Sinubukan kong paandarin muli ang kotse ngunit ayaw pa rin umandar. Lumabas ako ng sasakyan at dahil sa inis ay sinipa ko ang gulong nito. Gusto kong humiyaw sa sobrang inis. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang back bag at isinukbit sa aking balikat. Pagkatapos ay ang maleta naman ang kinuha ko mula sa passenger seat. Hinugot ko ang susi at pabagsak na isinara ng pinto. Sinimulan ko nang hilain ang maleta ko sa mabatong daan. Buti na lang at hindi pa ako nakakalayo bago ito tumirik.
"Ano ba naman klaseng sasakyan meron siya. Susyal nga. Tumitirik naman. Kainis!" bulong ko sa sarili habang nahihirapan sa paghila ng maleta pabalik sa bahay.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakarating. Ipinasok ko muli ang aking mga dala at umakyat sa itaas. Malakas na kumatok sa pinto ng kanyang kwarto.
"Oh? Ba't nandito ka pa?"
Atat lang na makaalis ako?
Sa inis ko ay hinagis ko sa kanya ang susi ng sasakyan. Ang nakakainis pa lalo ay nasalo niya ito. Sana man lang ay makaganti ako sa kanya. Akala ko'y masasaktan ko siya.
"Tumirik ang sasakyan mo. Bumili ka ng posporo at sunugin mo na. Walang kwenta!"
"What?! A-ano ginawa mo sa kotse ko? Marunong ka ba talaga magmaneho?"
"Wag mo nga ako sisihin! Sa init ng ulo ko'y kahit na matanda ka pa sa akin ay kaya kitang saktan! Kasalanan ko ba'ng ako ang huling gumamit nang itirik ako ng bulok mong sasakyan?"
"I never thought you have a bad temper."
"And never thought you are an asshole. Kaya ka siguro iniwan ng girlfriend mo." bwelta ko.
Nagulat ako nang hawakan niya ako sa magkabilang braso.
"Bawiin mo ang sinabi mo!" niyugyog niya ako.
"I-I'm sorry. I didn't mean to..." binitawan niya ako.
"Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako sa galit." mahina kong wika.
"Sumunod ka sa akin." utos nito pagkatapos ay bumaba na siya.
Wala akong imik habang sumusunod sa kanya. Pinagmamasdan ko lang siya. Hindi tulad kanina ay may suot na siyang t-shirt at sweatpants. Nakakunot ang noo. Marahil ay galit pa rin siya sa nasabi ko.
Pagdating sa sasakyan ay pumasok ito at sinubukang paandarin ito ngunit ayaw talagang umandar.
"Kailangan natin itong ibalik sa sa bahay. Itulak mo."
"What?! Pagtutulakin mo ko?"
"Sino ba ang may kasalanan kung bakit ito nandito? Hayun lang ang bahay. Malapit lang naman. Besides, pinapatotohanan ko lang ang sinabi mo...that I'm an asshole. Now move!"
Okay. He's really mad. Wala akong nagawa kundi sumunod. Pumwesto ako sa likod ng kotse at itinulak sa abot ng aking makakaya.
"Tulak pa!" sigaw nito.
"Tinutulak na nga eh!" sigaw ko pabalik.
Halos madapa na ako sa pagtulak. Buong lakas kong itinulak ang kotse. Minsan pa nga ay natatalisod ako dahil mabato ang daan. Humihingal at tumatagaktak na ng pawis nang makarating sa harap ng bahay.
Walang sabi-sabi'y lumabas na ito ng sasakyan at pumasok sa loob. Sinundan ko siya kahit na hinahabol ko pa ang aking hininga.
"Wait! Nasaan ang phone ko?" tanong ko habang humihingal.
Bigla itong huminto sa paglalakad kaya naman napahinto din ako. Humarap siya sa akin.
"Bakit sa akin mo tinatanong ang phone mo?"
BINABASA MO ANG
Rescuing His Rebound (Hidden Desire)
RomanceHe doesn't have any idea why his girlfriend left him. They've been a couple for six years already. But when he finally decided to propose to her on his birthday he found out that she's gone. He kept looking for her, but she was nowhere to be found...