Agad bumungad sa akin ang puting kisame at amoy gamot na paligid. Nahulaan kong ako'y nasa isang ospital.

Gumalaw ako at medyo masakit pa rin ang katawan ko. God only knows how I survived the accident. I truly believe in Him.

"Okay ka lang ba, hijo?" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at bumungad sa akin ang isang madre na hindi pa naman katandaan.

"Ayos naman po ako, Sister. Kayo po ba ang nagdala sakin dito?" sinubukan kong tumayo kahit nahihirapan ako. Tinulungan ako ni Sister.

"Ako nga pala si Sister Fatima at oo, ako ang nagdala sayo rito." ngumiti siya sa akin at ginantihan ko rin naman.

"Kung gayon, maraming salamat po pala. Uhm, ako nga po pala si.. si.." napaisip ako kung sasabihin ko ba ang tunay kong pangalan. Halata naman sa mukha ni Sister Fatima na naghihintay siya ng sasabihin ko.

"Ako po si.. Marlo.." tipid akong ngumiti.

"Uhm, Marlo. Ang totoo niyan nakita kasi kita sa kalsada na naliligo sa sarili mong dugo. Akala ko nga noon ay wala ka ng buhay pero awa ng Diyos at pumipintig pa ang iyong pulso. Ano ba ang nangyari? May humahabol ba sayo? May gustong pumatay, mga ganun? Sabihin mo lang at baka makatulong ako."

I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon