Xander's POV
Makikipagkita ako ngayon kay Nico sa isang coffee shop. Nang tawagan ko siya kanina sa kanyang opisina ay iba ang sumagot kaya naman napagpasyahan kong tawagan na lang siya sa kanyang cellphone. Nang sabihin kong papunta ako sa SFM, ang kompanya nila Nico ay mariin siyang tumutol. Noong una ay inakala kong galit siya sa akin kaya ayaw niyang pumunta ako roon. Nakahinga lang ako ng maluwag nang sabihin niyang magkita na lang kami sa coffee shop na malapit sa building ng kanilang kompanya. Nagtataka man ay sumang-ayon na rin ako. Kailangan ko talaga siya makausap tungkol sa nangyari kahapon. Ayokong magkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan. I was so embarassed with what I did to his sister. Hindi ako magtataka kung galit nga siya sa akin dahil kahit ako'y magagalit rin kung may bumastos o gumawa ng hindi maganda sa kapatid ko. I don't remember everything that I've said and done because I was so drunk but that's not an excuse. I owe him an apology and most especially her sister, Francheska.
Pagkadating ko sa coffee shop ay naghanap ako ng parking lot at ipinarada ang dala kong kotse. Nagmamadaling akong pumasok sa loob at agad na hinanap ng aking mga mata si Nico. Halos puno na sa loob. Hindi ko agad siya makita dahil sa dami ng tao.
"Xan! Over here!" narinig kong tawag niya.
Lumingon ako at nakita siyang kumakaway. Naglakad ako patungo sa mesang inokupa niya. Pagkalapit ko'y tumayo agad siya sa kanyang kinauupuan.
"Sorry. I'm late." I said. And we did our brotherly hug.
"It's okay. You're just few minutes late. Have a sit." wika nito bago umupong muli. Hinila ako ang upuan sa tapat nito.
"Pasensiya ka na at mukhang naabala kita." paghingi ko ng paumanhin habang pinagmamasdan siya. Abala siya sa pagtipa ng kanyang laptop.
"Oh! I'm sorry." tugon nito pagkatapos ay isinara ang laptop niya.
"I'm not that busy. That was nothing." dagdag pa nito nang tiningnan ko ang laptop niya bago ibinalik ang tingin sa kanya.
"So, kumusta ang hangover?" he teased.
"It sucks."
Napakamot ako ng batok dahil sa hiya. He saw me at my most vulnerable state.
"Then, you need coffee." he chuckled. Sumenyas siya sa waiter at nag-order ng dalawa.
"Bakit iba ang sumagot nang tawagan kita sa private line mo?" usisa ko.
Natigilan ito. Bakit parang may tinatago siya? But I dismissed that thought right away.
"Ah...eh...I'll tell you some other time. Please, 'wag mo muna banggitin ito sa asawa ko."
"Is there a problem?" nag-aalalang tanong ko.
"There's nothing to worry about." may pilyong ngiting saad nito.
"Are you cheating on her?" galit na tanong ko.
"Of course not! I love your sister so much. I will never do that. Trust me, bro. It's not what you think it is."
"Okay. I'll trust you. But I'm telling you, Don't you even think of hurting my sister or else... I'll Kill You!"
"I'll keep that in mind." natatawang sagot nito. Sakto namang dumating ang waiter. Inilapag niya ang dalawang kape sa table namin at pagkatapos ay umalis din kaagad. Humigop muna ako ng kape. Lumipas ang ilang sandaling katahimikan bago muling nagsalita si Nico.
"Speak up, Xan. I heard from my wife that you're broken. What happened?"
"I don't wanna talk about it." iwas ko sa tanong nito. Kumunot kanyang noo.
BINABASA MO ANG
Rescuing His Rebound (Hidden Desire)
RomanceHe doesn't have any idea why his girlfriend left him. They've been a couple for six years already. But when he finally decided to propose to her on his birthday he found out that she's gone. He kept looking for her, but she was nowhere to be found...