Epilogue

8.4K 159 23
                                    

Cheska's POV

Naalimpungatan ako nang marinig ang hagaspas ng hangin mula sa labas. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama. Iniwasang makalikha ng ingay dahil baka magising si AJ short for Alec Jacey Rodriguez, ang tatlong taong gulang naming anak ni Xander. Sumilay ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang mag-ama. Parehong mahimbing ang tulog dahil napagod kanina sa paglangoy sa mababaw na parte ng dagat.

Itinali kong mabuti ang suot kong silk robe bago lumabas sa balcony ng kwartong aming tinutuluyan na nasa ikatlong palapag ng hotel. Naramdaman ko ang pag-ihip ng malamig na hangin. Lumapit ako sa railings at humawak doon. Lumanghap ng sariwang hangin habang inililipad nito ang aking buhok.

Lagpas ala-una pa lang ng madaling-araw kaya madilim pa ang paligid. Dinig na dinig ang paghampas ng alon sa tabing dagat. Bahagya ko itong naaaninag mula sa aking kinaroroonan. Hindi ko akalain na makakabalik ako sa lugar na 'to. Ikalawang araw na namin sa El Nido, Palawan. Sinorpresa ako ni Xander nang sabihin niyang pupunta muli kami ng Palawan para magbakasyon. Bumabawi kasi siya dahil naging abala siya sa kanyang trabaho nitong mga nakaraang buwan.

May palagay akong suhol niya rin ito sa akin dahil nagtatampo ako sa kanya. Ayaw niya kasi akong payagan na bumalik sa pagtatrabaho. Tama na raw na siya na lang ang magtrabaho para sa pamilya namin. Hindi naman pera ang issue. Gusto ko lang naman bumalik sa SFM. Binibigyan kasi ako ng position ni Kuya sa kompanya dahil katwiran niya'y may malaking shares din ako tulad niya. Panahon na raw para tulungan ko siya sa pagpapatakbo ng negosyong pinaghirapang ipundar ni Papa.

Matagal na panahon rin akong hindi nagtrabaho. Mula pa nang ipagbuntis ko si AJ. Ito na siguro ang tamang panahon para balikan ang iniwan kong responsibilidad sa SFM. Maliit man o malaki ang ibigay na position sa akin ay sigurado akong makakaya ko nang gampanan. Lahat naman ng bagay ay natutunan. Kahit naman noong nagtrabaho ako sa hotel ay nahirapan ako sa simula ngunit kalaunan ay nakagamayan ko rin.

Akala siguro nitong luko-luko kong asawa ay hindi ko alam ang pinaplano niya. Balak niya ulit akong buntisin para lang matigil sa bahay. Kaya naman pinagpilitan ko talaga na isama namin si AJ para lang hindi matuloy ang kanyang binabalak. Hindi na ako makakapayag na maisahan pa niya. Kabisado ko na ang mga pailalim niyang galaw.

Napasinghap ako sa gulat nang may yumakap mula sa aking likod.

"What are you doing here? It's too cold outside." tanong niya matapos ipatong ang kanyang ulo sa aking kaliwang balikat.

"Nothing. May iniisip lang ako." sagot ko sabay hawak sa nakapulupot niyang kamay sa aking bewang.

"Ano naman ang iniisip ng asawa ko?" malambing na usisa nito at saka lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Kung paano ka mapapapayag sa gusto ko." sagot ko.

"Iyon ba talaga ang gusto mo?" tanong niya at saka ako kinintalan ng halik sa pisngi.

"Oo naman. Panahon na para tulungan ang kuya ko sa pagpapatakbo ng kompanya. Halos wala na nga siyang oras sa pamilya niya dahil sa naging problema sa SFM. Buti pa nga tayo nakakapagbakasyon ng ganito. Hindi man niya tahasang sinasabi ay alam kong kailangan niya ng tulong. Gusto ko talaga siyang tulungan para na rin kay Papa."

"O sige, kung 'yan ang gusto. Alam mo namang hindi kita matitiis. Your wish is my command." tugon nito.

"Talaga?" tanong ko. Biglang nagliwanag ang aking mga mata.

"Oo. Hindi na naman sanggol si AJ. Kaya na siyang alagaan ng Yaya niya. Pwede na rin natin siyang i-enroll next school year. Ang driver at yaya na ang bahala sa pagsundo sa school, tapos diretso na sila kina Mommy. Nakausap ko na siya. Napakiusapan ko na sa kanila muna si AJ habang nasa trabaho pa ako. Bago umuwi sa bahay ay saka ko na susunduin." paliwanag nito.

Rescuing His Rebound (Hidden Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon