Chapter 38

4.8K 87 7
                                    

Parang nabunutan kami ng tinik nang sabihin ng doctor na stable na ang vital signs ni Xander. Ayon sa doctor ay hindi pa rin ito ligtas. Kailangan ang constant monitor dahil comatose ito. Panay ang dasal namin na sana'y maging maayos ang kalagayan niya at magising na. Tuwina ay napapansin kong tahimik na pinagdarasal ito ng kanyang ina. Walang sino man sa amin ang umuwi. Lahat kami ay nagbantay kasama si Leanne at Kuya Jeremy.

 Kinabukasan ay nagising ako sa marahang pagtapik sa aking balikat.

"Gusto mo bang umuwi na muna sa atin? Ihahatid kita." tanong ni Kuya.

"No. I wanna stay." tanggi ko sa namamalat pang boses.

"Pero kailangan mong magpahinga."

"I'm fine, Kuya." tugon ko.

Marahan siyang tumango at muling naupo sa tabi ng kanyang asawa. Napaangat ako ng tingin nang may nag-abot sa akin ng kape. It's Kuya Jeremy. May dala-dalang kape para sa lahat na tingin ko'y binili niya sa labas.

"Thanks." wika ko sabay kuha nito.

"Here. Bumili rin ako ng tinapay. Sigurado akong pare-pareho na tayong gutom. Kagabi pa tayo 'di kumakain."

 Umiling ako dahil hindi ko maramdaman ang gutom.

"Kailangan mong kumain. Baka ikaw naman ang magkasakit." saad nito.

  Kumuha siya sa supot at nilagay sa aking kamay. Kaya naman kahit wala akong gana ay pinilit kong kumain. Kung hindi ako kakain baka bumigay na rin ang aking katawan. 

 Nang may papasok na nurse ay nakiusap ako kung maaaring makita ang pasyente kahit saglit lang. Natuwa ako nang pumayag ito. Tatawagan na lang ako kapag pwede na akong pumasok. Lumipas ang kinse minutos ay doon pa lang ako tinawag ng nurse. Pagpasok ko ay parang gusto kong maiyak nang makita siya. Ang daming nakakabit sa kanyang katawan at may benda ang kanyang ulo at braso. May mga pasa rin siya sa mukha at ilang sugat sa kanyang kamay. Marahan kong idinantay ang aking kamay sa kanyang mukha.

"Xander, ako 'to, si Francheska. Alam ko naririnig mo. Patawarin mo ko. Please, gumising ka na.  Pakakasalan mo pa ako 'di ba? Mahal na mahal kita. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka." naiiyak kong wika.

 Umasa akong magre-respond siya. Kahit konting galaw lang ng daliri tulad ng mga napapanood ko sa mga drama sa TV. Ngunit nabigo ako. Tila natutulog lang siya nang napakahimbing na kahit anong gising mo'y wala pa ring epekto.

"Ang daya mo talaga, Xander. Iniwan mo na nga ako sa harap ng altar. Iiwan mo pa rin ba ako pagkatapos ng nangyari sa atin? Alam mo ba kung bakit hindi ako nakasagot nang tanungin mo ko kung balewala ba sa akin kung magbunga ang nangyari sa atin? Napagtanto ko kasi na hinding hindi ko kayang pagkaitan ng ama ang magiging anak ko kung sakali. Ayokong dumating ang araw na tatanungin niya ako kung bakit hindi kami magkasama ng ama niya. Ayokong sumbatan niya ako dahil hindi buo ang pamilya niya. Kung iiwan mo ko, paano na ako kung may mabuong baby sa tiyan ko? Sino ang tatawagin niyang Daddy? Kailangan kita, Xander. Kahit walang baby kailangan pa rin kita sa buhay ko. Please don't leave me. I'm begging you." humihikbing saad ko.

"Pasensya na po. Kailangan n'yo na pong lumabas." saad ng nurse pagbalik nito.

 Tumango ako. Yumuko ako at itinapat ang aking labi sa kanyang tenga.

"I love you so much." bulong ko. Pagkatapos ay marahan ko siyang dinampihan ng halik sa pisngi bago lumabas.

                        --------

Nang dumating ang kaarawan ng bunso nila Kuya at Ate Ella ay  kaming dalawa lang ni Kuya Jeremy ang nasa hospital at nagbantay kay Xander. Noong una ay gusto na nilang i-cancel ang party dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Hindi raw tama na may kasiyahan habang hindi pa rin nagigising si Xander. Ngunit ang kinumbinsi ko silang ituloy na lang ang party tutal ay gumastos na rin lang sila. Bukod do'n ay natitiyak kong hindi gugustuhin ni Xander na hindi matuloy ang pagdiriwang ng unang kaarawan ng kanyang pamangkin nang dahil sa kanya. Ang mga magulang naman nila ay ayaw rin iwan ang kanilang anak sa hospital. Kinumbinsi ko silang dumalo kahit saglit lang at kami nang bahala ni Kuya Jeremy habang wala sila. Idagdag pang babalik si Leanne sa hospital pagkatapos makabawi ng tulog.

Rescuing His Rebound (Hidden Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon