Chapter 34

3.9K 72 4
                                    

Habang papalapit sa altar ay pabilis ng pabilis ang tibok ng aking puso. Pakiramdam ko ang bagal ng takbo ng oras. Para bang ang haba ng aming  nilalakaran at hindi kami nakakarating.

  Nang makalapit na sa kinaroroonan ni Xander at Kuya, na tumatayong best man ay humalik muna ako sa pisngi ng aking mga magulang. Humalik rin siya sa pisngi ni Mama.

"Ingatan mo ang anak ko, hijo." narinig kong bilin ni Mama sa kanya.

"Makakaasa po kayo, Ma." tugon niya.  Pagkatapos ay bumaling kay Papa at saka ito kinamayan.

"Mahalin mo ang bunso ko. Huwag na huwag mo siyang sasaktan." wika ni Papa.

"Opo, Pa." sagot nito bago kinuha ang aking kamay at inilalayan patungo sa dalawang upuan sa harap ng altar.

 Nang makapwesto na kami ay inayos ni Ate Ella ang mahabang laylayan ng aking wedding gown. Siya kasi ang tumayong matron of honor.

"You look gorgeous." pasimpleng bulong ni Xander sa akin.

"So are you." nakangiting tugon ko sa kabila ng kabang nararamdaman.

 Nang mag-umpisa ang seremonyas ay lalo akong sinalakay ng kaba. Hindi ko talaga maintindihan. Imbis na pagkasabik ay kaba ang aking nararamdaman.

"Breathe, Fran, Breathe." bulong nito. Marahil ay napansin niya ang panginginig ko.Saglit ko siyang sinulyapan. Pilit man niyang itago ay kita sa mukha niya ang pag-aalala.

 Parang hindi ako makahinga nang tinanong ng pari kung may tututol sa kasal. Lumipas ang ilang sandali na walang nagsalita. Nakahinga ako ng maluwag. Akmang ipagpapatuloy ng pari ang seremonyas ng kasal nang may sumigaw mula sa aming likuran.  Kasunod no'n ay ang bulung-bulungan. Hindi! Guni-guni lang 'yon! Sigaw ng utak ko.

"Alexander! 'Wag mong gawin 'to." pakiusap ng isang pamilyar na tinig. Hindi ako pwedeng magkamali. Tinig 'yon ni Leanne. 

 Nilingon ko si Xander sa aking tabi. Umaasang imahinasyon ko lang ang nangyayari. Ngunit parang nagising ako mula sa napakagandang panaginip nang makita siyang namumutla habang nakatingin sa likod. Dahan-dahan akong pumihit patalikod para kumpirmahin ang nagsusumigaw na katotohanan. Malungkot na nakatingin si Leanne sa kanya. Napatingin ako kay Xander. Nagsalubong ang kanyang kilay. Para siyang hinihingal sa bilis ng pagtaas at baba ng kanyang balikat.

"Alexander, Please! Don't do this. Itutuloy mo pa rin ba 'to sa kabila ng paliwanag ko?" naiiyak na pagmamakaawa nito.

 Teka, ibig bang sabihin no'n ay nagkita na sila? Hindi man lang niya ipinaalam sa akin? Tumingin ako kay Xander. Sinalubong niya ang aking nanunumbat na tingin. Ngunit umiwas agad siya at tiningnan muli si Leanne.

"Wala naman akong balak na iwan ka ng tuluyan. Natakot lang naman ako na 'di mo matanggap ang posibilidad na 'di--"

 Nagulat ang lahat nang bigla na lang niya akong iniwan. Lalong umalingawngaw ang bulung-bulungan. Sinundan namin siya ng tingin. Tumakbo siya patungo sa sliding door na nasa gilid ng simbahan. Tumakbo rin palabas si Leanne  para sundan si Xander ngunit sa main door niya piniling lumabas.

 Napanganga ako nang unti-unting nagsi-sink-in sa akin ang mga pangyayari. Hindi ko sukat akalain na magagawa niya akong iwan sa harap ng maraming tao. Napatingin ako sa mga taong dumalo sa aming naudlot na kasal. Halos lahat ay nakatitig sa akin. Parang nagsisikip ang aking dibdib sa mga tingin nilang hindi ko sigurado kung simpatiya o awa ang ipinapahiwatig.

 Nangilid ang luha sa mga mata ko nang dumako ang aking tingin sa mga magulang ko. Gulat ang rumehistro sa mukha ni Papa. Pakiramdam ko'y dinudurog ang puso ko nang makita si Mama. Bumalatay ang sakit sa kanyang mukha tanda na nasasaktan siya para sa akin.

Rescuing His Rebound (Hidden Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon