Tinawagan ko kaagad si Lewis para malaman kung tama ang kutob ko. Mabuti na lang at agad niyang sinagot ang tawag ko.
"Where are you?" bungad ko. Hindi ko na naitago ang pagkayamot sa aking tinig.
"Paakyat sa office ni Sir Nico. Why?" nagtatakang namang tugon nito.
Bigla na akong kinabahan. Anong gagawin nila sa SFM? Paano ang kanilang binabantayan?
"Si Jaz? Nasaan?" tanong ko.
Masyado lang siguro akong nag-o-over react. Baka naman naiwan ang isa para magbantay kay Cheska.
"Kasama ko."
"What?! Paano si Francheska? Sino ang nagbabantay sa kanya?" angil ko. Nakaramdam na ako ng pagkataranta. Hindi na ako mapakali.
"Hey! Calm down. Nagtext siya sa akin. Pinapatawag raw kami ni boss Nico dahil may mahalaga raw siyang gustong sabihin sa amin. Most probably, hinihintay na nila kami sa opisina nito." tugon nito.
"She's not there! Dammit! Tawagan mo kaagad si Nico para kumpirmahin. Kung tama ako'y i-track niyo agad ang cellphone ko through GPS para malaman ang location ko. Sumunod kayo kaagad!" galit kong utos.
"Wait. What's goin on?" tanong nito. Biglang nag-iba ang tono ng boses niya. Marahil ay kinutuban na rin siya.
"Kaninang papasok ako sa parking lot ng SMF ay nakita ko si Francheska habang papasok sa isang pulang kotse kasama ang isang lalaki. And I'm following them, right now."
"Are you sure?"
"Yes! So, Hurry up!" inis kong sagot
"You mean, she lied to me?" naguguluhang tanong nito.
Oh God! Bakit ngayon pa niya naisipan magtanong ng mga ganito? Hindi ba dapat ay magmadali na sila sa pagkilos?
"I think so! You still need to call Nico. Kailangan natin malaman kung bakit niya ginawa 'yon. Masama ang kutob ko." iritableng sagot ko.
"Okay! okay! Bababa na kami. Sundan mo lang sila. Huwag mo silang hayaang mawala sa iyong paningin. Susunod kami kaagad." tugon nito. Sa puntong ito ay bakas na sa kanyang tinig ang pagmamadali. Hindi na rin niya hinintay ang sagot ko. Ibinaba niya agad ang tawag.
Damn! Habang tumatagal ay pabilis ng pabilis ang kaba sa dibdib ko. Parang nahihirapan na akong huminga dahil sa sobrang pag-aalala. Paano kung may masamang mangyari sa kanya bago ko man siya masaklolohan? Ipinilig ko ang aking ulo para iwaksi ang mga negatibong pumapasok sa aking isipan. Get your head straight Alexander. You need to rescue your girlfriend. In order to do that, stay focus! Paalala ko sa aking sarili.
Natunton ko ang kinaroroonan ng dalawa.Halos kalahating oras ko rin silang sinundan. Huminto sila sa tapat ng dalawang palapag na bahay. Nang pumasok sila sa loob ay lumabas na rin ako sa aking sasakyan. Inakyat ko ang hindi kataasang gate at tinakbo ang pinto ng bahay. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang matuklasang hindi nakuhang isara ang pinto. Dahan dahan akong pumasok sa loob. Hindi ako maaring makalikha ng ingay dahil kapag nalaman ng lalaki ay baka mapahamak si Cheska. At ayokong mangyari iyon. Kung ako lang ay wala na akong pakialam sa sarili kong buhay. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kaligtasan niya.
Nagmamadali akong umakyat sa itaas nang marinig ang sigaw ni Cheska. Nakabukas ang pinto ng isang silid kaya iyon agad ang aking pinuntahan. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita. Nakahiga na sila sa kama. Nakapatong na ang lalaki sa ibabaw niya. Mabilis ang aking pagkilos. Hinablot ko ang lalaki at nagulat ako nang nalamang siya si Theo.
"You son of a bitch!" nanggagalaiting sigaw ko at saka inundayan agad ng suntok ang walanghiya.
Nakaganti ito ng suntok na dumapo sa aking pisngi. Ngunit bago pa niya masundan ang suntok ay sinunggaban ko agad siya.
BINABASA MO ANG
Rescuing His Rebound (Hidden Desire)
RomanceHe doesn't have any idea why his girlfriend left him. They've been a couple for six years already. But when he finally decided to propose to her on his birthday he found out that she's gone. He kept looking for her, but she was nowhere to be found...