Chapter 41

6.2K 110 5
                                    

Pumasok ako sa kwarto dala ang isang basong mango shake na hiniling niya kanina. Naglilihi na kasi kaya lahat ng gusto niya sinusubukan kong ibigay. Nadatnan ko siyang nakasandal sa headboard ng kama at seryosong nanonood ng pelikula sa TV. Tumabi ako sa kanya sa kama ngunit hindi man lang tumingin sa akin. Kahit nang ibigay ko sa kanya ang mango shake ay hindi rin natinag.

"Thank you." wika nito at agad na isinubo ang bendy straw.

 Napatingin ako sa telebisyon dahil nagtataka ako kung bakit ganoon na lang siya kaseryoso sa pinapanood. Napailing ako dahil sa eksena. Tsk. Cliche scene. Pilit hinahabol ng bidang lalaki sa airport ang bidang babae.

"Bakit napatawag ang kapatid ko?" usisa ko. Pilit na kinukuha ang kanyang atensyon.

"Pupunta raw rito." tipid na sagot nito.

 Iyon lang? Hindi 'yon tatawag kung 'yon lang ang sasabihin. Ang tagal kaya nila nag-usap kanina. Hinawakan ko ang kanyang baba at pinihit ang ulo pakanan.

"Look at me in the eye when I am talking to you. What did she tell you?"

"Pupunta raw rito para samahan ako sa doktor." sagot nito at saka ibinalik ang tingin sa pinapanood.

"Nasabi mo na sa kanila?" tanong ko habang magkasalubong ang kilay. Tumingin siya muli sa akin.

"Hindi. Nahalata yata ni Mama na namumutla ako. Kaya kinausap si Ate Ella na samahan ako sa doktor." tugon niya sabay kibit-balikat.

"Anong sinabi mo sa kanya?"

"Na hindi na kailangan dahil sinamahan mo na ako sa doktor kanina. Tinanong niya kung ano ang findings." sagot niya.

"Ano sinagot mo?" tanong kong muli.

"Ang sabi ko wala pang resulta. Ang alam niya kasi ay nagpa-blood test ako at tatlong araw pa bago pwedeng makuha ang resulta."

"Bakit hindi mo sinabi ang totoo?" nagtatakang tanong ko.

 Ibinigay niya sa akin ang baso nang maubos ang laman. Itinabi ko agad. Ipinatong ko sa side table at muli siyang tiningnan.

"Saka ko na lang sasabihin. Baka sumugod pa silang dalawa ni Kuya rito. Lagot ka talaga."

"Bakit naman ako mananagot?" pagmaang-maangan ko.

"W-wala." pag-iwas nito. Itinuon muli ang atensyon sa pinapanood .

 Sumandal na rin ako sa headboard ng kama at inihilig ko ang kanyang ulo sa aking balikat. Kahit saktan pa ako ni Nico ay balewala sa akin. Masaya ako at hinding-hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko.

 Napangiti ako sa eksena ng pelikula. Ikinakasal na ang mga bida. Umaayon talaga sa akin ang pagkakataon sa akin.

"Pwede ba kitang tanungin?" tanong ko.

"Sure." tipid niyang sagot.

"Saan tayo ikinasal?"

 Napansin kong nanigas ang kanyang katawan. Mukhang hindi niya inasahan ang tanong ko.

"S-sa civil lang tayo ikinasal." tugon niya.

 Hindi ko akalain na 'yon ang isasagot niya. Inaasahan ko na naman na magsisinungaling siya pero akala ko'y isang simbahan ang maiisipan niyang sabihin. Pero nagpapasalamat na rin ako dahil mas madali ko siyang maaalok.

"Pakasal tayo ulit." aya ko.

 Napatuwid siya ng upo at gulat na napatingin sa akin.

"This time, church wedding o kaya naman garden wedding. Pwede ring beach wedding. Kung ano ang gusto mo." pangungumbinsi ko.

Rescuing His Rebound (Hidden Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon