"Sumigaw na ng divorce kaya you're mine now." At sino naman ang impaktong ito? Sino pa ba kundi si Mr. Energetic slash Dramatic Aldrich.
"Aish. Dami mong alam, ewan ko sayo." sabay pingot ko sa ilong niya.
"Aray naman wifey! Ang sweet sweet mo talaga!! Pakiss nga ako ulit!" akmang hahalikan niya na ako ng pigilin ko siya.
"Hep hep! Una, anung wifey? Hello, hindi kita hubby. Hmp! Pangalawa, sweet? Anung sweet? Malala ka na talaga! At lastly, pakiss anung k-kiss." nautal ako bigla kasi naalala ko yung kiss namin under the rain. A magical kiss under a romantic scene.
"Eh, bakit ka namumula?"
"Ah.. ehh.."
"Lips to lips!" rinig kong sigaw sa gitna. Nagsigawan naman yung iba. Pinagmumura pa haha. Ang harsh. Nilingon ko si Aldrich at ang lawak ng ngiti. Nakuha pang sumipol amp!
"Kayo naman joke lang hehehehe. Ok, cheek to cheek!"
Ginawa na namin ng impakto na 'to ang iniutos. Ang dami nga eh. Kung ano-anong pinagtatapat amp. Nakailang rounds kami at nagpasya ng umakyat. Grabe that was the best experience that I ever have since pumasok ako sa university na 'to. Lahat kami masaya tawa lang ng tawa kahit sobrang init. Sobrang enjoy lang nung divorce na yun. Hehehe.
Nagpahinga lang kami at nagsagawa na ulit ng activity. About naman sa card. Basta nakalimutan ko pangalan. Parang trail kayo tapos pagpapasa-pasahan yung card one by one hanggang makarating sa kabilang dulo. Kapag nandun na, ibabalik naman ulit. Nakakapressure. Pero ok lang pang third naman kami haha!
Tapos nagkaroon naman ng 'ORANGE ACTIVITY'. Sagwa haha. Lahat kami binigyan ng orange tapos ipinasuri samin yun then ipagpalagay daw namin na kami yun at kung ano ang masasabi namin sa sarili namin bilang orange.
Yung mga nagsasalita hindi talaga nila ginusto. Pinagtitripan lang ng mga kaklase. Haha. Ganyan ang trip ng high school students.
"Kuyaaaaaa!! Siya pooooo!!!" turo sakin nung katabi ko na taga ibang section nakilala ko lang dahil sa DIVORCE kumbaga new found friend.
"Ehhk, neng magtigil ka ayoko niyan." mariin kong pagtutol.
"KJ neto! Oh ayan na dali si kuyang gwapo na nagtatawag sayo!" Psh. Di naman gwapo eh. Haha. Choosy pa buh? Wala rin akong nagawa dahil kinantyawan pa nila ako.
"Itong orange na hawak ko ay hindi ang unang beses na nahawakan siya.." pagsisimula ko. Natahimik at natigilan naman ang iba sa kung ano ang ginagawa nila. "..marami ng dinaanan ito pero still heto siya at hawak ko. Hinihintay na buksan ko para malaman kung ano ang tunay na nasa loob.. Parang ako.. Hindi ko masasabing lahat ngunit marami na rin akong naging challenge sa buhay ko. Mga pagsubok na lalong nagpatatag at nagpatibay sa pagkatao ko. Still, anuman ang hamon na dumating heto ako at nakangiti. Lumalaban hangga't kaya. Hangga't may pag-asa. Dahil talaga namang may pag-asa. Aja!" ginaya ko yung gesture sa Lovers in Paris. Haha! Tinignan ko sila lahat.
"..lastly, masasabi kong ako 'to dahil kung nakikita niyo pangit ang itsura sa labas. Pero bakit natin binubuksan? Para malaman ang tunay na lasa nito. Kailangan lang ng tao matutunan na kilalanin ang kapwa bago husgahan. Parang saging na mukhang nabubulok pero siya palang napakatamis. Parang durian na ubod ng sama ang amoy ngunit anong sarap kung kainin. Kaya sana we should always seek for the real story behind every person before judging them. Thank you po!!" Sabay upo ko.
Bigla naman silang nagpalakpakan at sinigaw na "IBOTO YAN!!", "BIGYAN NG JACKET!!" Hahaha. Mga sira talaga.
"Taraay mo dun sissy ha. Ang lalim ng hugot. Hahaha!! Drama much?"
BINABASA MO ANG
I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!
RandomWill you still believe in forever even the world says don't?