Chapter 18

3.6K 75 4
                                    

 Isasalaysay ko na sana ang mga nangyari ngunit dumating na ang kasambahay na may dala ng first aid kit. Kinuha ito ni Xander at agad na binuksan para umpisahang gamutin ang mga sugat ko. Samantalang si Kuya Jeremy ay tahimik lang na nagmamasid.

 Pinasandal niya ako sa gilid ng sofa. Itinaas ang dalawa kong paa at ipinatong sa kanyang mga hita. Dahan-dahan niyang itinaas  ang aking palda para tingnan ang mga tuhod ko. Kumuha siya ng bulak at nilagyan ng hydrogen peroxide.

"Linisin muna natin sugat mo. Medyo mahapdi 'to." paalala nito at marahang idinantay sa aking tuhod.

"Masakit?" he asked as he saw me winced.

"A little." I answered. Then, he blew the wound to ease the pain.

 Pagkatapos linisin ang mga sugat ko ay nilagyan niya ng ointment. Tinakpan niya ang mga ito ng gasa. Tumanggi ako nang gusto niyang lagyan pati ang mga palad ko. Sobrang OA na kasi. Kaunting galos lang naman ay tatakpan pa. Kahit band aid nga lang ang ilagay niya sa tuhod ko ay okay na. Maliit lang naman ang mga sugat. 

 Ibinaba niyang muli ang aking mga paa matapos ayusin ang palda kong lagpas tuhod ang haba.

"Now. Speak up." mariing utos ni Xander habang ibinabalik ang mga ginamit mula sa first aid kit.

 Tumingin ako kay Kuya Jeremy at bakas sa mukha nito ang pagkainip. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong- hininga. Pagkatapos ay isinalaysay ko ang naging pag-uusap namin ni Theo nang dalawin niya ako sa bahay. Pati na rin ang naging pag-aaway namin hanggang sa nangyaring pagbabanta nito kung hindi ako sasama sa kanya.

 Narinig kong nagmura si Xander kasabay ng kanyang pagtayo. Nagkatinginan pa ang dalawa. Pagkatapos ay naglakad palayo si Xander at parang hindi mapakali dahil sa nagparoo't parito.

 What's wrong with him? Sa inaasta niya ay parang siya ang may pinagdadaanan. Baka nakakalimutan niya ako ang may problema rito. Sa ikinikilos niya ay mas nag-aalala pa siya kaysa sa akin.

 Tumikhim si Kuya Jeremy pagkatapos ng ilang sandali.

"I can protect you by hiring someone to watch over you." saad nito.

"No! Hindi ako pa--"

"Let me finish." putol nito.

"As I was saying, kaya kong masigurong ligtas ka mula sa lalaking iyon pero paano ang kapatid mo? And worst, baka madamay pa ang pamilya niya."

"I don't think kaya iyon gawin ni Theo." sagot ko.

"My God! Ipinagtatanggol mo pa ang lalaking iyon?" hindi makapaniwalang saad ni Xander. 

"Of course not. Sinasabi ko lang ang totoo." giit ko.

"Well then, makinig ka sa akin. Sinisigurado kong kaya niyang gawin ang lahat ng pagbabanta niya." mariin niyang saad. Halos lumitaw lahat ng ngipin niya sa sobrang inis.

"That's unfair! You don't even know him."

"You have no idea, honey." sarkastikong wika nito.

"And what do you mean by that?" I snapped.

"Che, you're boyfriend isn't what you think he is. Miyembro siya ng isang gang."

"What?!"

"How did you know all of this?" gulat na bulaslas ko. Hindi sila umimik.

"Hindi niyo siya kilala ng personal para sabihing isa siyang masamang tao. Besides, 'di porke't gangster ay masama na." katwiran ko.

 Nagtataka na ako. Bakit parang ang dami nilang alam? Wala pa ngang isang buwan mula nang magkakilala kami ni Kuya Jeremy pero bakit pati siya ay parang may nalalaman tungkol kay Theo? Sigurado naman akong hindi pa niya nakita ang pagmumukha ng nobyo ko. Kahit noong nasa Batangas ay may nasabi siyang ipinagtataka ko. Nakakaintriga na talaga ang dalawa.

Rescuing His Rebound (Hidden Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon