Kumurap-kurap ako para siguraduhing hindi ako nanaginip. Inalis niya ang suot na sunglasses at kinindatan ako. Napanganga ako.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang porma. Nakabukas ang lahat ng butones ng kanyang suot na light blue polo. Hindi ko sigurado kung puting sando o t-shirt ang kanyang suot panloob. Cargo shorts na kulay cream naman ang suot na pang-ibaba. Ang kanyang suot na sapatos ay white sneakers. Ang cool niyang tingnan ngayon kaysa kapag naka-formal attire siya. Mas lumalabas ang kanyang taglay na kagwapuhan.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang mahimasmasan.
"Sasamahan ka." tipid nitong sagot.
"Are you kidding me?" bulaslas ko.
Napatingin ako sa paligid dahil napalakas ang aking tinig. Naisip ko tuloy na sana'y lamunin na lang ako ng lupa dahil napatingin sa akin ang karamihan sa mga pasahero.
"Iskandalosa." he mumbled.
Pumihit ako patagilid para tingnan siya.
"Ano na naman 'to, Alexander Ivan Rodriguez?" mariing kong bulong.
"Woooah... Now, you sound like my sister." Tumaas ang kilay nito.
"Pinlano n'yo na naman 'to ni Kuya, 'no? I'm sick and tire of this...Y-you and him manipulating my life!" nanggigigil kong bulong.
"Kumalma ka nga. Walang kinalaman ang kuya mo rito. At wala rin plano, okay? Mali ka ng iniisip. Gusto lang naman kitang samahan." mahinahong saad nito.
"Ewan ko sayo!" I answered while gritting my teeth.
Nagmamaktol akong sumandal sa sandalan ng upuan. Itinuon ang aking tingin sa bintana ng eroplano. Nakakainis! Hindi niya ako masisisi kung bakit hindi ko mapaniwalaan ang kanyang sinabi. Pagkatapos ng ginawa nila ni Kuya noong nakaraan, hindi ko maiwasang magduda sa kanila.
"Akala ko pa naman matutuwa ka dahil may makakasama ka. Masama ba kung gusto ulit kitang makasama?" narinig kong sabi nito.
Mabilis akong napalingon sa kanya. Suot na nito ang kanyang sunglasses. Prenteng nakasandal na sa kanyang kinauupuan at may nakasalpak na headset sa kanyang tenga.
Tama ba ang rinig ko? Gusto raw niya ako makasama? Dapat ko ba siyang paniwalaan? Matutuwa ba ako o magagalit? Naguguluhan na ako sa dapat kong maramdaman. Parang unti-unting nawawala ang nararamdaman kong inis dahil sa sinabi niya. Iba talaga ang lalaking 'to. May mga pagkakataong napapalambot niya ang puso ko. He's a real charmer.
Hindi ko na siya kinausap bago pa man magtake-off ang eroplano. Rinespeto naman niya ang pananahimik ko. Hindi na siya nagtangka pa na kausapin ako. Pinagpasalamat ko na rin 'yon dahil hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan. Nagtatalo pa rin ang isip ko. Hindi ko siya lubos na mapaniwalaan sa rason niyang gusto lang niya akong makasama.
Ilang oras din ang tinagal ng flight namin. Pagkalapag ng eroplano sa Puerto Princesa Airport ay umayos na ako ng upo. Nang magsimula nang magsitayuan ang mga kapwa ko pasahero'y isinuot ko ang sunglasses na nasa aking ulo. Tatayo pa lamang sana ako para kunin ang aking traveling bag sa overhead compartment nang hawakan ako ni Xander sa kamay at hinila para sumunod sa mga pasaherong bumababa na ng eroplano.
"Hey! 'Yung bag ko." protesta ko.
"I got it."
Nang tingnan ko ang isa niyang kamay ay hawak na nga niya ang aking traveling bag. Nagpatianod na lang ako sa kanya. Nang makababa kami ng eroplano ay marahas kong hinila ang aking kamay mula sa kanya.
"My bag, please." sabay lahad ng aking kamay.
"Huwag na matigas ang ulo, Fran. I won't give it back. So, stop fighting me."
BINABASA MO ANG
Rescuing His Rebound (Hidden Desire)
RomanceHe doesn't have any idea why his girlfriend left him. They've been a couple for six years already. But when he finally decided to propose to her on his birthday he found out that she's gone. He kept looking for her, but she was nowhere to be found...