Chapter 2

6.5K 123 11
                                    

Cheska's POV

 I looked at myself in front of the mirror. I'm wearing white short and an off shoulder black top. I decided to wear my favorite sneakers instead of wearing a flat sandals. I applied a light make-up and used my favorite shade of lipstick to emphasize my lips. I smiled with a deep sense of contentment.

 I'm all set. This is it! Excited na ako. First time kong pupunta sa Palawan. Nag-leave pa ako sa trabaho ko para lang makasama ako kina Theo, ang boyfriend ko. Halos araw-araw niya akong kinukulit na sumama sa kanila ng mga kaibigan niya. Katwiran niya ay kasama daw ng mga kaibigan niya ang kani-kanilang girlfriend kaya naman gusto niya ay sumama rin ako. Hindi naman niya ako kailangan pilitin dahil matagal ko nang gustong bumiyahe. Lalo na't gusto ko rin makapunta sa Palawan. Ang kaso'y hindi ko maiwan ang trabaho ko. Hindi dahil tambak ang trabaho ko kundi dahil ayaw akong payagan ng magaling kong kuya na lumiban kahit isang araw lang. Iyon pa kayang isang linggo?

 Yes, I work at SFM Corp. sa Accounting Department. Dalawang taon na ako nagtatrabaho sa kompanyang itinayo ni Papa na ngayon ay hawak na ni kuya simula nang magretiro ito. Pagkagraduate ko pa lang ay ipinasok na ako ni kuya sa kumpanya. Hindi niya ako pinayagang makapagtrabo sa iba. Ang katwiran niya'y kaming dalawang magkapatid ang higit na dapat magpahalaga sa kumpanyang pinaghirapang itinayo ni Papa. Pumayag ako kahit alam kong madali kay kuya na malaman ang ano mang nangyayari sa akin. Sa madaling salita ay madali sa kanya ang subaybayan ang kilos ko. Pinapagana niya ang pagiging over protective niya.

 Minsan nga'y nagdududa ako sa mga dahilan niya kung bakit ayaw niyang nag-leleave ako sa trabaho. Tulad ng magpaalam ako sa kanya at ibinigay ang letter requesting a leave of absence from work. Sangkaterbang tanong ang kailangan ko munang sagutin at sa huli'y hindi niya naman ako pinayagan. Marami daw kailangan ayusin sa Accounting Department na para bang ako ang Head doon. Isa lang akong staff doon dahil gusto kong matutunan muna ang magsimula sa ibaba. At isa pa'y marami ang mga empleyadong higit na magaling na deserve ng promotion. Hindi naman porke't isa ako sa magmamay-ari ng kumpanya balang-araw ay agad na mataas ang position na hahawakan ko. Hindi naman yata tama iyon. Paano ang mga empleyadong matagal na nagtatrabaho sa kumpanya?

 Nagtaka ako nang kausapin niya ako. Kinausap na daw niya ang Head namin para i-approve ang leave ko. Sa sobrang tuwa ay nayakap ko siya ng mahigpit.

"Be good. I'm sure, you're in good hands." he whispered in my ear. 

 Kumalas ako sa kanya at tiningnan siya na nakakunot ang noo. He smiled mischievously. May sakit ba ito? Ni minsan ay hindi ko siya narinig na nagsalita ng ganoon. He doesn't approve of my boyfriend. Why all of a sudden, he's telling me that I'm in good hands? Imbis na magtanong ay ngumiti na lang ako pabalik sa kanya.

"Bibigyan mo ko ng pera? Dadaan ba ako ng bangko para kunin ang pocket money ko?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"Ano ka sinuswerte? Gusto mong ipabawi ko ang approval ng leave mo?" nakangising sagot nito. Kunwari ay nalungkot ako.

"Sabi mo kasi'y 'You're in good hands' kaya naman akala ko ay papapuntahin mo ako ng Metrobank." unti-unting sumisilay ang ngiti sa aking labi. Tumawa ito ng malakas.

"Kapatid nga kita. Mana ka sa akin."

"Ano? Na...Corny?" I teased.

"Wala akong sinabi." he chuckled.

 Para akong nagising sa pagkakatulog ng marinig ang tunog ng aking cellphone. I answered the call right away.

"Hi, my Yeobo!" masiglang bati ko.

"Ano?" inis na tanong ni Theo.

"I said, Hi, my darling!"

"Buti naman. Akala ko'y may iba kang boyfriend bukod sa akin." may bahid pa ring galit sa tono ng pananalita nito.

Rescuing His Rebound (Hidden Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon