Bigla ang pagbangon ko sabay tili ng malakas nang manuot ang lamig sa kalamnan ko.
"Shit!" narinig kong bulaslas ni Kuya Jeremy.
Napatayo rin ito. Habang ako'y tumalon-talon upang ipagpag ang tubig sa katawan ko. Umaasang mapawi ang lamig na nararamdaman ko. Nakita ko ang paghagis ng balde sa buhangin.
"What the hell, man! Why did you do that?" inis na wika niya kay Xander.
Binuhusan niya kami ng tubig dagat. At kahit ako'y nagulat sa ginawa niya. Hindi ba pwedeng gisingin na lang kami ng maayos?
Sa halip na sagutin ito ay bumaling siya sa akin.
"Uwi!" galit na utos nito sa akin.
Napanganga ako at akmang sasagot nang magsalita siya ulit.
"Ang sabi ko, uwi!" sigaw nito.
Tiningnan ko siya ng masama. Anong ba'ng problema niya? Bakit siya nagagalit? Sa tindi ng galit na nararamdaman ko ay namuo ang luha sa mga mata ko.
"Pare, 'Wag mo--"
"Francheska Mae Sevilla! Move!" babala nito.
Lumapit sa akin si Kuya Jeremy at niyakap ako. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa pisngi ko. Sumisinghot na inilapat ang ulo ko sa dibdib niya.
"Ssshhh...hush now, darlin'." sabay hagod sa likod ko.
"Pagpasensiyahan mo na lang masama lang talaga ang gising." bulong nito sa tenga ko.
"Let her go!" sigaw ulit nito.
Hindi na ako nakatiis. Kumuwala ako sa pagkakayakap ni Kuya Jeremy at marahas na humarap sa kanya.
"What's the matter with you?! Kung galit ka sa mundo pwede ba huwag mo kami idamay!" bwelta ko rito.
Napansin kong nagtangis ang bagang nito. Bakas sa mukha nito ang matinding galit.
"Che, darlin'...umuwi ka na muna. Magpalit ka ng damit at baka sipunin ka." nag-aalalang wika ni Kuya Jeremy.
"Kung may choice lang ako ay talagang uuwi na ako!" inis na sigaw ko. Ayoko na talaga rito. Sa oras na pwede nang umalis sa lugar na ito ay kahit gaano pa kalayo ang labasan ay pagtitiyagaan kong lakarin.
"'Wag kang pilosopo. Uuwi ka ba sa bahay o gusto mong buhatin pa kita?" banta nito.
"Arrgh! I really hate you!" sigaw ko at pagkatapos ay tumakbo palayo sa kanila.
Xander's POV
Hindi ko maipaliwanag ang galit na nararamdaman ko nang makita si Francheska at Jeremy na magkatabi habang tulog. Pagkagising kanina ay masakit ang ulo ko dahil sa hangover. Pagbangon ay tumuloy ako sa banyo para maligo. Bumaba ako sa kusina para magkape nagbabakasaling mawala ang hangover ko. Nang tingnan ko ang wall clock ay ala siete y media na. Naisipan kong maglakad-lakad sa tabing-dagat pagkatapos magkape. Napatigil ako nang mamataan ang dalawang taong nakahiga at natutulog. Kumunot ang noo ko nang mapagtantong isa sa mga 'yon ay ang kaibigan kong si Jeremy. Tumakbo ako palapit para kumpirmahin ang hinala kong kasama niya.
Nagtangis ang bagang ko nang makitang si Francheska nga ang katabi nito. Ang ibig sabihn nito'y hindi siya umuwi at magdamag silang magkasama.
Sino ang matinong babae ang matutulog na kasama ang taong kakakilala pa lang? Ganoon ba siya klaseng babae? Pasalamat siya at si Jeremy ang sinamahan niya. Paano kung ibang tao? Paano kung may nangyaring masama sa kanya habang nandito? Paano ko maipapaliwanag sa kuya nito? Tiyak na hindi ako mapapatawad ng kapatid kong si Cassiela. Kargo ko siya habang nandito siya. How could she be so careless?
BINABASA MO ANG
Rescuing His Rebound (Hidden Desire)
RomanceHe doesn't have any idea why his girlfriend left him. They've been a couple for six years already. But when he finally decided to propose to her on his birthday he found out that she's gone. He kept looking for her, but she was nowhere to be found...