10

66 21 0
                                    

Chapter ten: Report


Mukha akong tangang parang may exam na sasagutan, nakatunganga kasi ako sa folders na ito pero ni isa wala pang pumapasok sa isip ko. 


Kaya mo to Ravenna.


Habang binabasa ko ang documents di ko maialis sa isip ko na napaka dull ng agents nila. Kung tutuusin I'm so overqualified for this position. At sinasabi pa ng mom ni Enzo na hindi dapat ako ang partner niya, that's just messed up shit. 


Kaya siguro naisipan ng mga to na ibenta ang mga gamit ng agency kasi hindi sila marunong magisip, mga pinili nilang tao bobo naman sa lahat ng 'to. 


Tumigil ako sa pagbabasa nang may magtext sa akin, I checked the phone and it's from my darli-- Enzo. It's from Enzo, sino ba kasi yung darling na yun? Hindi ko yun kilala.

From: Enzo

 Good morning, Darling. Eat breakfast before you go to our office, and also don't stress yourself too much. I'm sure you already made conclusions about the people we're going to target. 


And he's right, baka naman may lahing mangkukulam or tagabasa ng isip tong si Enzo at alam na alam niya ang tumatakbo sa isip ko. 


Naligo na ako at nagsuot ng high-waisted black jeans with a white shirt. Para simple lang, keep a low profile daw sabi ni Enzo. Dahil marami pa rin ang gustong pumatay sa akin dito sa Japan reasoon being I'm still the fresh prey. 


I got the keys of my unit and coffee on the go before wearing my face mask. 


Habang naglalakad ako, I can feel someones eyes laying on me. Ang weird pero feeling ko mayroong nagmamasid. Inilipat lipat ko ang paningin ko pero wala akong nakita. Maybe I'm just paranoid. 


"Ohio!" The front desk greeted me, tumango nalang ako bago pumunta sa pintuan na may passcode. 


Pagkababa ko sa underground as usual ang daming agents na nakakalat at umiinom na din ng ganito kaaga. 


"I can't believe you let this man loose!" Narinig kong sigaw malapit sa office namin, teka. Boses yun ni Enzo ah. Bakit ang init ng ulo niya. 


Ayoko lumapit sa kanila baka ako pa paginitan ni Enzo, maglabas ng baril at ako barilin. 


"That asshole has been a threat to this agency for about 8 months now, and yet you three can't keep him at our hands!" Muli niyang pagsigaw, bahagyang tumingkayad ako para makita kung sino yung pinapagalitan niya. Sila Saya at yung dalawa pang bugok. 


Nagamba ng sampal si Enzo kaya naging mabilis ang lahat ng nangyari at pumagitna ako sa kanila, at ako ang nasampal. 


Sa sobrang lakas ng sampal parang naiiyak ako sa sakit, bakit kaya Ravenna? Dati naman kahit ilang bala na ang tama mo there's no tear for you to cry. Diba malakas ka Ravenna? 


Yung reaction ni Enzo hindi ko mapinta, parang naghalong galit at guilty ang mukga niya. Dapat lang, sinampal mo 'ko. 


Nilingon ko yung tatlo na nakaawang ang mga labi, inayos ko ang sarili ko at nagsalita. "You three are dissmissed, we'll talk about this situation later. For now, you boss needs to calm his head." I turn my gaze to him at nagiwas siya agad ng tingin. 


I placed my fingerprint on the scanner para bumukas ang pintuan dahil ako nalang ang hinihintay. 


Tahimik akong pumasok, at si Enzo naman ay parang hindi mapakali sa kinauupuan niya. 


Ibinalik ko ang mga folder sa shelves at naupo na rin sa upuan ko. 


I heard him sigh before breaking the silence, "sorry." yan ang lumabas sa bibig niya. 


"Apology accepted." Sagot ko, hindi ko naman kasi kailangan pang patagalin eh. Ano ba ko? Yung babeng gusto pang magpasuyo at magpabili ng burger, fries, milktea, at prutas? I'm not like that.


"Wait, that easy?" Di makapaniwalang tanong niya. 


"Enzo darling, I'm not the kind of person that makes the situation worse and longer." Simple kong sagot. 


Tumayo ako at lumapit sa kanya, umupo ulit ako sa taas ng desk niya. 


"By the looks of your face it seems like you're stressed, tell me. What's our problem, darling?" Hinaplos ko ang buhok niya at napapikit naman siya dahil doon. 


"The task that I assigned to your three friends is important and I trusted them to keep the guy in our hands because he's a threat. We've been trying to catch him for several months now and luckily we did it but the bad news came earlier this morning that he escaped." Nagulat ako nang bigla niya ako niyakap sa bewang. 


"I wan't to stay like this for a while darling, can we stay like this?" Niyakap ko din siya sa ulo a sign that I said yes. 


Nakita ko yung Ipad ni Enzo na nakalagay doon ang mga gagawin niya ngayong araw. 


Sobrang dami! Kahit ako tatamarin na, baka kapag ako na ang may ari ng companya namin sa Pilipinas baka wala akong matapos na kung ano. 


Na exit ko yung tasks app niya kaya nakita ko yung wallpaper niya, It's me smiling. Wearing a yellow off-shoulder dress. 


Ibinalik ko ang ipad niya sa gilid ko, naramdaman kong gumalaw na siya at umayos ng upo. 


"Ikaw dapat ang hindi nastre-stress ngayon. Darling, is there anything that I can help to make your tasks for today lessen?" Tanong ko habang nakatingin deretso sa mata niya. 


He smiled, "Just stay right beside me. All of my problems will wore off, when you're with me." Hinawakan niya yung kamay ko bago tumayo ng maayos. 


"I'm going to sign these remaining papers and then you will report to me the agents that turned their backs against us." Sabi niya bago ako pabalikin sa upuan ko. 


Hingal na hingal ako pagkatapos kong sagutin yung pa-recitation ni Enzo. 


"Very good, darling." Pumalakpak siya bago ngumiti. 


"Daig mo pa recitation namin ng prof ko nung college." Sabi ko at natawa naman siya. 


"Ready ka na bang kausapin ng maayos yung tatlo? Or gusto mo ako na kakausap, ay wag na pala ako makisali. Baka masampal pa ulit yung mukha kong maganda." Hinawakan ko yung pisngi kong medyo namumula pa rin. Kapag naging bakla siguro tong si Enzo at may pinagaagawan na lalaki, siya mananalo sa sampalan. Ang sakit eh!


He pouted, "Nagsorry naman na ko eh." 


I clicked the paging button. "Calling for Saya, Maverick, and Jesse. Please report to agent Okazaki and Hendrix's office ASAP."


May narinig kaming katok, kaya inilagay na namin ang finger print para bumukas ang pinto. Bumungad saamin ang natatakot na itsura ni Saya habang si Jesse at Maverick naman hindi makatingin ng diretso sa mata ko o kay Enzo. 


"His head is already cooled, you can talk now. I'll answer you three so that you guys will not be frightened." Nginitian ko sila. 


"What are your plans, now that you let the guy loose again?" Nagpipigil inis na tanong ni Enzo kaya kinurot ko yung braso niya. Sabi kong ako na kakausap eh.


"We will try to track him again, and start from scratch. But We are sure that after this we will lock him up here underground." Pormal na sagot ni Saya. 


Tumango ako sa kanya, "Good enough, I want a soft copy and hard copy of the idea and overall plan sent to me and Okazaki this week." Sabi ko before dissmissing them again. 


"It looks like you're ready to be my wife darling. I mean you can manage things without me, and for our agency."

She is back. | Mafia Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon