Chapter 32

3.6K 66 0
                                    

"It's all set." wala sa loob na saad ko matapos lagyan ng check ang listahan ng mga kailangan sa aming nalalapit na kasal. May wedding coordinator kami na nag-aayos ng lahat pero may sarili akong checklist para masigurong walang nakaligtaan. Besides, I wanna be personally involve for preparations of my upcoming wedding. Naipadala na lahat ng invitations sa list of guest. Okay na rin ang church, venue ng reception, wedding dress, our rings, flowers, cake, giveaways, photoboot, at iba pang maliliit na detalye. Nai-book na rin ang hotel kung saan kami tutuloy after the reception.

 Sumandal ako sa upuan na nasa harap ng aking vanity mirror. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Tila may lungkot sa aking mga mata. Pilit ko nga lang bang tinatago at tinatanggi na may problema? Cold feet? Definitely not. Baka si Xander ang nakakaramdam no'n. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko ang kanyang pagkabalisa. Madalas ay tulala habang kausap. Kapag tinatanong ko kung may problema siya ay wala naman raw.

 Umayos ako ng upo nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin sa screen ay nagtaka ako nang makitang unregistered ang numero. Ibig sabihin wala ito sa list of contacts ko.

"Hello?" sagot ko.

"Hi. Si Cheska ba 'to?" tanong nito.

 Nagsalubong ang aking kilay nang boses ng babae ang sumagot sa kabilang linya. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong sinalakay ng kaba.

"A-ako nga. Sino 'to?"

"Ako ang girlfriend ni Alexander. Si Leanne. Gusto sana kita makausap. Pwede ba tayo makita?"

 Napahawak ako sa aking dibdib dahil lalong timindi ang kaba ko. Pakiramdam ko'y may bombang sumabog malapit sa akin. Ito ba ang dahilan kung bakit parang may lungkot akong nararamdaman? Is it woman's instinct? Bakit kung kailan malapit na ang kasal namin ni Xander ay saka naman ito nagparamdam?

"Hello? Are you still there?" tanong nito.

"P-pasensiya na. Hindi ako basta basta pwedeng makipagkita sa kahit na kanino. Muntik na kasi akong mapahamak. M-masyadong komplikado para ipaliwanag ko pa sa iyo sa telepono. Anyway, where did you get number?"

"Kay Jeremy. Hindi ba talaga pwede? Kahit saglit lang. Importante lang talaga." pangungulit nito.

 Sa kanya? Of all people? Bakit niya ginawa 'yon? Anong gusto niyang mangyari? 

"S-sige. Kung papayag si Kuya Jeremy ay sa bahay na lang niya tayo magkita para makasigurong walang masamang mangyayari sa akin. Na-trauma na kasi ako sa mga pinagdaanan ko kaya pasensya na kung paranoid ako." tugon ko.

 Nagdadalawang-isip man ay pumayag na ako. Hindi naman kasi ako mapapalagay hangga't hindi nalalaman kung ano ang pakay niya. Mabuti nang harapin siya hangga't maaga. Bukod do'n ay gusto makausap si Kuya Jeremy. Gusto kong maintindihan kung bakit niya 'yon ginawa. Lagot talaga siya sa akin.

"Naiintindihan ko. Kakausapin ko si Jeremy. Pwede ka ba mamayang hapon?"

"Sige. Text mo sa akin kung anong oras." sagot ko bago ibinaba ang tawag.

                        -----

Alas kwatro ng hapon ang usapan namin ni Leanne. Pagbukas ng gate ay ipinasok ko kaagad ang dala kong kotse na ipinahiram ni Papa. Paglabas ko pa lang ng sasakyan ay bumukas na ang pinto ng bahay. Lumabas mula sa loob si Kuya Jeremy.

"How could you do this to me? I thought you were my friend." inis kong sumbat sa kanya habang papalapit siya sa akin.

"Pasensya ka na. Kinulit kasi ako. 'Wag ka naman magalit sa akin, Che. Please." tugon nito.  

Rescuing His Rebound (Hidden Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon