Nakuyom ko ang aking kamao dahil sa galit. Anong klaseng lalaki ito at kaya niyang manakit ng kanyang sariling girlfriend?
Akma kong lalapitan si Cheska para tulungan ngunit hawakan ako ng lalaki sa balikat at mabilis na sinuntok. Tumama ang kanyang kamao sa aking pisngi. Sa inis ko ay gumanti ako. Sinikmuraan ko siya. Umatras ako ng konti para bumwelo upang tadyakan siya kanyang tagiliran. Humandusay siya sa sementadong daan dahil sa ginawa ko.
"Xander, Please, Tama na!" umiiyak na pakiusap ni Cheska.
Hindi ko siya pinansin. Bagkus ay nilapitan ko ang gago niyang boyfriend at hinawakan sa kwelyo. Kumuha ako ng buwelo at sinuntok siya nang malakas. Halos mawalan na ito ng malay sa ginawa ko.
Umiiyak na nilapitan ito ni Cheska para tulungang tumayo ngunit tinabig siya nito. Gusto kong magalit sa tigas ng ulo ng babaeng 'to. Nasaktan na't lahat wala pa rin kadala-dala. Nakakainis na makitang nag-aalala pa rin siya sa kanya sa kabila ng ginawa nito.
"Umalis ka na kung ayaw mong tumawag ako ng pulis." nanggagalaiting wika ko nang makatayo ito.
"Touch her again and I'll kill you!" banta ko sa kanya nang bumaling ito kay Cheska.
Hindi ko man alam kung ano ang balak nitong gawin sa kanya'y hindi pa rin ako makapapayag masaling niya kahit dulo lang ng darili nito.
"Hindi pa tayo tapos. Pagbabayaran mo lahat ang ginawa mong ito sa akin." galit na banta nito sabay duro sa akin.
Lumakad ito ng pasuray-suray papunta sa kanyang sasakyan. Hinila ko si Cheska nang paandarin niya ito. Nag-aalala akong baka mahagip siya nito. At dahil nakaharang ang sasakyan ko ay iniatras niya ang kanyang kotse at kinabig pakanan para makadaan.Pagkaalis nito'y hinila ko si Cheska papunta sa sasakyan ko. Binuksan ko ang pinto sa may passenger seat. Kinuha ang paper bag at hinagis sa back seat.
"Get in." utos ko.
Napatingala siya sa akin. Nagtatanong ang kanyang mga matang hilam pa rin ng luha.
"I said get in." ulit ko.
"Why?" mahinang tanong nito na parang gusto na naman maiyak.
"Puntahan natin ang kuya mo. He deserves to know what happened."
"No. Please, don't tell him." pagmamakaawa nito at nagsimula na namang umiyak.
"He needs to know. He'll probably take a legal action regarding this. Worst, he'll kill him for doing this to you. Look at you. You're a mess."
"Please, Xander. I'm begging you." nag-aalalang wika nito.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at tiningnan siya ng diretcho sa mata.
"Get in the car." may awtoridad kong utos.
----------
Cheska's POV
"Get in the car." utos ni Xander sa akin.
Dismayado man ay wala akong magawa kundi sundin ito. Nag-alala akong baka lumala pa ang sitwasyon kapag nalaman ito ni kuya. Sa kanya na rin nanggaling ang mga posibleng mangyari. Pero bakit ayaw niya pa rin akong pagbigyan? Kahit anong pakiusap ko ay ayaw niyang pumayag na 'wag ipaalam kay kuya ang mga nangyari.
Pagpasok ko ay isinara niya ang pinto at mabilis na lumigid papunta sa driver seat. Binabagtas na namin ang daan ngunit wala pa rin sa amin ang nagsasalita. Nang sulyapan ko ito ay bakas sa mukha niya ang inis.
Hindi ko inaasahan ang pagpunta niya sa amin. Gayunpaman ay nagpapasalamat na rin ako kahit papaano. Kung hindi siya dumating ay baka kung saan na ako dinala ni Theo at baka ano na ang nangyari sa akin. Galit na galit ito sa akin. Pag-uwi galing Batangas ay agad ko itong tinawagan. At tulad ng inaasahan ay sumugod siya sa amin na mainit ang kanyang ulo. Buti na lang at hindi pa nakakauwi ang mga magulang ko. Halos magwala siya sa galit. Hindi alintana ang mga kasamahan ko sa bahay. Pinagmukha ko daw siyang tanga. Ang masakit ay hindi man lang ako tinanong kung saan ako nagpunta o kung okay lang ako. Tila hindi man lang ito nag-alala sa akin dahil hindi niya ako ma-contact. Unti-unting dumaloy sa isipan ko ang pag-uusap namin.
BINABASA MO ANG
Rescuing His Rebound (Hidden Desire)
RomanceHe doesn't have any idea why his girlfriend left him. They've been a couple for six years already. But when he finally decided to propose to her on his birthday he found out that she's gone. He kept looking for her, but she was nowhere to be found...