Chapter 23

3.6K 98 1
                                    

 Nagsukatan ng tingin si Joe at ang lalaki. Samantalang si Theo ay bakas sa mukha ang takot. Tsk! Duwag! 'Di hamak nga naman na malaki ang katawan ng estranghero kumpara sa kanya.

"Sino ka ba? Huwag ka nga makialam rito." matapang na sagot ni Joe.

"Ang kaso, may pakialam ako." kompiyansang sagot ng lalaki.

 Obviously, hindi ito natatakot kahit mag-isa lang siya. Wala akong nakitang bakas ng pagkasindak mula sa kanya. Binilang ko silang lahat. Walo sila kasama na si Theo. Kung tutuusin talong-talo siya kapag nagkagulo. Kahit matipuno ang pangangatawan nito ay dehado siya.

"Hey! Mister--"

"Huwag kang matakot, Miss. Ako'ng bahala sayo. Just stay at my back." putol nito sa sasabihin ko habang nakatingin sa kanila. Hindi man lang ako nilingon. Baka ayaw niyang bigyan ng pagkakataon ang mga kalaban na umatake.

 Tumawa ng malakas si Joe at ngumisi naman si Theo.

"Hindi ka ba natatakot sa amin? Mag-isa ka lang. Mag-isip isip ka. Kung ako sayo umalis ka na lang." mayabang na wika ni Joe.

 Lalong lumaki ang ngisi ni Theo. Napakaduwag niya talaga! Malakas lang ang kanyang loob kapag meron siyang kasama. Ngayon ko tinatanong ang sarili ko kung bakit ko siya minahal. Nagbulag-bulagan lang ba ako sa ugali niya? O ngayon lang ako namulat sa tunay na kulay niya?

"Kayo ang dapat matakot sa kanya. Kaya niya kayong patumbahin nang mag-isa." tinig na nagmula sa kanilang likuran.

 Napalingon silang lahat. Kahit ako'y napatingin sa pinanggalingan ng boses. Isang lalaki ang nakatayo sa kanilang likod. Tulad ng lalaki sa unahan ko ay nakasuot rin ito ng itim na sunglasses at may bluetooth earpiece rin sa kanyang tenga. Puting polo shirt at maong na pantalon naman ang kanyang suot na damit. Hindi ito nalalayo sa porma ng nauna. Gwapo rin ito tulad niya. Geez! Saan ba lupalop nanggaling ang mga ito?

 Mukhang magkakilala silang dalawa. 'Di kaya... Sila 'yung mga bodyguard ko? Pero bakit ang bilis naman yata? Dalawang araw pa lang ang nakakalipas magmula nang sabihin ni Kuya na ikukuha niya ako ng bubuntot-buntot sa akin. Oh well! Bakit hindi pa ako nasanay? He can move mountain. Lalo na pagdating sa kaligtasan ng kanyang kapamilya.

"What's this? Bananas in pyjamas? Siya si B1 at ikaw naman si B2?" nakakalokong wika ni Theo. Natawa ang kanyang mga kasama.

"Do you think that's funny?" seryosong wika ni B2 sabay pakita ng baril sa kanyang bewang na nakaipit sa kanyang pantalon.

 Hindi ko inasahan nang bumunot ng baril si Joe at tinutok sa kanya. Ngunit kasabay no'n ay ang mabilis na pagkilos ni B1. Nakabunot din siya ng baril at itinutok sa likod ng ulo ni Joe.

 Nanlaki ang mga mata ko sa bilis ng mga pangyayari. Hindi ko napansin kung paano nangyaring nakatutok na din ang baril ni B2 kay Joe. Marahil ay kasabay rin ng pagbunot ni B1.

"Put your gun down, kung ayaw mong sumabog ang bungo mo." banta ni B1 kay Joe.

"I told you. Just so you know, he's a sharp shooter. Marami na 'yan napatumba. So, if I were you I'll follow his orders" nakangising wika ni B2.

 Bigla silang natigilan. Bakas sa mukha nila ang pagkasindak dahil sa kanyang ipinahayag.

"Pare, batsi na tayo." natatakot na wika ni Ben na kaibigan din ni Theo.

 Umatras ng dalawang hakbang ang mga kasamahan nito. Bahag pala buntot ng mga 'to eh. Tapang-tapangan duwag naman.

"Umalis na kayo, Theo. Bago pa magkagulo." kumbinsi ko.

 Bumaling siya sa akin. Ang mata'y nanlilisik.

"You'll pay for this!" banta nito sa akin.

"Pinagbabantaan mo ba ako? Napakasama mo rin 'no? Nakipagkita ako sayo para maka-usap ka ng masinsinan pero ano 'tong ginawa mo? Pinagtangkaan niyo akong kidnapin! Para ano, huh? Tapos ngayon, ganito ang inaasal mo? Kasalanan ko ba kung bakit hindi ka nagtagumpay sa plano mo? Grow up, Theo! Kasalanan mo lahat ng ito. You even drag your friends into do this! My God! Tinatanong ko ngayon ang sarili ko kung bakit kita minahal." nanggigigil kong saad.

Rescuing His Rebound (Hidden Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon