Chapter 21

3.4K 73 2
                                    

 Nagbalik tanaw ako sa naraan habang inilalahad kay Nico ang mga pangyayari.

 Kinabukasan ay inaasahan ko nang mangungulit na naman siya para ihatid ko hanggang sa labasan. Hindi talaga ito titigil hanggang hindi nasusunod ang gusto niya. Tulad ng dati ay tumanggi ako. Kampante na akong hindi siya makakalabas sa lugar na ito.

Tamang tama ang pagdating ng guard na nagbalita sa nangyaring nakawan. Laking gulat ni Francheska nang malamang walang sino man sa lugar ang maaaring umalis hanggang 'di natatapos ang imbestigasyon. Lihim akong napangiti dahil sa nakikitang frustration sa mukha nito.

"Hindi ba pwedeng ipakiusap na payagan niyo siyang makaalis? Balato niyo na sa akin." tanong ko sa guard.

"Ah...eh...Sorry po. Hindi po talaga pwede, sir." sagot nito nang may pag-aatubili.

 Hindi ko inasahan ang paglapit  sa kanya ni Francheska. Hinawakan niya ito sa braso.

"Please, Kuya. Magbabayad po ako kahit magkano." pagmamakaawa nito.

 Hinapit ko siya sa bewang at bumaling sa guard. I scowled at him to warned him.

"Sorry about that." paghingi ko ng paumanhin at ngumiti ng mapakla kay Francheska.

"Do you realize what you're wearing? Look at the poor man. He's blushing." bulong ko sa kanya.

"Pasensya na po, Ma'am. Ayoko po mawalan ng trabaho." tugon ng guard sa kanya. I glared at him. I don't like the way he's looking at her.

"Get inside, love. I'll get this." utos ko pagkatapos ay hinalikan ko ito sa noo. Sinadya ko 'yon para malinawan ang lalaki na may nagmamay-ari na sa babaeng kanyang tinititigan. 

 Buti na lang at sinunod niya ang utos ko na pumasok sa loob. Mukhang naiintindihan niya kung bakit ko siya pinapasok. 

 Pagkapasok niya sa loob ay hinila ko palayo ang guard mula sa bahay.

"Sir, ayoko po mawalan ng trabaho." nag-aalalang wika nito.

 Hinugot ko mula sa bulsa ng aking shorts ang isang sobre na naglalaman ng pera. Inabot ko sa kanya at tinanggap niya ito. Bayad iyon sa kanyang serbisyo.

"Sir paano po kapag nalaman ni Ma'am ang totoo? Baka po nawalan ako ng trabaho sa ginawa ko."

"Ako na ang bahala. Sisiguraduhin kong hindi niya malalaman. Ilang araw lang naman. Hindi mo mamamalayan na lumipas na ang mga araw." tugon ko.

"Sagot niyo po ako ah, Sir?" nag-aalala pa ring wika ng lalaki.

"Oo. Ako nga bahala sa'yo. Magtiwala ka sa akin."

"Sige po. Mauna na po ako. Salamat rito." sabay tingin sa hawak na sobre. Ibinulsa niya ito sa kanyang pantalon bago tuluyang umalis.

"Ginawa mo 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ni Nico na bahagyang natatawa.

 Hindi na ako nakasagot dahil biglang bumukas ang pinto. Lumikha talaga ng ingay dahil marahas na pagbukas ng nito.

 Dalawang pares ng matang nanlilisik ang sumalubong sa akin.

 Damn! Now, I'm in a big trouble.

Cheska's POV

 Nagulat ako sa mga nalaman ko. Nakuyom ko ang kamao ko sa sobrang galit na nararamdaman ko.  Kung hindi pa ako inaya ni Ate Ella para samahan sina kuya ay hindi ko pa malalaman ang katotohanang pinagkaisahan nila akong dalawa. Buti na lang at nakatulog agad ang mga bata. At naisipan ni Ate Ella na makipagkwentuhan sa kanyang kapatid.

Rescuing His Rebound (Hidden Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon