Chapter 39

4.8K 81 3
                                    

Naramdaman ko ang mariin na pagdampi ng kanyang labi sa aking panga. Lalong bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa matinding kaba. Inaamin ko, unti-unti na akong na-aapektuhan sa ginagawa niya.

"Xander, please..." pakiusap ko nang magpatuloy ang paglakbay ng kanyang halik.

"Please what?" bulong nito. May kakaiba ring epekto ang pagdampi ng  mainit niyang hininga sa aking tenga.

"Stop." tugon ko ngunit kulang sa diin. 

"Bakit? Dahil hindi kita maalala? Mababago ba no'n ang katotohanang asawa kita?" tanong nito habang inaamoy ang likod ng aking tenga.

 Paano ko ba mapasusubalian 'yon? Paniwalang-paniwala talaga siya na mag-asawa kami. Ngayon ko pinagsisisihan ang kasinungalingang ginawa ko.

"Hihintayin muna ba nating bumalik ang alaala ko bago tayo muling magsiping?" dagdag nito.

"K-kasi—"

"Hindi ka man maalala nitong isip ko sigurado naman akong naaalala ka nitong katawan ko. Makita lang kita ay may kakaiba na akong nararamdaman. Bawat galaw mo ay kakaiba ang epekto sa akin. Makatabi lang kita ng ganito ay nag-iinit na ang katawan ko." wika nito na punong-puno ng pagnanasa.

"Bastos." bulong ko sa aking sarili.

"Masisisi mo ba ako na maganda, sexy at makinis ang asawa ko?" panunukso nito. 

 Shit. Mukhang narinig niya ang sinabi ko.

 Nahigit ko ang aking hininga nang pumaloob ang kanyang kamay sa suot kong pajama top. Naramdaman ko ang pagdantay ng kamay niya sa aking  tiyan.

You know what happened next...


[A/N: There are deleted parts in here. As usual, the uncut version was posted on BS Chapters. ;) ]


Paggising ko ay wala na si Xander sa aking tabi. Bumangon ako kaagad at nagmamadaling pinulot ang mga damit kong nagkalat sa kung saan. Isa-isa kong isinuot ang mga ito at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng kwarto.

"Xander? Xander?" malakas kong tawag habang pababa ng hagdan.

 Nataranta ako. Natatakot akong malaman na umalis siya pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi.

"I'm here in the kitchen." sigaw nito.

 Nakahinga ako nang maluwang. Tumakbo ako papuntang kusina. Nadatnan ko siya na nasa harap ng kalan. May hawak siyang siyanse at mukhang nagluluto ng almusal. Pinagmasdan ko ang bawat kilos niya. Tila alam na alam niya ang kanyang ginagawa. Hindi man lang nangangapa. Alam kung saan kukunin ang kailangan. Minsan tuloy nagdududa ako kung may amnesia nga ba talaga siya.

 Tumikhim ako kaya napalingon siya sa akin.

"Hey! Good Morning." nakangiting bati nito.

"Akin na nga 'yan. Ako na ang magluluto. Dapat ay ginising mo ko." sa halip ay saad ko habang sinusubukang agawin ang siyanse sa kanya.

"I got this. Okay?" Maupo ka na lang d'yan at matatapos na 'to." utos nito at bahagya akong itinulak patungo sa mesa. Pagkatapos ay ibinalik ang atensyon sa niluluto. Naupo ako sa harap ng mesa at patuloy na pinagmasdan ang lahat ng kanyang kilos.

"Gusto kita ipagluto ng breakfast dahil pinagod kita kagabi. Tiyak na kumakalam na sikmura mo." saad nito. Lumingon siya sa akin at saka ako kinindatan.

 Nagsalubong ang kilay ko. Kung kumilos ito ay parang natural. Tulad ng dating Xander. 'Yung Xander na walang amnesia. Kung kumilos kasi siya ay parang sanay na sanay na sa kusina. Pero sabagay, natural lang na sanay siya rito dahil kanila itong bahay. At base sa pagkakaalam ko, naaalala niya ang kanyang nakaraan maliban sa ano mang bagay na may kaugnay sa akin. Minsan tinatanong ko sa aking sarili kung gaano ko ba siya nasaktan para itanggi ng utak niya na maalala ako at ang aming nakaraan. Minsan tuloy ay hindi ko maiwasang masaktan.

Rescuing His Rebound (Hidden Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon