07

77 22 0
                                    

Chapter seven: His parents


Tahimik lang ako dito sa office habang inoobserbahan si Enzo, di ko maitatanggi ang gwapo niya naman talaga. 


"Darling please stop staring, baka hindi ko mapigilan sarili ko bigla nalang kita halikan dyan." Nginitian niya ako pero inirapan ko lang siya. 


"Ano ba ang una nating misyon? Kung wala naman uuwi na ako para matulog." Iritang sabi ko, pano kasi sinabi niya maguusap daw kami pero wala namang naganap na usapan, he just sat there and started reading the documents. 


"Chill ka kasi muna dyaan, hinahanap ko pa kasi yung document. And also pinapatawag tayo ng oya ko." Sabi niya habang nagta-type sa laptop niya. 


Oya? 


"What does oya mean?" 


"Parents." Pagkasabi niya non lumipad na ang utak ko sa kawalan. 


His parents are profesionals, strict and proper. Baka mahiya lang ako, lalo na't alam nila ang pangalan ko bilang ex niya. 


"No." Sabi ko na ikinataka naman niya. 


"What do you mean no? Ibibigay na nila ang unang misyon natin." 


"Eh, di mo ba inisip kung ano ang sasabihin nila sa akin? Ex mo ko, Enzo. At alam nila yon, kaya please pwede ba na ikaw nalang humarap sa kanila? Di ko kasi talaga kaya." 


Tumawa siya bago lumapit sa akin, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko bago ako halikan sa noo. 


"Darling, you have me. And besides wala silang gagawin sayo, kasi kung mayroon ready na akong umalis dito para lang sayo. Para sa atin." 


Para sa akin? Para sa amin? Ano ba nangyayari sa akin? Some part of me felt butterflies pero naiilang ako. Ito nanaman tayo Enzo, making promises that are meant to be broken. Ayaw ko na umasa, please. Baka ikaw nanaman ang dahilan ng sakit na iiyakan ko magdamag. 


Napaisip ako, both of the breakups I experienced was all about us can't be together. 


I broke up with Enzo kasi hindi kami pwede magkasama, parehas naming minahal ang isa't isa ang kaso lang, his life is in Japan. And my life is in the hands of my father back then. Cassian on the other hand, dad approves of him we were already perfect for each other but we were forced to leave each other. 


Which one is most painful? Neither, because both is equivalent to a bullet hitting me or knives stabbing me in the back. 


"If I know you, you're probably thinking what I meant for us." Sa pagkasabi niya non naalimpugatan ako. 


"You know me too well then." 


"I mean everything, darling. Mahal pa din kita, hindi na yun magbabago." Hinila niya ako pa taas at nagpahila naman ako, binuhat niya ako at inupo sa desk niya. Magkalevel na kami ngayon. Pano kasi ang tangkad din neto.


"Look at me darling." Pagkasabi ko non nahihiyang tiningnan ko siya. Ganito ba siya ka gwapo? Natulala ako sa kanya, to me his eyes are like a heart capturer. Binihag na ata ako ng mga tingin niya, he smiled at me. Dagdag mo pa yung ngiti niya, shet! I can't be in love with him. 


Pero yun din ang sinabi ko sa sarili ko noon eh, sinabi ko na bawal akong mahulog sa isang lalaki dahil ako ang tagapag-mana ng companya. Pero wala, I fell because of everything about him. Ngayon, mukhang ang pangako ko sa sarili ko ay masisira muli. 


Dahil sa simpleng ganito niya, ay parang unti unti akong natutunaw, at nagiging mahina dahil sa kanya. 


Ilang araw pa lang tayo nagkita at ito ako, tinatanong na ang sarili ko sa nararamdaman ko. Kasalanan mo to Enzo, hinuhulog mo ako ulit sa iyo. 

She is back. | Mafia Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon