Joshua's POV
In my existence, ngayon ko lang siguro masasabing satisfied ako. You see, my mission here is to make my one and only enemy suffer and become miserable.
Thanks to my fiancee, I did it. Without him siguro I'm still struggling kung paano ako makakaganti sa lahat ng mga bagay na kinuha ni Akira mula sa akin.
I dialled my father's number.
"Dad, umuurong na ako sa kasal. I mean it." I plead. Kailan pa ako natuto maging ganito?
[Why so sudden, son?]
"Let's just say that I fall out of love with that guy but Dad, I don't want you to stop helping their company. Kahit sa ganung paraan makatulong ako sa kanya. He's been a friend to me and I don't want to lose our friendship."
[Okay, anything for you, my son.] siguro kung nakikita ko siya ngayon, nakangiti siya sa akin nang pagkatamis-tamis. He's the kind of father any son and daughter would want to have.
"Thanks Dad." I said whole-heartedly.
[Just always be careful on everything that you do. I love you son. Your Mom and I miss you so bad.]
"Please tell Mom that I miss her too."
[I will.] he then hung up.
I look around the room and realized that I really don't belong in this house. Para lang quarter ng mga maids itong room na ito at hindi ako isang katulong.
It sucks to be good, you know that? Anyway, alam ko namang 'di rin maglalaon at makakaalis din ako sa lugar na 'to. Kahit pa nandito ang tunay kong pamilya, I don't see any future in this house.
I'm not Joshua for nothing.
Tok! Tok! Tok!
I heard someone knocking on the door and my biological mother appeared infront of me.
"Anak, kakain na tayo." sabi niya sa akin na may ngiting walang bahid ng ka-plastic-an. Yung ngiting mapapatakbo ang isang anak para yakapin ang kanyang magulang.
Pero walang epekto sa akin ang mga 'yan.
"Okay, susunod na lang po ako." oh, c'mon!
"Bilisan mo anak ha, naghihintay kami sa baba." ngumiti ako ng hilaw at tumalikod na siya sa akin. Yumuko ako para kalikutin ang phone ko.
"Hindi mo naman kailangan magpanggap sa harapan namin eh. Hindi namin pinipilit ang mga sarili namin sa mundo mo." nanigas ang aking katawan nang marinig ko ang boses niya. Boses ni kuya.
"Hindi ka namin pinipilit, pero sana.. sana hayaan mo kaming pumasok sa puso mo. Hayaan mo kaming makabawi sa mga panahong nawala mula nang mawalay ka sa amin. Kahit 'yun lang, kontento na kami." samu't saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. A part of me says na sundin ang sinasabi niya. And that it would benefit the both us kung irerecognize ko sila as my family. The other says, tama lang ang ginagawa ko.
Pero.. naguguluhan talaga ako.
Narinig ko ang mga yabag niya na papalapit sa akin.
"Niel.."
"Kuya..." tumayo ako at yumakap sa kanya. Panay ang iyak ko habang pinapatahan niya ako.
"Shhh.. 'Wag kang umiyak. Mahal ka namin. Mahal kita. 'Wag mong iisipin na hindi ka namin sinubukang hanapin. God knows how we suffered nang mawala ka. Mahal ka ni kuya.." parang lalo lang bumibigat ang damdamin ko sa sinasabi ni kuya.
BINABASA MO ANG
I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!
RandomWill you still believe in forever even the world says don't?