[A/N: huhuhu Pasensya na kung mabagal ako mag-UD. Busy lang. Pagbigyan niyo na ko last week na ng klase eh. Daming Debit at Credit may gaaad. Dinudugo na nga ako sa mga numbers. Anyways, enjoy reading po :)) Salamat sa support Happy 100+ reads. Masaya na ko don nuh. Hahaha XD Hit Vote and Comment *u*]
Mark's POV
Tss. Nakakainis talaga kahapon hindi ko man lang nalapitan at nakausap si Akira. Hay. Ewan ko ba, simula nung nalaman ko na siya yung nabunggo ko parang merong nagtutulak sakin na kaibiganin siya. Weird.
Actually, kilala ko na siya eh. Lagi ba naman siyang usap usapan ng lahat dahil sa pisikal na katangian niya. Hindi ko nga maintindihan yung iba eh, kasi for me looks don't matter, attitude does. Aanhin mo ang isang gwapo at magandang nilalang kung pangit naman ang ugali nito. Useless.
Isa pa sa alam ko ay ang pangunguna ni Akira sa klase. Matalino talaga siya, lagi kasi kami kinukumpara sa section nila at laging pangalan niya ang sinasambit ng aming mga guro, na kahit ganun ang trato sa kanya ng iba at katayuan ng pamilya nila sa buhay hindi iyon nagiging hadlang sa kanya. Sino bang hindi hahanga sa katatagan niya! Kaya talagang gusto ko siya maging kaibigan.
Ako nga pala si Mark Anthony Saavedra, labing anim na taong gulang at kapareho nilang sa ADU nag-aaral. Simpleng estudyante lang ako, 50% aral, 15% gala. Ang natitira ay inilalaan ko para sa aking ina.
Honestly, medyo boring. Yun bang walang thrill? Alam niyo rin bang NGSB ako? Yes tama kayo. No girlfriend since birth po ako. Ewan? Pero hindi ko pa talaga nahahanap ang happiness ko. Yung sinasabi na The One. Hindi ko rin naman hinahanap kasi naniniwala ako na kusa itong dumarating at kapag pinana ka na ni Kupido, wala ka ng takas.
Ngayon nandito ako sa gate ng school at hinihintay si Akira, gusto ko nang simulan ang pakikipagkaibigan ko sa kanya. Habang naghihintay ako dito sa gilid may nakita ako na nakapagpawala ng good mood ko.
"Hey dude! Are you also waiting for Baby Aki? Wag mo na siyang hintayin. It is my job." nagsmirk pa ang gago.
"Dude, walang bakuran, walang sinasabi si Akira kaya wag kang mag-assume. Tsaka ramdam kong hindi ang tulad mo ang tipo niyang lalaki. Mayabang." sabi ko naman dito.
Kevin's POV
"I don't give a damn kung hindi man niya sinabi. Alam ko namang ayaw niya sayo. Wala kang pag-asa dude. Back-off. I'll make him fall for me." I smirked. Ha. Akala niya ba basta basta lang ako? Si Kevin Salgado yata ito.
Natigil kami sa pagbabangayan ng may nagpark sa harapan namin. Iniluwa nito ang isang lalaki at binuksan ang kabilang pinto ng kotse. Napanganga kami ng makita namin kung sino ang kasama nito..
Si Akira.
Kitang kita namin ng kumag na to ang nangyayari. Nagpaalam yung lalaki at kumaway na si Aki, pero hinila siya ulit nung lalaki at hinalikan sa pisngi.
Whaaaaaat?! Did I just say.. HI. NA. LI. KAN. Naknamputsa!! Bakit kailangan ng ganun?! Bakit?!
(A/N: OA nang bruho. Ang haba ng hair ni Akira talaga! Di ko keri!)
Tumalikod na si Aki ng nakayuko, malamang namumula na siya. Papalapit na rin siya sa amin.
"Aki/Akira." sabay pa kami nung isa. Di ko na lang pinansin.
Napatingin samin si Aki nginitian lang kami at dumiretso na papasok ng school at papunta ng room.
"May balat ka yata sa pwet bro." tumalikod na ako sa kanya at naglakad na rin palayo.
"tss." rinig ko pang sabi niya.
Bahala siya sa buhay niya. Lakad lang ako.
Aldrich's POV
BINABASA MO ANG
I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!
RandomWill you still believe in forever even the world says don't?