Pareho kaming napalingon sa pinagmulan ng boses. Nakasuot ito ng puting robe at may nakasabit na tuwalya sa kanyang balikat. Sumalakay ang kaba sa aking dibdib. Think! Xander! Think!
"What do I need to know?" kunot-noong tanong nito. Pinagsalikop niya ang kanyang mga braso.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Jeremy.
"Kasi a-ano...hmnn...g-gusto kasi niyang i-itago--"
I glared at my friend. Sending him a message to be careful with his answer. Tiyak na magagalit si Cheska sa akin kapag nalaman niya ang balak ko. Kaya naman hangga't maaari ayokong malaman niya.
"Ang alin?" tanong nito.
"I-itong libro." sagot ni Jeremy sabay taas ng librong hawak.
Great! Thank you, Jer!
"Oo! Tama! 'Di ba itinapon ko 'yan dahil 'di nakakabuti sayo pagbabasa niyan. Naisip kong itago na lang at 'wag na ibalik sa'yo." segunda ko.
"Don't you dare, Alexander Ivan. Regalo 'yan sa akin. At kahit magkaaway pa kami ay hindi ko gugustuhing itapon. Hindi ko pa nga natatapos basahin 'yan. Akin na nga!" sabay hablot ng libro mula kay Jeremy.
"O, ibalik mo rito at itatabi natin." wika ni Jeremy sabay abot ng paper bag sa kanya. Kinindatan niya ito at pagkatapos ay tumingin sa akin.
"Thank you." I mouthed. Akala ko'y ipagkakanulo na niya ako.
"Let's go?" aya ni Cheska sa kaibigan ko.
"Tara." sang-ayon naman ni Jeremy sabay tayo.
"Are you sure you don't wanna join us?" baling ni Cheska sa akin.
"No. Go ahead. Don't mind me. I still need to make some calls and check emails. Dito na lang ako at panonoorin ko na lang kayo."
"Okay. Let's swim na, Kuya Jeri." wika nito sa kaibigan ko.
Hinubad niya ang kanyang robe at nagulat na lang ako nang hinagis niya ito sa akin kasama ang tuwalya. Para itong bata nang lumusong sa tubig. Kasunod no'n ay hinubad naman ni Jeremy ang kanyang t-shirt at lumusong na rin sa tubig. Inilapag ko ang hinubad niyang robe sa counter at ipinatong ang tuwalya roon.
Hinugot ko ang cellphone sa bulsa ng aking pantalon at tinawagan ang numero ng cellphone ni Nico. Pinagmamasdan ko ang dalawa habang nag-riring na ang kabilang linya. Ang saya nila habang nagsasabuyan ng tubig sa isa't isa. Bakas sa mukha ni Cheska ang kasiyahan na parang wala man lang nangyari kanina. Hindi ba niya iniinda ang nangyari sa kanila ng boyfriend niya? Pansin kong tuwing nakakakita siya ng tubig ay nakakalimutan niya bigla ang kanyang problema. Katulad na lang nung nasa Batangas kami. She loves water and she really loves to swim.
I dialed Nico's number for the second time because he's not answering my call. Tiningnan ko ang suot kong relo. Sigurado akong nakauwi na iyon galing sa kanyang office. Pero bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko? Ano na naman kayang ginagawa nito? Nagpapatulog ng bata? Nakikipaglaro sa kanyang panganay? O nakikipaglambingan sa kanyang asawa?
"Nico, pick up the phone." inis kong bulong.
Ibinaba ko ang tawag pagkatapos ng ilang ring. Akma kong tatawagan ang landline number sa kanilang bahay ngunit natigilan ako nang mamataan ko ang isang babae na kakapasok lang ng bahay. Matangkad, morena at balingkinitan ang katawan nito. Suot niya ay jeans na hapit na hapit sa kanyang binti at red top spaghetti strap na maluwang sa bandang ibaba. Lalo itong tumangkad sa soot nitong pulang stilletos
"Holy Shit!" bulaslas ko nang makilala kung sino ito.
Napatingin ako kina Jeremy at nataranta ako nang makitang masayang nakapasan sa likod niya si Cheska. Damn! Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Kung magalit ba sa kanya o bigyan siya nang babala. Tiningnan ko ulit ang kanyang bisita. Kausap na nito ang kasambahay. Pinili ko ang huli. Mas importante 'yon kaysa sa nararamdaman kong selos.
BINABASA MO ANG
Rescuing His Rebound (Hidden Desire)
RomanceHe doesn't have any idea why his girlfriend left him. They've been a couple for six years already. But when he finally decided to propose to her on his birthday he found out that she's gone. He kept looking for her, but she was nowhere to be found...