Chapter 27

3.3K 64 0
                                    

 Nasa isang kainan na kami at nakapag-order na siya ngunit hindi pa rin niya ako iniimik. Tahimik lang kaming kumain. At nang mag-island hopping kami ay hindi ko masyado na appreciate ang recreational activities kahit gaano pa kaganda ang paligid. Paano naman ako mag-e-enjoy kung hindi maipinta ang mukha ni Xander. Nakuhanan ko pa ng litrato ang pagmumukmok niya. Nawala tuloy ako sa mood. 

 Pagbalik mula sa island hopping ay hindi siya sumabay sa akin pabalik sa hotel. Hinayaan ko siya. Kung gusto niya mapag-isa ay ibibigay ko 'yon sa kanya. Ngunit nang gumabi na'y hindi pa rin niya ako pinupuntahan ay hindi na ako mapakali. Paroo't parito ako. 

 Madaming tumatakbo sa utak ko. Baka sumama nga siya sa Monique na 'yon at kinalimutan niya na may naghihintay sa kanya. Hindi ba niya naisip na nagugutom na ako? Pwes! Bahala siya. Kakain ako mag-isa. 

 Kinuha ko ang purse ko at nagpasiyang maghanap ng makakainan. Malayo pa lang ay nahagip na ng aking paningin si Xander sa isang bar. Open ang lugar. Elevated at yari sa kahoy ang mga mesa at upuan. Naglakad ako palapit roon. Nahinto ako nang mapansing may mga kasama ito. Hindi ako nagkamali. Ang magaling, tinotoo nga ang sinabi. Kasama nga niya si Monique at ang tingin ko'y mga kaibigan nito.

"Hi. Is there anything that I can do?"

 Napalingon ako sa nagsalita. Isang may kataasan na lalaki. At dahil medyo madilim sa kinaroroon namin ay hindi ko masyado maaninag ang kanyang mukha. Tanging malalamlam na ilaw sa mga 'di kalayuang establishments ang nagbibigay liwanag sa nagsisilbing daan.

"I wanna go there but I don't wanna drink." matabang kong sagot sabay turo kung nasaan si Xander. Hind na ako nag-abalang lingunin siya mula sa aking likuran.

"That's a resto bar. You could eat dinner instead. Would you like me accompany you?" alok nito.

"Hindi ako nakikipag-usap sa hindi ko kilala." wala sa loob kong sagot.

 Tumawa ito ng marahan. Kaya naman nalingon ako sa kanya.

"Too late, gorgeous. Nakipag-usap ka na sa akin." pamimilosopo nito.

"Alam mong hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Hindi ako sumasama sa taong hindi ko kilala." pagtatama ko.

"Well, magpapakilala ako. Ako si Rylee but you can call Lee. Tubong Palawan. And you are?"

"Mae. Isang turista." Ginaya ko si Xander sa pagbibigay niya ikalawa niyang pangalan. Mahirap na ang magtiwala.

"Pleased to meet you Mae. It's nice to have someone like you here in El Nido. I hope you're enjoying your stay here."

"Of course." tugon ko.

"Tara sasamahan kita doon. Tiyak na magugustuhan mo ang pagkain at ang lugar."

"I doubt it." bulong ko.

"Why did you say so?" nagtatakang tanong nito. Ang talas naman ng pandinig ng lalaking ito.

"N-nothing. Forget what I said."

"You'll change your mind, lalo na kapag natikman mo ang pagkain nila. Tara." hinawakan niya kamay ko at hinila papunta sa resto bar.

"Close tayo?" saad ko sabay taas ng kilay. Tawa lang ang isinagot niya sa akin. 

 Wala na akong nagawa kundi magpatianod. Inakyat namin ang apat na baitang na hagdan. Iniwas ko ang tingin sa kinaroroonan nina Xander. Tiyak na nakita niya ako dahil bagama't nasa sulok ang mesa nila ay katapat ang hagdanan. Mula roon ay kitang kitang ang mga pumapasok.

 Ipinanghila ako ng upuan ni Rylee matapos bitawan ang aking kamay. Pinili niya ang mesa na malapit sa bar counter. Tinawag niya ang waiter bago umupo sa tapat ko. Paglapit ng waiter ay agad na sinabi ang mga order. Great! Hindi man lang ako tinanong kung ano ang gusto ko. 

Rescuing His Rebound (Hidden Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon