Chapter 20

3.7K 67 0
                                    

Xander's POV

"Ba't nga pala kayo magkasama? Ano'ng nangyayari?" nagtatakang tanong ni Nico.

 Tiningnan ako ni Cheska. Bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala. Naawa ako kaya ako na ang sumagot sa tanong ni Nico.

"A-ano kasi, pinuntahan ko siya para isauli 'yung mga naiwan niyang gamit sa Batangas. Tapos, nabanggit niya na pupunta raw siya sa inyo. So, I took the liberty of bringing her to your place." paliwanag ko sabay sulyap kay Cheska.

 Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Nagbago na rin ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tila panatag na ito kumpara kanina na sobrang putla dahil sa pag-aalala.

"Gano'n ba? Kung gayon ay kumain na muna kayo. Mukhang 'di pa kayo naghahapunan. Teka lang magpapahanda ako ng makakain. Take a seat." sabay turo sa sofa.

 Bago pa man kami makasagot ay nakaalis na ito. Tumungo ito sa kusina.

"Thank you." baling sa akin ni Cheska nang mawala si Nico sa kanyang paningin.

 Hindi ko siya sinagot. Tinitigan ko lang siya sa mata. Hindi niya alam ang totoong motibo ko kung bakit ko siya pinagtakpan. Ayokong malaman niya na balak kong kausapin ang kanyang kapatid dahil siguradong hindi niya naman maiintindihan ang mga rason ko.

"Hindi mo ba pupuntahan sa itaas ang mga pamangkin mo?" tanong ko nang nagtungo ito sa sala para umupo sa sofa.

 Nagsalubong ang kanyang mga kilay na para bang nagtataka sa sinabi ko. Nababasa ba niya ang nasa isip ko? Para kasing nangangamba siya na iwan ako dahil may posibilidad na magkasarilinan kami ng kanyang kapatid. Bilib din naman ako sa pagkasegurista niya.

"Have it your way." balewalang wika ko sabay kibit ng balikat.

"Punta lang ako sa kusina." paalam ko bago tumalikod. 

"H-ha? B-bakit?" napatayo siya mula sa kanyang kinauupuan.

"Kukuha ako ng tubig. I'm thirsty. W-wanna come?" inis kong sagot.

 Sinadya kong ipakita ang pagkairita dahil sa kanyang pagka-paranoid. And I'm proud of myself because I was able to convince her that I'm starting to lose my patience.

"N-no." wika nito sabay iling.

"P-puntahan ko lang sina Ate Ella sa itaas." dagdag nito. Ngunit bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aatubili. Halatang napipilitan lang.

 Tango lang ang naging tugon ko. Tumalikod ako para itago ang ngiting sumilay sa aking mga labi. God job Alexander!, sabi ng utak ko. At pagkatapos ay nagsimula na akong maglakad patungong kusina. Hindi ko na nilingon si Cheska at baka pa makahalata.

 Sa kusina ay nadatnan kong naglilinis ng mga bote ng sanggol si Nico sa may sink.

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan?" tanong ko habang kumukuha ako ng baso mula sa cupboard. Napalingon siya sa akin.

"Inutusan ko ang mga kasambahay na ipagluto kayo ng hapunan. Kaya naman inako ko na ang paglilinis ng mga 'to." sagot nito.

"Ulirang ama, huh?" tukso ko habang nagsasalin ng tubig sa baso mula sa water dispenser. Ngumisi ako nang tinapunan niya ulit ako ng tingin.

"Mararanasan mo rin 'to at ikaw naman ang pagtatawanan ko kapag dumating ang araw na iyon." tugon nito sabay tawa nang marahan.

"Never."

"Tingnan natin. Nasaan nga pala ang kapatid ko?" nagtatakang tanong nito nang matapos sa kanyang ginagawa.

"Pinuntahan ang mag-ina mo."  sagot ko pagkatapos uminom.

Rescuing His Rebound (Hidden Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon