Kumakain ako na walang pakialam sa iisipin ng kaharap ako. Ngunit hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagkailang nang ipinatong niya sa mesa ang magkasalikop niyang mga bisig. Pinagmamasdan niyang mabuti kung paano ako kumain. Nagpapalipat-lipat ang tingin nito mula sa pagkuha ko ng pagkain gamit ang mga kubyertos hanggang sa pagsubo ko.
Ang tingin siguro niya sa akin ay isang patay-gutom. At hindi ko naman siya masisisi dahil sa kagaslawan ko sa pagkain. Sino ba naman ang hindi masasabik sa pagkain kapag nalipasan ng gutom?
"Will you stop staring at me. Para namang ngayon ka lang nakakita ng taong patay-gutom." saway ko habang ngumunguya.
"Don't talk when your mouth is full." natatawang wika nito.
Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko bago sumagot sa kanya.
"Don't you know that it is rude to stare? Especially when someone is eating." bwelta ko.
Tila wala siyang narinig. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. Hindi pa nakuntento, ipinatong niya ang kanang siko sa mesa at dahan-dahang namang ipinatong ang kanyang baba sa likuran ng kanyang palad.
"Ang sarap mo kasing panoorin habang kumakain." nakangising wika nito.
"So you're enjoying this, huh? Para sabihin ko sa'yo hindi talaga ako ganito kumain. Gutom na gutom lang talaga ako." depensa ko. Pagkatapos ay inis na ipinagpatuloy ang aking pagkain.
"Napaka-defensive mo naman." wika nito habang tumatawa ng marahan.
"Ngayon lang kasi ako nakakita ng babaeng kamakain na walang pakialam sa sasabihin ng iba."
"And what do you want to imply?" tumaas ang kilay ko.
"Na totoo kang tao." tipid nitong sagot.
"Anong akala mo sa akin? Hayop?" pamimilosopo ko. Tumawa na naman ito ng malakas.
"Alam mong hindi iyon ang ibig kong sabihin. May mga babae kasing kapag kumakain ay parang manok na tinutuka lang ang pagkain. 'Yung tipo na nagpapakahinhin kasi nahihiya sa iisipin ng kaharap niya. You know what I mean?"
"Bakit naman ako magpapakahinhin kung gutom na ako? Besides, hindi ako mapagpanggap na tao. What you see is what you get." wika ko pagkatapos lunukin ang nginunguya kong pagkain.
"That exactly my point. And I like you!"
Muntik ko nang mailuwa ang pagkain na nginunguya ko. Buti na lang ay natutop ko kaagad ang bibig ko ngunit sa kamalasan ay nasamid pa ako.
"Are you okay?" Jeremy asked.
Pilit kong nilunok ang pagkain. Napapaubo kasi ako dahil sa pagkasamid. Tumayo si Jeremy at dali-daling kumuha ng isang basong tubig mula sa ref. Pagkaabot sa akin ay hinagod naman niya ang likod ko habang umiinom.
"Salamat." wika ko pagkababa ng baso sa mesa.
Bumalik siya sa kinauupuan niya kanina. May naglalaro na namang ngiti sa kanyang labi.
"What?!" I snapped.
"Pag-uwi natin ay lumabas naman tayo." aya nito.
"Tigilan mo nga ako. Alam mong hindi pwede. Ano na lang iisipin sa akin ng boyfriend ko? Na nangangaliwa ako?"
Tumawa siya ng nakakaloko. Ang sarap lang sipain. Pagkatapos ay inilapit niya ang kalahati ng kanyang katawan sa mesa.
"Kung anu-ano ang iniisip mo." sabay pisil sa ilong ko.
"Ano ba!" saway ko sabay palo sa kamay nito. Pakiramdam ko ay namula ang ilong ko dahil sa diin ng pagpisil niya.
"Gusto lang kita makasama gumimik. Masama ba 'yon? Isama rin natin si Xander para masaya. The more the merrier." paliwanag nito sabay kindat sa akin.
BINABASA MO ANG
Rescuing His Rebound (Hidden Desire)
RomanceHe doesn't have any idea why his girlfriend left him. They've been a couple for six years already. But when he finally decided to propose to her on his birthday he found out that she's gone. He kept looking for her, but she was nowhere to be found...