Chapter 41

2.7K 91 1
                                    

Akira's POV

Tonight is the night I've longed to wait. Tonight is our graduation ball and at the same time announcement of the batch valedictorian.

Kinakabahan ako. Actually, kanina pa simula palang pagkapasok namin dito sa hotel. Sa katunayan pinagpapawisan ako ngayon nang malamig habang palakad-lakad sa hallway ng venue. Hindi ko nga mawari kung saan ako mas kinakabahan eh. Sa mangyayaring announcement ba o sa mga tingin ng schoolmates ko?

Naconscious talaga ako nang bongga. Ikaw ba naman tignan nang mula ulo hanggang paa? Ewan ko na lang kung maging comfortable ka pa.

Kasi naman si sissy, sa ganda ba naman ng halter neck and backless dress na suot niya talagang maaga ang tawag ng kalandian para sa kanya. Hay naku! Kahit kailan at saan talaga! Kaya hindi maayos-ayos ang relasyon niyan kay Ryan eh!

Hmmm, ang ganda ng ambiance ng lugar. Napaka-elegante ng tema. May mga bilugang chandelier na may maliliit at malalaking size. Tapos mga lightings na talaga namang nakakapagset up ng magandang mood. Yung tipong magagaya mo si Cinderella human version sa pagiging graceful niya gumalaw. Black and white ang theme.

Ang mga lamesa, pak! Akala mo business gathering ito eh. Hindi naman kasi naging exclusive ang university na pinasukan ko para lang sa wala kaya, pak talaga!

Naglakad pa ako nang kaunti at nabungaran ko ang entablado. May LED screen sa likod na nagpapakita ng mga piling litrato ng kada section kaya ang iba enjoy na enjoy sa panunuod.

Feeling ko namula ako when I saw a picture of Kevin and I kissing in front of the classroom door. Nakakatawa pa kasi yung background namin ay mga kaklase ko na nanlalaki ang mga mata pati na bibig. Astig. With kilig. Hihi. Nasaan na kayo yun?

Lakad-lakad lang ako nang biglang may nagtakip ng mga mata ko. Uhmm..
"Hala, sino po ito?" gusto mo ng game ha. Hihi.

"Hulaan mo.." ginawa pang paos ang boses. Hindi ko tuloy napigilang mag-giggle.

"Uhm, si Kevin ba ito? Haha" lumuwag ang pagkakatakip niya sa mata ko at nakumpirma ko. Jeske, hawak palang niya, alam ko naman na siya yun. The way my body reacts by just merely his touch alam kong siya na yun.

"Ang galing mo naman Princess.." niyakap niya ako at ikinulong sa kanya. Ang bango-bango naman nito ngayon, nasabi ko na bang ang gwapo-gwapo niya? Swerte ko rin dahil may katulad niya na nagmahal sa akin. Pero ano ba, mas swerte siya kasi exotic ang pinatulan niya. HAHAHA.

"Princess, baka naman maubos ang amoy ko niyan? Haha."

"Sira, konti lang naman eh."

"Sus, parang papasok na nga ako sa ilong mo sa tindi ng pagsinghot mo eh."

"Sobra ka naman!"

"Haha, tara. Come with me. I will show you something."

Hindi na ako umangal kaya iginiya niya ako patungo sa pupuntahan namin.

"Wow!" mukhang understatement pa nga ang phrase na iyon. Grabe ang ganda ng lugar na 'to.

"Nagustuhan mo?"

"Oo naman! Ang ganda rito!"

Ang ganda talaga! Kasi naman, lumabas kami sa venue at parang napunta kami sa isang garden. Bongga ng hotel, may ganitong nalalaman. May fountain na nag-iiba ng kulay at may puno na punong-puno ng mga heart. Tapos sa grass may parang path patungo doon sa ilalim ng puno. Megash. Ang romantic! Kinikilig na naman ako, shems!

"Tara doon tayo." nakakamesmerize ang ngiti ng lalaking ito.

Nang makarating kami sa ilalim ng puno, humarap siya sa akin and without a word he claimed my lips. Hindi ko naitago ang pagkabigla kaya namin naibuka ko ang bibig ko. That's the time he deepen the kiss. I respond to his kisses with the same intensity.

I'm Yours, forever.. (boyxboy) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon