EPILOGUE

6.6K 125 26
                                    

After 3 weeks...

Magkahawak-kamay kami ni Aldrich ngayon habang nagmamaneho siya patungo sa lugar na hindi ko alam kung saan.

Ewan ko ba rito kay Aldrich at andaming mga kaganapan sa buhay. Sabi niya nga one time,

"Life is full of surprises."

Dinugtungan ko naman ng,

"Kaya magugulat ka na lang one day, hindi ka na mahal ng taong mahal mo. O di kaya, maaagaw na siya ng iba. Iyon ang definition nun."

Tumawa lang naman ang timawa kahit hinanap ko kung saan doon ang nakakatawa? Tell me nga readers kung saan don? Timawang Aldrich. Tsk tsk.

Tapos heto pa, naka-all white kami ngayon. Tinanung ko sa kanya kung aattend ba kami ng libing pero sinagot niya lang ako ng kindat at ngiti. Hindi ko tuloy napigilang nakawan siya ng halik sa labi. Napamura na lang siya kasi hindi man lang tumagal nang dalawang segundo. Haha!

Tumigil na ang makina ng sasakyan at sinuyod ko ng tingin ang paligid.

Nilingon ko si Aldrich na may halong pagtataka.

"As in? Sa sementeryo talaga tayo pupunta?"

"Yup. We've got some unfinished business here, wifey."

Lumabas na siya at pinagbuksan ako ng sasakyan. Sinamahan niya akong makarating sa kumpol ng mga tao. Hindi ko pa man sila nalalapitan pero kinabahan agad ako.

Nawala ang lahat ng iyon nang hawakan ni Aldrich ang kamay ko. Habang papalapit kami, humihigpit ang hawak ko sa kanya.

"Oh, Aldrich pare!" tawag sa kanya ni Yvane, lumapit ito na nakakakunot ang mga noo, siguro nagtataka kung bakit ako ang kasama ni Aldrich. Akay-akay naman niya ang asawang may kalakihan na ang tiyan. Si bestfriend naman ngumiti lang. Si Kevin napatingin lang sakin at humarap na kay Joshua. Si Joshua naman walang pakialam, nakaharap lang siya sa puntod at may malalim na iniisip.

Siguro yan ang puntod kung saan nila piniling ilibing ang inaakala nilang ako. So, it means na kahit walang katawang nahanap ay in-assume nilang wala na talaga ako.

Lumapit din si Jillian at Kuya Francis.

"Pareng Aldrich, sino naman yang kasama mong magandang binibini?" siniko siya ni Jillian. Oh, selosa pala si sissy.

"Everyone," panimula ni Aldrich. Napatingin naman sa kanya ang lahat.

Si Mike, Yvane, Mark, Kevin, Joshua. Pati na rin si inay, itay at siguro ang lolo ko. Lahat pala sila nandito. Napansin ko rin ang hawak ni Joshua na Death Anniversary Banner.

Talagang may ganung ganap?

It must be the celebration of my assumed Death Anniversary today that's why they were all here.

"Meet the guy beside me. My one and only wifey, Akira."

Biglang sumugod si Kevin at sinigawan si Aldrich. Pinigilan naman siya ni Joshua.

"Bvllshit pare! This is not the time for your nonsense joke! We all know that Akira had gone! At.. At hindi na siya muling babalik satin." sumisigaw siya sa galit habang pahina nang pahina ang kanyang boses.

Hindi naman kumibo ang ibang nandoon, except kay lolo na itinulak ng  nurse niya habang naka-wheel chair papalapit sa akin. Unti-unti nang namumuo ang luha sa mga mata ko.

"Ikaw ba ang apo ko?" tumingin muna ako kay Aldrich bago muling harapin ang matanda,

"Opo, lolo. Ako po talaga si Akira." and I heard gasp from everyone around me. Inalalayan siyang tumayo ng nurse at yumakap siya sa akin. Iyak lang ako nang iyak habang yakap ko ang lolo ko. Sobrang saya ko dahil finally nameet ko rin siya.

I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon