Chapter 8

3.9K 85 0
                                    


 Ilang minuto din ang lumipas bago siya nakagawa ng bonfire. Tumabi siya sa akin pagkatapos. 

"Can I ask you something?" wika nito.

"Oo naman. Ano ba 'yun?" tiningnan ko siya. Ngunit ang tingin niya ay nakatuon sa bonfire.

"Ano ang nagustuhan mo sa boyfriend mo?"

"Ha?"

 Hindi ko inasahan ang tanong niya. Bakit parang naging interesado siya malaman ang lovelife ko?

"Narinig mo naman. Hindi ko na kailangan ulitin pa." tugon nito sabay sulyap sa akin.

"Hmnn...Ano nga ba?"

"Hindi mo alam?" nakataas ang kilay na tanong nito.

"Teka lang! Nag-iisip pa lang eh." reklamo ko.

"Hindi ko naman tinatanong kung bakit mo siya mahal. Kung 'yon ang tanong ko ay walang specific na sagot do'n. Ang tinatanong ko lang naman sayo ay kung ano ang nagustuhan mo sa kanya." paglilinaw nito.

"Ano naman ang ibig mong sabihin sa walang specific na sagot kung bakit mahal mo ang isang tao?" tanong ko.

"Pambihira ka naman. Huwag mong sagutin ang tanong ng isa pang tanong." reklamo nito sabay kamot ito ng batok.

"Kapag mahal ka ng isang tao, 'wag mong hanapan ng dahilan kung bakit ka niya mahal. Mahal ka kasi iyon  ang nararamdaman ng puso niya hindi dahil iyon ang idinidikta ng isip niya."

 Wow! Sa kanya ba talaga nanggagaling ang mga sinasabi nito?  Hindi ko akalaing may sense din pala siyang kausap. May dual personality yata ang lalaking 'to eh.

"Alam mo ba kung ano ang natutunan ko sa naging karanasan ko?"

"Tell me." I said sarcastically. 

"Iba ang tibok ng puso para sa taong tunay mong minamahal kaysa sa taong pinagnanasaan lang."

"Huh? Ang lalim 'di ko ma-dig." biro ko. Napakaseryoso kasi nito.

 

'Tumitibok ba ang puso para sa taong pinagnanasaan lang?' tanong naman ng kabilang bahagi ng utak ko. Oh well! Kung hindi na tumitibok ang puso malamang ay patay na 'yun. Gusto ko tuloy matawa sa kalokohang naisip ko. 

   

"Hindi ko alam kung maiintindihan mo 'to... Sa kaso naming mga lalaki, kung 'minsan', akala'y mahal na 'yung tao basta naramdamang pumintig ang  nasa ibabang bahagi ng kanilang katawan." paliwanag nito at idiin ang pagkakasabi ng  minsan.

"Ang punto ko lang, iba ang pintig nito kaysa pintig ng nasa ibaba ko." wika nito sabay turo sa dibdib at inginuso ang ibaba niya.

"Bastos ka rin 'no?" namilog ang mga matang wika ko nang matanto ang ibig niyang sabihin.

"Sa dami ng sinabi ko ang huli lang ang naintindihan mo?" natatawang tugon nito.

"Of course not! Alam ko ang punto mo. Pero may mali ka rin sa sinabi mo."

"At ano naman 'yon?" hamon nito.

"Hindi ba kapag mahal mo ang isang tao kahit papaano'y may pagnanasa ka ring nararamdaman sa kanya?"

"That's right."

"Kung gayon, may mga pagkakataon talaga na nauuna ang desire at sa huli na nararamdaman ang love."

"You're probably right. Pero hindi nga dapat gano'n. Ang pakiramdaman dapat ay ang puso muna. Huwag muna pairalin ang init ng katawan. Kasi pwede 'yon magresulta ng hindi maganda."

Rescuing His Rebound (Hidden Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon