Chapter 22

3.5K 74 1
                                    

 Pagbalik sa loob ng bahay ay padabog akong tumuloy sa sala at inis na umupo sa sofa. Immature na kung immature pero hindi ko talaga maiwasan ang hindi mainis dahil pagdating sa lalaking 'to ay wala akong magawa. Parang effortless sa kanya ang pasunurin ako sa gusto niya. Sanay pa naman ako na nasusunod ang mga gusto ko. Minsan ay nabwibwisit na ako. Para kasing nadagdagan ako ng isa pang kuya. Bagama't binibigay ng kapatid ko ang lahat ng gustuhin ko ay may pagkakataon pa ring hirap ako makuha ang approval at permiso niya sa ilang mga bagay lalo na kung ang seguridad ang pag-uusapan. Parang itong si Xander. Palibhasa'y may kapatid din itong babae. Sanay na sanay sa pagiging 'big brother'.

"Stay there." utos nito.

 I almost rolled my eyes. So bossy!

 Tumuloy siya sa library kung saan naroroon ang mag-asawa. Bagama't hindi klaro ay naririnig ang tinig ng mag-asawa. Natitiyak kong pinapagalitan ni Ate Ella si Kuya. Buti nga sa kanya! Batid kong takot siya sa kanyang asawa kahit papaano. Hindi kukunsintihin ni Ate Ella ang mga ginawa niya.

 Sinundan ko ng tingin si Xander habang palapit sa tapat ng pinto ng library. Marahan itong kumatok. Bumukas ang pinto at bumungad si Ate Ella. Kita sa mukha niya ang pagkairita. Magkasalubong ang kilay nito.

"Get out. Your husband and I will explain everything. You might as well join us. Para isang paliwanagan na lang." may awtoridad na utos nito sa kanyang kapatid.

 Napangisi ako nang sinadyang banggain ni Ate Ella ang kanyang balikat. I so love her! She's just like me. You won't like her when she's mad. Somehow I felt relieved to know she knows nothing about their conspiracy. Hindi ito magagalit kung alam niya ang plano ng dalawa. At dahil do'n pakiramdam ko may kakampi ako.

 Pabagsak na umupo sa tabi ko si Ate Ella. Pinagkrus ang kanyang mga bisig habang magkasalubong ang kanyang mga kilay.

"Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala sa kuya mo. Magtutuos kami mamaya." bulong nito. I'm counting on you, Ate! Makabawi man lang ako. I smiled at that thought.

 Umupo si Kuya sa tapat ng mahabang sofa na kinauupuan namin. Samantalang si Xander ay napiling umupo sa pang-isahang sofa sa kaliwang bahagi ko.

"Makinig ka sa akin, Cheska. Kapatid mo ko at hindi mo maaalis sa akin ang mag-alala sa'yo." panimula ni Kuya.

"Stop beating around the bush, brother." mariin kong wika.

"Alright. Makinig kang mabuti. Isang araw ay nakipagkita sa akin si Xan para humingi ng dispensa sa naging asal niya sayo noong kaarawan niya. Hinihingi niya ang cellphone number mo dahil gusto ka niyang makausap tungkol sa nangyari. Sinamantala ko ang pagkakataon... Ang sabi ko papatawarin ko siya at ibibigay rin ang number mo kung tutulungan niya ako 'wag kang makaalis patungong Palawan kasama ng gagong Theo na 'yon." kwento nito.

"Ang sama mo. Bakit hindi mo na lang ako dineretcho? Mas gugustuhin ko pa'ng hindi mo ko pinayagan at least naging honest ka sa akin." sumbat ko.

"Ayoko lang na isipin mong masyado kitang pinaghihigpitan." katwiran nito.

"Pero iyon mismo ang ginagawa mo sa akin. Pinaasa mo ko! Kunwari'y pumayag ka nga pero ang totoo may iba ka palang binabalak." galit kong saad.

"Patawarin mo ko. Pinoprotektahan lang kita. Wala akong tiwala sa nobyo mo kaya ko 'yon nagawa."

"At my expense, Kuya? Bakit ba ayaw mo sa nobyo ko?"

"Because he doesn't deserve you! Isa siyang gangster. Maraming beses na silang nasabak sa mga gulo. Mapapahamak ka lang sa kanya." mariin nitong tugon.

Rescuing His Rebound (Hidden Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon