"Tapos ka na bumili Kevin?"
Medyo matagal din pumili 'tong lalaki na to eh. Kaya ayaw ko dito sa mga botiques eh! Ang tagal mamili. Hindi naman kasi ako pwede lumabas. I'm not yet ready to face Aldrich. No, not now. Gumugulo kasi yung isip ko each time nakikita ko yung kalungkutan sa mga mata niya. Parang gusto ko siyang yakapin ng bongga. On the second thought, ayoko non. Feeling ko nagtataksil ako kay Kevin.
Lumapit sa akin si Kevin at sinabihan na babayaran na raw namin yung pinamili niya. Bakit ang dami naman ng pinamili niya?
"Kevin, uhm, bakit ang dami?"
"Ah eto? Yung iba para sa mga pinsan ko."
Ngumiti siya sa akin at ngumiti rin ako. Hay! Bakit ba nakakainlove ang isang 'to! Grabe eh! Parang droga! Nakakahigh! Inabot niya na doon sa cashier yung mga damit, jeans at kung ano-ano pa. Ang laki nga ng babayaran niya! Isang buwan sahod na yata ni tatay! Oh well, mayaman naman sila kaya push.
"Saan mo gusto pumunta?" tanong niya habang palabas kami ng shop. Tapos nagholding hands pa kami. Ayiiie!
"Seaside!!" halos mapatingin yung iba sakin dahil sa kalakasan ng boses ko.
Baka kasi matuon kami sa fireworks since mag aalas siyete na ng gabi. Maganda kaya manood doon. Isa pa gusto ko maupo doon sa may malapit sa dagat.
Ang relaxing kasi kahit ang daming basura. Kaloka! Umupo na kami pero nagpaalam si Kevin na may bibilhin muna. Ako naman naiwan lang mag-isa.
Ang layo na rin pala ng narating ko at ng pamilya namin? Da ra rat dati eh, pinagpipyestahan lang ako ng mga kalaro ko - teka may mga naging kalaro ba ako? uhmm, meron naman siguro. Hindi ko lang maalala. Bata pa kasi ako nun - dahil nga ang taba at pangit ko. Ngayon? Ganun pa rin. Pero mas matindi na. Mas may ititindi pa kaya ang mga ito?
Ang pamilya nga--
"Princess ito na oh. Kain ka na. Wag ka na magdrama diyan. Hahalikan kita dito."
Naman oh! Go na Kevin! Haha! Landi much!
May dala-dala siyang hotdog on stick at zagu. Wow nemen!
Kain lang kami ng tahimik..
BOOM! BOOM!
Shems! Ang ganda!
BOOM! BOOM!
Natulala na ko sa fireworks! Ang ganda dami kulay. May parang spaghetti pa nga eh. Tapos rain shower. Basta ang ganda! Naramdaman ko bigla yung kamay ni Kevin sa may bewang ko. Err. Yayakap na naman to.
"Akira.. My princess?"
"Hmm?" Tumingin ako sa kanya. Ang seryoso ng mata niya. Kitang kita ko yung pagreflect ng kulay ng mga fireworks sa mukha niya.
BOOM!
Kasabay ng huling pagsabog ng fireworks, hinalikan ako ni Kevin. Para kaming nasa very romantic love story haha. Kilig mode.
"I love you.." Bulong niya habang magkadikit ang aming mga noo at may mumunting fireworks at may kanta pa ng banda sa gilid.
"I love you too Kevin."
Napakasarap talaga sa pakiramdam na mahalin ka pabalik ng taong mahal mo! I feel so complete!
"Aray." mahina kong usal. Bigla kasing kumirot yung sintido ko. Parang ewan lang.
"May problema ba princess?" nag-aalalang tanong ni Kevin.
"Ah, wala ito naman. Tara dun!"
BINABASA MO ANG
I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!
AcakWill you still believe in forever even the world says don't?