Lumapit ako kay Jeremy at pasimpleng bumulong sa kanya.
"We'll talk later." banta ko sa kanya.
"Sure, man." tugon naman nito na sinadyang pinalakas.
Pagtingin ko kay Cheska ay nakakunot na ang kanyang noo.
"What's wrong, Fran?"
Umismid lang ito. Tumawa naman ang walanghiya kong kaibigan.
"You know what? You look familiar." wika ni Jeremy sa kanya.
"Oh please! Don't tell me, napaka-ordinaryo ng hitsura ko kaya kung saan-saan mo na lang ako nakikita." saad nito sabay bato ng bola sa kanya. Sinalo naman ng gago at saka tumawa ng malakas.
Napakakomportable nila sa isa't isa. Para bang matagal na silang.magkakilala.
"Alam mo, gusto kita." wika ni Jeremy.
Nanlaki ang mga mata ko. Sumulyap siya sa akin at pinandilatan ko naman siya ng mata. Ngumisi siya at bumaling ulit kay Cheska.
"Too bad. I'm already taken. Huwag kang mag-alala kapag single na ulit ako ikaw ang una kong hahanapin." nagbibirong wika nito. Tumawa naman ulit ang loko.
"I'm warning you, Fran. Don't trust him. He's a womanizer." sabat ko.
"Hey! Walang naman ganyanan, Pare. Never kitang siniraan kay Leanne."
Lalong tumindi ang inis na nararamdaman ko pagbanggit niya kay Leanne.
"I-I'm sorry, Xan-"
Ngunit tumalikod na ako at nagmamadaling umalis. Iniwan ko sila.
"Xander!" tawag nito at sumunod sa akin.
"I want to be alone." malamig kong tugon.
"Hindi ko sinasadya, Pare."
Huminto ako at hinarap siya.
"Gusto ko munang mapag-isa. Ikaw na muna ang bahala sa kanya." sabay tingin kay Cheska na nandoon pa rin kung saan ko sila iniwan. Hindi siya sumunod ngunit nakatingin pa rin siya sa amin.
"Binabalaan kita. 'Wag mo siyang gagalawin kung hindi'y papatayin kita."
"Sir, Yes, Sir!" tugon nito sabay saludo sa akin.
Pagkatapos ay tumalikod na ako papunta sa bahay.
"Hey gorgeous! Stay still. Diyan ka lang. Bawal daw kita galawin eh." narinig kong sigaw nito.
Siraulo talaga!
Tumakbo ako papunta sa bahay at tumuloy sa bar counter at nagsalin ng whiskey sa baso at nilagok ito.
Nasasaktan pa rin ako tuwing naaalala si Leanne. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit niya ako iniwan. Natural lang na masaktan ako sa nangyari dahil matagal na kaming magkarelasyon. At kailanma'y wala akong nakikitang magandang dahilan para iwan niya ko. Kung nakaramdam man siya sa balak kong pag-propose sa kanya at ayaw pa niyang magpakasal ay hindi ko naman siya pipilitin. Hihintayin ko kung kailan siya handa. Pero may pakiramdam akong hindi iyon ang dahilan. Naiinis ako sa sarili ko tuwing naiisip kong pinagpalit niya ko at sumama sa iba. May bahagi ng utak ko ang tumututol do'n. Alam kong hindi niya magagawang magtaksil sa akin. Pero ano pa nga ba ang posibleng dahilan?
Pabagsak kong ibinaba ang baso sa bar counter at umakyat na sa kwarto ko para maligo.
Pagkalabas ng banyo ay naalala ko si Cheska. Tama ba ang ginawa ko? Iniwan ko siya kasama ang siraulo kong kaibigan?
BINABASA MO ANG
Rescuing His Rebound (Hidden Desire)
RomansHe doesn't have any idea why his girlfriend left him. They've been a couple for six years already. But when he finally decided to propose to her on his birthday he found out that she's gone. He kept looking for her, but she was nowhere to be found...